Sabi ko, okay lang yun, kahit na hindi naman talaga. Alangan namang sabihin kong hindi okay dba. E di lalong nag-isip yan :3 Kelangan muna magsinungaling.

*Salamat buns0 kasi tinanggap mo pa rin ak0. Matapos ng lahat ng nagawa k0 sayo maayos pa rin pakikitung0 mo saken, salamat kasi naiintindihan m0 ako,.. bakit ba ganyan ka :(( napakabait m0 :( hindi k0 deserve ang tulad m0 :(( haaay basta -.-*

Reply niya saken.

*Oo naman no ate. Kahit ano pa ang mangyare, tatanggapin kita. Kahit ano ka pa. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita :) Wag mo ngang sinasabing hindi mo ako deserve, ayoko yung ganun ang tingin mo sa sarili mo. Basta ako, mamahalin at aalagaan kita, hayaan mong gawin ko yun sayo :)*

*Haaaaaay. Napakabait m0,.. sensya ka na sakin ha. Sige na, matul0g na tayo., gabi na e :) Mahal kita :)*

At sa hindi inaasahan na pagkakataon, BUMALIK SIYA.

*Wala kang dapat ipagpasensya. :*** Sige ate. Goodnight. MAS mahal kita :))*

Pagkatapos nun. Nahiga na ako sa kama, pumikit ako at napaluha. Kinausap ko si Lord, nagpasalamat ako kasi bumalik si Angel sa aken. Nagpasalamat ako kasi nalinawan yung pag-iisip niya.

Ang gaan ng pakiramdam ko, pagkatapos kong umiyak at magdasal.

Masarap sa pakiramdam na bumalik siya.

--

Saturday 9:13 am

Gumising ako ng mejo namamaga ang mata. Pero okay lang. Haha. Bumalik naman siya at masaya ako.

Pagkaligpit ko sa hinigaan ko, nagwork-out muna ako. Napapasexy kasi ako ahahahaha. Charotera.

Tapos kumain ng agahan.

After nun, hindi pa nagtetext si Angel, siguro tulog pa. Kaya tinext ko.

*Goodmorning ateeeee kooo ^___^ Kamusta tulog mo? Ingat ka buong araw ha. Pinagpray kita na gabayan ka niya buong araw. Kumain ka sa tamang oras ha? Tskk. Baka nagpapalipas ka -__- Text mo ko paggising mo :))) Iloveyouuuuuu :)) <3

Nagreply after mga 30 mins siguro.

*Goodmorning bunso ko ^_____^ Sarap ng gising k0,.. ngayon lang ak0 ngumiti ng ganit0 :)) salamat kasi napapangiti m0 ako :))) opo kakain ako sa tamang oras. Ikaw din ha? magiingat ka buong araw. :* Iloveyoutoo :))))*

Wow. :""> Ibinalik niya yung iloveyou ko. Wahahha :">

Thankyou po Lord (-/\-)

At simula nga non, mas lalong nadedevelop. Mas nagiging sweet kami sa isa't isa.

Monday, exam namen. Pati tuesday.

Gumagawa kami ng paraan para magkasabay kami sa pag-uwi. Kahit na ang uwian niya 4:00 pm, at ako 5:30 pm, hihintayin niya ako.

Hindi ko na nakakasabay si Aiden kasi nga kasabay ko si Angel. Okay lang naman sa kanya, kasi kapag hindi, sasakalin ko siya :) Pero minsan kapag hindi kami pedeng magsabay ni Angel, si Aiden ang kasabay ko.

------

November 27, our first holding hands.

Habang naglalakad naman kami papunta sa sakayan ng jeep, magkaholding hands kami, at masaya ako :)) Kumpleto ang araw ko :))

Kahit sa jeep, nakasandal ako sa kanya at nakahawak ako sa kamay niya. Habang nagkekwentuhan kami at nagtatawanan.

Wala kaming pakealam sa ibang tao kahit makita na magkahawak ang mga kamay namen.

Pero nagtinginan daw sa kanya lahat nung pasahero nung halikan ko siya bago ako bumaba ng jeep. Aba, wala akong paki. Mainggit sila. WAHAHA.

MASAYA AKO. Yan ang masasabi ko, yan ang nararamdaman ko.

Sobrang kuntento ako sa kung anong meron ako ngayon sa buhay ko. Sobrang mahal ko si Angel. MAHAL NA MAHAL.

At sobra sobra din ang pasasalamat ko kay Lord dahil sa regalo na natanggap ko, wala pang pasko pero natanggap ko na yung regalo ko. THE GREATEST GIFT OF ALL.

------

Sa pag-ibig, hindi mo kailangan ng ganito ganiyan. Hindi kelangan na dapat ganito siya, na dapat ganun siya.

Kapag talagang mahal mo ang isang tao, matatanggap mo siya sa kung ano ang katangian meron siya.

Tanggap mo siya sa good side at bad side niya. Mas tatatag kayo kapag kilala niyo ang isa't isa. Kapag naiintindihan niyo ang isa't isa.

Sa sobrang pagmamahal mo nga, hihilingin mo na tumigil ang oras e, nung una hindi ako naniniwala sa ganung pakiramdam, kasi nga hindi pa talaga ako naiinlove. Ngayon na naranasan ko na, naniwala ako.

Kapag kasama mo yung taong mahal mo, ang bilis ng oras di ba? That's why , kelangan mong sulitin at namnamin yung bawat oras na kasama mo siya. Ganun lang yun. Sa kanya ka kasi nakafocus at hindi sa oras.

Dahil din sa pagmamahal mo sa kanya, ayaw mo nang tumanda, you want to stay like this forever. Di ba? Gusto mo forever na tong nangyayare sa buhay mo, pero minsan, ang gusto mo, siya na ang makasama mo hanggang sa pagtanda mo :)

Sabi nila NOTHING LASTS FOREVER.

E di, let's be NOTHING. :)

Kung magiging matatag ka, kung pareho kayong maniniwala sa isa't isa, kung pareho kayong lalaban, makakagawa kayong ng FOREVER.

Pero sabi nila, hindi talaga totoo ang FOREVER.

LIFETIME lang :)

NEVER EXPECT <3

Favorite line ko at ang lagi kong ginagawa :)

WAG NA MUNA TAYONG UMASA AT MAGBITAW NG SALITA, HAYAAN NATIN ANG DALOY NG TADHANA.

The End.

--

Author's note:

Guys! Last na po talaga to. (Pero joke lang. Itutuloy ko dahil sa requests.)

Maraming maraming maraming maraming salamat po sa pagsubaybay sa lovestory namen :) I hope you enjoy my story. At sana nakapulot kayo ng aral ^___^ Godbless us all :) XOXO. VOTE VOTE VOTE! Please :))) Thankyou!

UPDATE: (August 6, 2014)

8 months na po kaming MU.

Walong buwan na mukang unggoy, malanding ugnayan, mutual understanding. Kung ano gusto niyong meaning nun, kayo bahala. Basta mahal namen ang isa't isa. Haha. :)

ADVICE:
Kung palaging bumibitiw ang isa sa inyo, wag kayong bibitaw. Kung alam niyong kayo ang lakas niya, dapat mas lakasan niyo pa ang loob niyo. Ikaw ang tutulong sa kanya. Lahat tayo napapagod, pero kailangan lang magpahinga. Mag-away na kayo pero wag kayong maghihiwalay kung mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa at kung masaya kayo. Pagsubok lang yan. Tsaka kung mahal ka niya? Tandaan mo lang lagi na hindi ka rin matitiis niyan. Kaya nila nakakayang iwanan tayo, may dahilan yan. It's either marami silang problema at kailangan nilang mapag-isa. Kung kailangan ng space, ibigay niyo. No text, no calls. Hayaan niyo muna sila. Magkakaayos din kayo. Magtiwala kayo at magdasal sa Panginoon. Kahit kailan hindi niya tayo pababayaan, hindi niya tayo bibiguin. Pero kung hindi naging maayos ang lahat? May dahilan. Maybe hindi kayo para sa isa't isa. May mas better na dadating. Alam natin na mahirap magmove on lalo na kung sobrang tagal niyo na at ang dami niyo nang memories tapos kilalang kilala niyo na ang isa't isa. Yung kahit saan kayo magpunta, magkadikit kayo. Sobrang hirap kasi kahit saan ka mapunta, halos lahat ng puntahan mo, MAAALALA'T MAAALALA mo siya. Unti unti lang, maaaring matagal pero makakamove on ka din. Pagsubok lang to, wag tayong susuko. :)

Until we can (Real-life lesbian story)Where stories live. Discover now