Chapter 2: Girlfriend

15 2 0
                                    


Chapter 2: Girlfriend

Zeus' POV

''Gusto mo talaga si Leeah, pre?'' sabi ni France at tumango ako

Iniistalk ko si Leeah ngayon. Yun na yung huli naming matino na chat.

Leeah Park posted a new video.

Kinlick ko yun at agad kong pinlay.

Nakakainis yung hawak nung lalake sa kanya. Troublemaker Now yung kanta, yun yung nakalagay sa post nya eh.

Marami agad nagcomment. Ako lang ata ang nainis eh.

Maya maya, nagpost ulit sya.

'Practice @ court later. Gusto ko ng chocolates. #RedAlert'

Nagcomment yung Knoah sa kanya.

Knoah Shin: 3 pm, right? Makikinood nga ako.

3 pm at court? Tingnan ko kaya sa court? Kaso may pasok ako ng 3-4:30 pm. Di na lang ako papasok hahaha.

Makalipas ang ilang oras. Naglalakad na ko papunta sa court.

Pagkarating ko dun, isang oras akong maaga sa practice nila. Kung dito nga ba. Umupo ako sa may bleacher at naghintay.

''Eh? Ang aga ko talaga.''

Napatingin ako sa nagsalita. Sa dinami dami namang makikita ko, si Stalker Aliah pa.

Tiningnan nya din ako at tumingin sa buong court. Kami lang yung nandito.

Tumingin sya sakin ulit at lumapit.

''Anong ginagawa mo dito?'' sabi nya

''Wala ka na dun.'' pagsusungit ko sa kanya

Ba't ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

''Okay.'' sabi nya at umupo sa tabi ko

Umusod ako ng konti. Kinakabahan ba ko sa kanya?

Nag-open na lang ako ng facebook at may nakita akong post ni Leeah sa mismong account nya.

'Awkwaaaaard.'

Yun yung post nya at ang dami na agad likes at comments. Nagcomment ako.

Zeus De Leon: Bakit awkward?

Napansin kong tumingin sakin si Aliah at ngumiti ng pilit.

*Ping*

May nagpop up na message sakin at galing kay Leeah yun.

Sya: Where are you?

Ba't nya tinatanong kung nasan ako?

Ako: Court. Ikaw?

Sya: Ah papunta na.

Ako: Court ng school natin?

Sya: Yeah.

Ako: Can't wait to see you.

Sya: Ah sige.

Ako: :)

Tapos sineen nya na naman ako.

Maya maya may dumating na mga babae at lalake. Nilapitan naman sila ni Aliah at nginitian.

''Oh pre, akala ko di ka papasok?''

Nakita ko yung mga kaklase ko na naka-PE uniform. Oo nga pala, ngayon pala yung PE namin. Ang bobo ko talaga minsan.

''Uy si Stalker Aliah oh!'' sigaw ni Dino kaya napatingin sila samin

''Stalker? Iniistalk mo pa sya girl?''-rinig kong sabi nung mga kasama nya

Umiling sya.

''Hindi ah. Hindi ko na kaya sya gusto.'' rinig kong sabi nya

Bakit ganun? Parang iba yung pakiramdam ko. Parang bumigat.

Imposible namang may gusto ako sa panget na to. Hahaha.

''Wifeeeeey!''

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

Yun yung Knoah ah. Yung kapartner ni Leeah sa sayaw na nakakainis.

''Yiieeee! Nice Ali!'' sabi nung mga kaibigan nya

Lumapit yung Knoah kay Aliah na may dalang flowers at paper bag.

''Yiieeeee!!'' yung mga kasama ni Aliah

''Effort mo, Knoah.'' sabi ni Aliah

''Ayaw mo ba, Wifey?'' tanong ni Knoah

Tumingin muna sya sakin bago magsalita. Nginitian nya ko.

Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.

''Stop it, Wife.'' seryosong sabi ni Knoah

Tiningnan nya si Knoah at niyakap.

''Nagseselos ka na naman. Cute cute mo talaga!'' sabi ni Aliah

Niyakap nya rin si Aliah at mas lalong bumigat yung pakiramdam ko.

''Mahal mo na ba, bro?'' tanong ni Paul na tinapik yung balikat ko

Tiningnan ko sya ng medyo nagtataka.

''Sino?'' tanong ko

''Si Aliah bro.'' sabi ni Paul

''Hahaha! Hindi ah. Alam mo naman kung sino yung gusto ko diba?'' sabi ko sakanya

''Oo. Si Aliah.'' sabi ni Paul

Tinawanan ko ulit sya. Si Aliah daw? Hahaha

''Si Leeah bro, not that ugly girl.'' sabi ko

Pero narinig ata nila yung sinabi ko at tiningnan nila ko at nilapitan ako ni Knoah

''Zeus, right?'' sabi nung Knoah

''Knoah, stop.'' pigil sa kanya ni Aliah

''Oo. Bakit?'' sabi ko dun sa Knoah

''You don't know her?'' sabi nung Knoah at tinuro si Aliah

''I know her. Stalker ko. Papansin akala mo naman kagandahan. Mukhang walang alam gawin kundi lumandi ng gwapo. Ginayuma ka ba nya?'' sabi ko at naramdaman ko nq lang na nasa sahig ako.

Sinuntok pala ako nung Knoah.

Tumayo ako at tiningnan si Aliah na umiiyak. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Parang binibiyak yung puso ko sa sakit.

Susuntukin pa sana ako nung Knoah nung niyakap sya ni Aliah.

''Stop it, Knoah. Stop.'' sabi ni Aliah sa kanya

Tinapik ako ni Paul.

''Tara na bro. May kailangan kaming ipaliwanag sayo.'' sabi ni Paul

Hindi ako naglakad palayo. Hinihintay ko nga si Leeah eh.

''Ali, tahan na.'' rinig kong sabi ni Knoah

Tumingin ako sa relo. 30 minutes na pero wala parin si Leeah.

''Girlfriend mo ba yan?'' natanong ko din. Kanina ko pa gustong itanong yun e

Humarap sila sakin at inakbayan ni Knoah si Aliah na nagpupunas ng luha.

''Yes. She's my girlfriend. Leeah's my girlfriend.'' sabi ni Knoah

Tumawa ulit ako.

''Hindi naman si Leeah yan eh. Hahaha may Aliah ka na, kaya pwede na kami ni Leeah. Ge bye!''sabi ko at tumatawa na palabas ng court

***

Ang Crush Kong Dancer 2 (His Side)Where stories live. Discover now