Chapter 1: Crush

21 0 0
                                    

Chapter 1: Crush <3

Zeus' POV

''Uy pre, dami talagang may gusto sayo.''sabi ni Dino, bestfriend ko

''Ano naman? Yaan mo sila. Di ko sila priority.'' sagot ko

*Bzzt bzzt*

Kinuha ko yung phone ko sa table at may nakita na naman akong text.

Text from my Stalker. Tss.

From: Stalker Aliah

Kumain ka na? Kumain ka na ha? Wag kang magpalipas. Mamahalin mo pa ko.

Binura ko na lang agad yung text nya. Maya maya may dumating na text ulit galing sa kanya.

From: Stalker Aliah

Daisuki, Zeus!

Lagi nyang tinetext sakin yan. Di ko naman maintindihan. Tss.

''Nakasimangot na naman si Kuya oh!''

Tiningnan ko yung kapatid kong si Zen.

''Nagtext na naman ba yung Stalker mo pre?'' sabi ni Dino

Tumango ako. Akala mo kung sino. Kung sana maganda eh. Kaso hindi!

Aish! Nababadtrip na naman ako pag naaalala ko yung pinost nya sa FB. Nagkamali lang ng spelling, kailangan pang ipost sa facebook? Napakapapansin nya!

*Bzzt bzzt*

Kinuha ko ulit yung phone ko at may nakita akong text dun. Galing na naman sa kanya.

From: Stalker Aliah

Knoaaaaah! Partner tayo ah? Iloveyouuuuu.

TSK. Nawrongsent pa oh. Nireplyan ko at sabi ko wrongsent sya.

Mabilis naman syang nagreply.

From: Stalker Aliah

Waaaa, oo nga! Oh My God! Kung sino ka man po, sorry po. Pareho kasi kayo ng number. Naalala koa po, 6 pala yung dulo nya. Pasensya na po talaga. Sige po, bye!

Di ko na pinansin at nag-open na lang ako ng facebook.

France tagged you in a post.

Binuksan ko yung notif na yun at nakita ko na may video dun at nakatag yung name ko.

Pareng Zeus! Nakita ko na yung katapat mo oh!

Pinlay ko yun at halos mamangha ako. Ang galing nung babae na sumayaw.

Naka-1 million views agad sya. Inopen ko yung page nya at nakita kong ang dami nyang fans. Wow.

Mas marami pa syang followers kesa sakin eh. Inistalk ko yung page nya.

May mga sinasayaw pa syang mga kpop. Ang galing nya.

Kaso nakamask yung mukha nya. Ayaw nya siguro magpakilala. Mukha ngang nakita ko na yung katapat ko.

May bago syang post.

Foundation Day Practice, @school later. May laban kami eh. Hahaha. Goodluck!

Yun yung post nya. Nagcomment ako kung saang school sya nag-aaral.

Leeah Park replied to your comment. Inopen ko yun at nakita ko yung sagot nya.

Leeah Park: We're schoolmates, Mister.

Schoolmates kami?

Zeus De Leon: Sa CDS**?

Nagreply ulit sya.

Leeah Park: Yup. I know you.

Tapos may nagcomment na lalake.

Knoah Shin: Add mo na lang sya Mr. Zeus. Leeah Park (Mask Dancer)

Tapos may link na facebook nya. Pinindot ko yun at inadd sya. Kinonfirm naman nya agad.

Minessage ko sya.

Ako: Anong course mo?

Sya: Sorry, it's confidential.

Ako: Aww. Sayang naman.

Sya: Sasali ka sa cheerdance competiton diba?

Ako: Oo, ikaw ba?

Sya: Yup. Kaso di na kami umaasa na matatalo namin kayo.

Ako: Hahaha grabe ka naman.

Sya: Oo kaya. Ang galing mo kaya.

Ako: Magaling ka din naman sumayaw ah.

Sya: Pero mas magaling ka.

Ako: Marami kayang may gusto sayo.

Sya: Tulad nino?

Ako: Tulad ko.

At seen lang ang tugon nya.

Ni hindi man ako nireplyan. Talagang sineen nya lang ako.

Aray naman dun. Pero di ko sya susukuan.

Nagpost sya ng video na sumasayaw sya ng Ignition. Shinare ko iyon at tinag ko sya.

'Hi Crush :-$'

And as usual, maraming nagreact na fans ko.

Kung sino ka man, Leeah Park.. I'll get you no matter what.

***

Ang Crush Kong Dancer 2 (His Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon