Chapter 38: With Him

35 10 0
                                    

Aaron's POV

Ang sakit ng ulo ko. Letseng hangover yan, naginom kasi kami kagabi eh naparami yata inom ko si Kai kasi pasimuno.

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay napansin ko namang wala na si Claire sa higaan niya ang aga naman ata niyang nagising. At bumaba na ako, pagkababa ko nadatnan ko silang lahat na kumakain na ng breakfast pero wala dun si Claire.

"Aaron gising ka na pala kain ka oh."-pang aalok ni Ejay, oo nandito pa rin sila Ejay at Cassey dito sila natulog kagabi pero nasaan si Cassey bakit wala rin siya? Patay don't tell me magkasama sila?

"Guys asan si Claire?"-tanong ko

"Ah andun siya sa garden sinapian ata ni kasipagan. Hahaha."-sabi ni Sam, nagkunot noo lang ako.

"Di niya gets oh. Nandun sa garden nagdidilig nung mga halaman."-dagdag ni Irish, napatango na lang ako at pumunta nasa labas at dun ko nadatnan si Claire na nagdidilig at nakatalikod kay Cassey habang kausap ito.

Lalapitan ko na sana sila ng biglang----

*Wuuuussssh*

Biglang humarap si Claire kay Cassey dahilan para sa kaniya sumirit yung tubig sa hose, halatang nagulat si Cassey ang lamig kaya nung tubig.

"Cassey are you okay?"-dali dali ko silang nilapitan

"Ano ka ba Aaron, she's fine. I'm so sorry sinasadya ko este hindi ko naman sinasadya eh."-sangat ni Claire

"Cassey ang mabuti pa pumasok ka na sa loob at magpalit ka na ng damit baka magkasakit ka."-sabi ko at sinunod naman niya

Maya maya si Claire naman ang pumasok sa loob.

"Sinadya mo yun 'no? Hahaha."-sabi ko habang sumusunod sa kaniya pero di niya ako pinapansin at sinundan ko siya hanggang kwarto

"Oh? Anong gagawin mo saan ka pupunta?"-tanong ko, kumukuha kasi siya ng mga damit sa closet niya at pumasok sa CR nitong kwarto

"Aaron patanong nga sa kanila kung nakaalis na yung dalawang demonyo!"-halos mag-echo sa buong kwarto yung boses ni Claire dahil sa sigaw niya galing sa CR.

Dalawang demonyo? Ah oo, kilala ko na. Bakit naman niya tinatanong kung nakaalis na sila ano bang balak niya?

Claire's POV

Nakakatawa yung reaksyon ni Cassey. Hahahaha. Sinadya kong sa kaniya sumirit yung tubig eh paano ba naman kaaga-aga puro kalandian pinagsasasabi tungkol kay Ejay. Ayun nasura ako. Ang babaw ko diba?

Natapos na ako magbihis at lumabas na ng CR ng makita ko si Aaron na nakaupo sa kama at hawak yung mga files ng Lord High Executioner.

Kaya dali-dali akong tumakbo sa kaniya at hinablot ito bago pa niya mabuksan.

"Wag kang makiki-alam ng mga bagay na di sayo."-seryosong tugon ko, hindi dapat niya yun mabasa paano pag nagtanong siya about dun anong isasagot ko? Na gangster din ako? Tss.

"Ay sorry diba yan yun inabot sayo nung lalaki nung minsan? Nga pala, nakaalis na yung dalawang demonyo na sinasabi mo. Saan ka nga pala pupunta?"-mahinahong saad niya

YoungJi Wolves meets Lord High Executioner (#WattysAward2017)Where stories live. Discover now