"H-hinigop niya ang atake ni Allen?" gulat na sabi ni Pea na hindi makapaniwalang may nakalusot sa kakayahan ng lalaki. 

"That guy can consume any form of energy with his bare hands," Quattro explained. 

"Resbak!" sigaw ng binatilyong si Reid na halos mamula na ang dulo ng tainga sa sobrang gigil. Wala itong sinayang na oras. Kinuyom nito ang mga palad saka inilahad. Inulit-ulit niya iyon hanggang sa makabuo siya ng  mga maliliit na bomba sa kamay. Nilingon nito si Allen saka nagsalita, "Release you air slash on three."

Nagtaka naman si Allen sa tinuran ng binatilyo. Nang maglaon ay mukhang nabasa nito ang nasa isip ni Reid saka tumango. Walang kahirap-hirap nitong muling tinawag ang hangin gamit ang kanyang mga palad. Ramdam ko ang napakalakas na enrhiya ng hangin na naglalakbay patungo sa mga palad niya. "One," pagsisimula nito. 

"Two," kalmadong sabi ni Reid. 

"Three!" Sigaw ng dalawa. Pinakawalan ni Allen ang isang malakas na air slash kasabay ng paghagis ni Reid sa ere ng kanyang mga bomba. The striking air took the bombs towards the enemy's point. 

Nakita ng mga kalaban ang ginawa nina Allen at Reid. Mukhang napaghandaan nila ang pag-atakeng iyon dahil mabilis nilang binigyan ng daan ang matabang lalaki na kanina'y hawak ng kambal na hostage. Sa pagsalubong ng kombinasyon ng air slash ni Allen at ng mga bomba ni Reid, nakapameywang na humarap ang matabang lalaki. Laking gulat namin nang lumaki ng triple ang katawan nito. Ang matabang pangangatawan na iyon ang siyang sumangga sa sumabog na mga bomba mula kay Reid. 

Nabalot ng usok at alikabok ang punto kung saan nakatayo ang mga kalaban. Ilang sandali lang nang humupa ang makapal na usok sa paligid. Hanggang sa nagmistulang tila walang nangyari sa tatlong lalaki. 

"I'm not happy!" napipikong untag ni Reid na sinukan pang sumugod. Sinabayan ito ng iba pa. 

Naging sunod-sunod ang palitan ng atake mula sa tatlong kalaban katumbas nina Allen, Reid at Quattro. Napansin ko ang hindi pagkilos ng isa pang lalaking tila isang maharlika sa kanyang kasuotan. Nakahalukipkip lang ang mga kamay nito habang pinapanood ang palitan ng atake ng magkabilang grupo. 

Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang mapagmasdan ko kung gaano siya kakampante sa gitna ng bakbakan. Mukhang tiwala ito sa tatlo niyang mga kasama na maililigpit kami ng mga ito nang hindi nadudumihan ang kanyang mga kamay. His confident aura scared me. 

You won't scare my guts. No one terrifies a person who has been so ready to die since she realized she's breathing. You don't scare me. Napakuyom ako ng palad. Sa paghigpit ng hawak ko sa aking sariling kamay ay nagsulputan ang mga kumikinang kong chains. Nagsimulang gumapang ang mga ito sa paligid. Halos marinig ko ang pagkaskas ng mga kadenang kumikinang palibot sa kinaroroonan namin. Itinapat ko ang kanan kong palad sa aking dibdib kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang paligid. 

Patuloy ang malalakas na pagsabog ng mga bomba ni Reid. Hindi nagpahuli si Pea na tila isang sharp shooter sa pag-asinta sa mga kalaban habang sunod-sunod na hinahagis ang mga karayom niyang naglalaman ng mga lason. Nakontrol din ni Quattro ang matabang lalaki ngunit naging pansamantala iyon nang sinugod siya ng lalaking may kakahayahang humigop ng enerhiya. 

Nakapikit ako ngunit ramdam kong nakatitig parin saakin ang lalaking may hitsurang maharlika. Matiim na nagmamatiyag ito sa susunod kong pagkilos. Nararamdaman siya ng aking mga kadena. 

Gagawin ko na! Sigaw ng utak ko saka mabilis na iminulat ang aking mga mata. Singbilis din ng kilos ko ang mga chains sa paggapang at paglipad patungo sa mga kalaban. Tila mga kumpol ng mabangis na ahas na sumugod ang aking mga kadena palapit sa apat na lalaki. Nakatitig ako sa nakatingin ding lalaki habang lihim silang sinusugod ng aking mga kadena. Katapusan niyo na!

Unang pinasukan ng chains ang lalaking may kakayahang kontrolin ang lupa. Napaluhod ito nang pigain ko ang puso niya. Nagkaroon ng tsansa si Pea na hagisan ito sa batok ng isang kayarom kaya kaagad itong nakatulog. Magkasunod namang lumuhod ang matabang lalaki at ang lalaking may kulay abong buhok. Pea managed to throw them needles that gradually put them into a deep slumber. 

The three were knocked down just as quick as I planned. Then came the last guy who looked so royal na hindi parin natitinag at nananatiling nakatayo sa harap ng dalawang bihag. 

Nagkatinginan pa kaming lahat bago sabay-sabay na napasugod sina Allen, Pea, Quattro, at Reid patungo sa direksyon nito. Sabay na tumalon ng mataas sina Reid at Allen hawak-hawak ang kanilang mga nabuong armas. Nasa magkabilang direksyon naman ang pagsugod nina Quattro at Pea kasabay ng mga kadena ko. 

Ilang metro bago dumikit ang mga chains ko sa talampakan ng lalaki ay nagawa nitong itaas sa harapan ang kanyang kanang palad. Malumanay nitong nilaro ang mga daliri saka pumitik na tila isang prinsipe. I heard his finger flipped. Nagulat ako nang sabay-sabay na bumagsak sa lupa ang mga kasama ko na tila mga makinang naubusan ng enerhiya. 

Nang lumipat ang tingin nito sa kinaroroonan ko at itinaas ang palad upang muling pumitik ay mabilis kong pinulupot ang mga kadena ko sa kanyang mga binti. Ilang segundo kaming nag-unahan sa pag-atake. Nakaakyat ang mga kadena ko sa dibdib nito at walang kahirap-hirap ding pumulupot ang mga ito sa puso at baga niya. Piniga ko ang aking mga kamay na parang pinipiga ko ang puso niya. Napangiwi ito na tila naramdaman ang kirot. 

Sa gitna ng pagsisikap niyang labanan ang aking mga kadena ay nagawa niyang pumitik gamit ang kanyang mga daliri. Nabingi ako at halos matumba. Ang pagpitik ng kanyang mga daliri -tila isang malakas na ugong iyon ng dambana. Unti-unting nagbago ang itsura ng paligid. Nawala ang mga puno at ang kulay ng lupa. Binalot ako ng walang hanggang puting kapatagan.  

Unti-unting akong sinakop ng ilusyong iyon. Ramdam ko ang paghigop nito sa aking enerhiya. Napaluhod ako at halos masuka. Ito ang kanina pa sinasabi ni Quattro...

Humalakhak ang lalaki habang papalapit saakin. Tila inasahan na niyang mangyayari ito saamin kaya kampanteng-kampante siya. Umikot na ang aking paningin nang bigla itong nagsalita, "This is nowhere. Welcome to nowhere!"

###

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now