[Ch.36] Chained Hearts

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nakakainis naman kasi! Bakit ba ayaw mo pa akong ligwan?! Nakakainggit na si Paolo at Yanna oh! Dali na!” Ano raw? Nasamid ako nang marinig kong sabihin iyon ni Leslie. Rinig na rinig ko pa ‘yung pagdabog ng mga paa niya sa ilalim ng lamesa.

“Aray naman!” she protested. Kinurot kasi siya ni Ate Leona sa tagiliran.

“Leslie Palmira!” suway sa kanya ni Lola Teresa. “Tigil-tigilan mo na ‘yang si Jiro baka hindi pa ‘yan bumalik dito dahil sa ginagawa mo.” Nagpigil naman kami ng tawa dahil baka mapagbuntungan kami ni Lola Teresa.

“LOLA! Ayan lalong naturn-off si Jiro, bakit kasi sinabi niyo ‘yung second name ko? Kontrabida ka talaga, Lola!” Tinaliman na siya nang tingin ni Lola Teresa kaya hindi na rin siya nagdaldal pa.

“Sabi ko nga po von voyage sa kanila eh.” Napa-iling na lang kami. Isip bata pa talaga siya.

+++

The next few hours of the day, naglakadlakad lang kami sa may beach at nilibot ang buong resort. May mga ilang parte rin kasi kaming ngayon lang napuntahan, especially ‘yung ibang pools. Doon kasi kami malapit lagi sa main house nitong mga nakaraang araw lumulusong. Hindi rin naman kami matagal nagbababad.

“Tara ulit sa beach?” sabi ni Paolo, he was smiling brightly at me. Gosh, I’m going to miss him. Big time.

Sa totoo lang, hindi pa sa nagsisink-in sa akin na pagdating namin sa bahay bukas ay hindi na magiging ganito ang turingan namin. Hindi na kami ‘yung pwedeng umakto nang ganito—may tao mang nakatingin o wala. We will be cousins tomorrow. Ang weird pakinggan. Magpinsan naman kasi kami from the very start, pero bakit kasi ‘yung puso walang pinipili? Bakit wala placard na nakasabit sa kanila na “Off limits! Bawal ‘yan!”? I don’t know what to do anymore.

Marami kaming nagawa sa loob ng three weeks, we practically made use of those 3 weeks, pero sa lahat ng ginawa namin… lagi ko na lang nahuhuli ‘yung sarili ko na sa kanya na ako nakatingin instead na roon sa ginagawa namin o doon sa spot na tinitignan namin. Sauladong-saulado ko na ata ang hubog at itsura ng mukha niya saan mang anggulo.

“Tara.” Ngumiti ako pabalik. Magaala- sais na at malapit nang lumubog ang araw. Hindi  ko pa na-e-experience na manood ng palubog ng araw kasama si Paolo…

It will never be like this again, so live your fantasy until the clock says it’s up, Cinderella.

Hinawakan niya ang kamay ko sa paraang katulad noon pero ngayon iba na sa pakiramdam. ‘Yung parang ayaw ko nang makarating ang mga paa namin sa beach dahil baka bitiwan na niya iyon. I held his hand tighter at napatingin siya sa akin. I shifted my gaze towards the path we were taking.

Someday, you might come back to this place, Aya. Only then, your hands would not feel as warm as it is right now, so seize the moment.

“Nag-umpisa tayo sa beach, naalala mo ‘yun?” sabi niya nang makarating kami sa beach. Hindi siya sa akin nakatingin, bagkus ay sinusundan ng mga mata niya ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan. Kahit summer ay ang sarap pa rin ng simoy ng hangin. Nilanghap ko iyon.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon