Chapter 3: Heartbreak

18 2 0
                                    

Chapter 3: Heartbreak

Zeus' POV

Nandito na kami sa bahay namin buti na lang bukas na yung foundation day kaya makakapagrelax kami kahit konti.

''Si Aliah pala bro..'' sabi ni Paul

''Kanina ka pa Aliah ng Aliah, may gusto ka ba dun?'' natatawa kong tanong

''Meron kaso may boyfriend na eh.''-sabi ni Paul

''Hahaha! Ba't mo nagustuhan yun? Di naman maganda yun ah.''-sabi ko sa kanya

''Hindi mo pa kasi sya kilala, bro. Kahit sino atang lalake, mahuhulog dun kapag nakilala mo eh. Parang si Knoah, bestfriend lang sila noon pero tingnan mo ngayon.. sila na.''-France

''Wag mo sabihing may gusto ka din dun?'' sabi ko

''Oo. Kahit ikaw din naman eh.'' sabi ni France

''Baliw! Asa pa! Si Leeah nga yung gusto ko hindi si Aliah.''-Sabi ko

''Eh ano bang nagustuhan mo kay Leeah? Bukod sa magaling syang sumayaw?'' sabi ni Sean

Ano pa nga bang nagustuhan ko sa kanya bukod sa magaling syang sumayaw?

''Nakita mo na ba yung mukha nya?'' sabi ni France

Umiling ako.

''Eh ano ngang nagustuhan mo sa kanya?'' sabi naman ni Dino

''Para kasing kilala ko na sya noon pa. Ang nakakainis lang, di nya ko pinapansin! Lagi ko syang minemessage sa facebook pero lagi akong seen sa kanya.'' reklamo ko

''Parang ginagawa mo kay Aliah noon?''-sabi ni Cloud

''Ba't nasali na naman yun?'' tanong ko

''Parang ikaw na ang nasa sitwasyon ni Aliah ngayon, bro. Ang kaso nga lang, di na mutual yung feelings nyo sa isa't isa. Hindi ka na mahal ni Aliah.'' sabi ni Sean

''Ba't ba nasasali si Aliah sa usapang ito?'' sabi ko

Di ko sila maintindihan.

''Panuorin mo to.'' sabi ni Paul at inabot sakin yung Tablet nya

'So ano ang tunay na pangalan ni Leeah Park?' sabi ni Jessica Soho sa iniinterview nya

Si Aliah yung kausap nya.

'Ako po si Aliah Kristel Mendez. I'm 19 years old! Hello po!' sabi nya

'Wow. Ang energetic mo naman pala. Balita ko, masayahin ka daw na kaibigan, anak at tao. Mukhang totoo nga iyon. So anong nagpursige sayo para maging dancer?'' tanong ni Jessica Soho sa kanya

'May crush po akong dancer noon. Ginawa ko po lahat para mapansin nya ko pero wala po eh. Mas lalo po syang nagalit sakin. So dinaan ko na lang po sa sayaw ang lahat.' sagot nya

'Aww. Malay mo nanunuod sya ngayon, batiin mo.' sabi ni Jessica Soho

'Sige po. Zeus! Salamat kundi dahil sayo hindi ako magiging ganito kasikat. Dahil to sayo at salamat din dahil nakamoveon na ko sayo. Salamat sa lahat, Zeus! At sorry sa nagawa ko.' sabi nya dun at saka ngumiti

Tumulo yung luha ko. Huli na ko. Hindi na ako yung gusto nya. May boyfriend na sya. Inabot ko yung tablet sa kanila at tumalikod.

Too late. Too late ang feelings ko para sa kanya.

Nagkulong ako sa kwarto at nakatulog kakaiyak.

Kinabukasan. Nag-ayos ako at dumiretso sa school. Dun kasi napag-usapang magkita ng mga kagrupo ko sa sayaw.

Tapos dumiretso na kami sa field kung san gaganapin yung sayaw.

Nagsisimula na pala yung program.

Naglakad muna ako since pang-apat pa naman kami eh.

*Blag*

May nakabungguan akong babae.

''Waa, sorry!'' sabi nya

Tiningnan ko sya at nakita ko ang dahilan ng mga sakit na naramdaman ko.

''Aliah.'' sabi ko sa kanya

''Oh, Zeus. Ikaw pala. Pang-ilan kayong sasayaw?'' Sabi nya

''Pang-apat kami.'' sabi ko

''Oh. Sunod pala kayo samin. Pangatlo kami.'' sabi nya at nakangiti

''Wife!'' napatingin kami sa tumawag, si Knoah lang pala

Lumapit sya samin at inakbayan nya si Aliah.

''Thank you pala.'' sabi ni Knoah

''Para saan?'' sabi ni Aliah

''Hindi sayo. Thank you Zeus.'' sabi ni Knoah na nakatingin sakin

''Thank you saan?'' sabi ko

''Kasi kung hindi dahil sayo, hindi ko sya makikilala at hindi ko sya mamahalin ng sobra sobra.'' sabi ni Knoah at hinigpitan ng yakap si Aliah

''Huli na ko. Kung kelan wala ka na, saka ko lang narealize na mahal pala kita. Nahuli ako. Pasensya sa mga nasabi kong masasakit sayo.'' sabi ko kay Aliah

Umiling sya at ngumiti.

''Honestly bro, you're not late.'' sabi ni Knoah

''Ha?'' sabi ko

''Psh.'' sabi ni Aliah at tiningnan namin sya, nakapout sya

''Joke lang Wife.'' sabi ni Knoah at pinisil yung pisngi nya

''Che. So Zeus, Friends?'' sabi ni Aliah at nilahad nya yung kamay nya

Nginitian ko sya.

''Friends.'' sabi ko at inabot ang kamay nya

Nahuli ako. Kung sana narealize ko agad ng maaga edi sana ako ang mahal nya ngayon.

''Bitaw na Wife. Nagseselos na ko.''-Sabi ni Knoah kaya tinanggal ko yung kamay ko sa kanya

''Selosong Koreano.'' sabi ni Aliah saka kami tumawa

''Uy Zeus, tara na. Tayo na sunod.'' narinig kong sabi ni Dino

''Sige, sayaw na kami.'' sabi ko kina Knoah at nginitian sila

''Goodluck, bro.'' sabi ni Knoah

''Galingan mo ah? Ikaw lang asset sa inyo eh.'' sabi ni Aliah

''Hahaha sige sige.'' sabi ko saka tumalikod sa kanila at naglakad palayo

Nung tinawag yung department namin, narinig ko ang boses nya.

''Go Zeus!'' narinig kong sabi nya at nilingon ko sya saka kinawayan

Para sa kanya ang sayaw kong ito. Para sa kanya na minamahal ko.

***

Ang Crush Kong Dancer 2 (His Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora