C5: A warning

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumayo na ako dahil nakakabagot na ang ganito. Nakakainip talagang kasama to.

"San ka pupunta?" tanong niya nang napansin niya na paalis na ako.

"Magpapahangin. Bumalik ka na sa klase." 

Papunta na sana ako sa rooftop nang biglang nag-ring ang phone ko. Napasimangot ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang epal na tumatawag. Shit, siya na naman?! Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin nito?

"Amanda?" sabi niya sa kabilang linya gamit ang pinakamahina niyang boses na akal mo'y nanlilimos ng pera.

"Oh?" sabi ko na may tonong naiirita

"I'm so sorry."

"Sorry? Nakikipagaguhan ka ba sakin?" pasigaw ko namang sinabi.

"Please, intindihin mo naman ako."

"Bakit? Kailan mo ba ko inintindi? Kelan mo ba napansin na kailangan pala kita?"

"I'm so sorry."

"Puro ka sorry. Puro ka please pero kahit kelan naman wala kang ginawa kundi lumandi diyan. Ilan na ba ang asawa mo? Ilan na ba ang naikama mo ha? Ayos na sana eh pero bakit pati ang tinuturing kong pamilya ilalayo mo sa akin? Bakit mo papaalisin sila nanay Imelda?" Gustong gusto kong ibaba ang phone at ibato na lang sa malayo ngunit kailangan kong sabihin lahat ng nadarama ko. Sumosobra na siya, sa totoo nga lang, wala na kong pakialam sa kanya. Wag lang niyang guluhin ang buhay ko.

"Anak, nanay mo rin ako... para sa ikakabuti mo tong lahat." Sabi niya na naiiyak-iyak na. Ang arte arte talaga.

"Nanay? Isa lang ang nanay ko at siya yung nakakasama ko sa araw-araw. Siya yung nag-aalaga sa akin. Ikaw lang ang nagluwal sa akin kaya huwag na huwag mong ipagmamalaki na nanay rin kita dahil si nanay Imelda lang ang tinuturing kong nanay."

"Anak, maniwala ka naman sa akin. Nasasaktan na ko sa mga sinasabi mo."

"Wala akong pake sa nararamdaman mo. Hindi mo ko anak, at lalong wala akong malanding ina na katulad mo. Wala akong nanay na prostitute! Di ka ba nandidiri sa sarili mo? Nakakasuka ka!" Totoo naman ang mga sinasabi ko. Hindi ko siya kailangan dahil kahit kelan naman di niya ako kinailangan. Never nga niyang naisip na baka mas nasasaktan ako sa mga nanyayari eh. Wala siyang pake sa akin. Pinapadalhan niya lang ako ng pera para masabi niya na kahit papano eh nagiging nanay ko siya. May pamilya na siya doon.....di na ko importante sa kanya.

"Anak.."

"Ilang beses ko bang isusuksok sa kokote mo na hindi mo ako anak! Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang?!" Sigaw ko muli sa kanya. Hindi man magalang, alam ko ang lugar ko. May karapatan akong magalit. May karapatan akong magtanim ng sama ng loob sa inang pinamigay lang ako basta basta.

"Anak patawarin mo ako sa mga ginawa ko... nagsisisi na ako. Magsimula tayo muli." Mas lalo akong nairita sa mga sunod niyang sinabi. Sino siya para diktahan ang pupwedeng manyari sa amin? Wala ng dapat simulan ulit dahil kahit kailan hindi ko siya matatanggap. Hindi nga sapat ang impyerno para sa kanya.

"Iniwan mo ako! Pinagpalit mo ako sa iba! Sa tingin mo mapapatawad kita? Hindi ako isa't kalahating tanga para mapatawad ka. Inabanduna mo ako... kinalimutan mo ako tapos ngayon babalik-balik ka? Ngayon sasabihin mo na nanay na lang ulit kita tapos anak mo na ulit ako?!"

Narinig ko na naman siyang umiiyak. Here we go again. Drama queen.

"Drop the drama. Bitch." Sabi ko sa kanya at mas lalo kong narinig ang paghagulgol niya na parang tanga.

"Anak, patawarin mo ako. D-Di ko ginusto lahat ng nanyari sayo ... sa atin. Wala akong nagustuhan sa mga yon. Mahal na mahal kita anak... sobrang mahal kita. Kung pupwede nga lang na pumunta ako diyan pero ... anak, sorry. Mahal na mahal ka ni mama. Para sa'yo tong ginagawa kong sakripisyo. Maniwala ka naman kay mama."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon