Part 1 - Naguguluhan

6.1K 72 3
                                    

"Manliligaw sana ako e." Sabi ni Kent saken.

"Uhm. Sige. Papayag ako". Sabi ko. Parang tinake for granted ko lang siya.

Pumayag ako ng walang pag-aalinlangan.

Hindi ko muna inisip, kung mahal ko ba siya, kung masasaktan ko ba siya.

Pero sa totoo lang, hindi pa talaga ako naiinlove.

Ongapala.

My name is Kiara Jane Montenegro. 16 years old. 1st year college student.

Tourism ang kinukuha kong kurso, kasi gala ako ee. Hahaha. I want to travel.

Gusto kong lumayas nang lumayas. Ayokong ikulong yung sarili ko sa bahay.

At dahil nga sa kagagala ko. Dito na nag-umpisa ang lahat.

****************************

"Kelan ba tayo ulit magkikita?" Tanong ni kent. Haay. Ang kulet. Wala namang nangyayare sa pagkikita namen e, i mean, so boring.

Walang spark. Ayan. Bakit ba kasi pumayag nanaman ako.

Nagpapaasa nanaman ako -.-

"Sa monday na lang. 3:00 pm"

Sabi ko. Pagbibigyan ko na nga. Psh.

"Sige. Sure yan ha. Hirap kapag grounded e. Basta 3:00 pm sa may tindahan" Kulit neto.

"Oo na. Sge na. Gagawa pa ako ng project e" Palusot ko. I don't like talking to him. Haay. Wala kasi ako sa mood.

"Sge hon. Iloveyou" Duuh?! Umaasa nanaman siya.

"Bye" sabi ko. I can't say i love you too, dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Tsk.

****************************

Kinabukasan.

*Bes sabay tayo* text ng aking bestfriend since grade 3 na si Jessica.

*Sgesge bilisan mo. Makupad ka e -.-* Text ko. E totoo naman e XD

After 20 minutes of waiting. Ayun. Nagkasabay din sa wakas.

"Hoy. Kamusta kayo ni Kent?" Tanong niya pagkaupo sa jeep. Aba ganda na sana ng umaga ko e, pagkarinig ko nung pangalan nasira -.-

"Anong kamusta ka jan. Wala. Hindi ko alam." Sabi ko sa kanya. E wala naman talaga e.

"Nagpapaasa ka nanaman. Makakarma ka sa ginagawa mo. Tigilan mo na siya bes, patigilin mo na siya sa panliligaw, imbes na sumasaya yung tao, nasasaktan pa. Palibhasa hindi mo pa nararanasan ang masaktan e. Tsk tsk." Aba, lokong to

"Hoy. Bakit ganyan ka ngayon -.- napakasungit mo. Ibang-iba ka."

Ang weird ni bes. Broken ba to? Hahahaha.

"Wala. Bahala ka. May kekwento ako sayo" Sumegway nanaman.

"Ano yun? Tungkol saan?" Sabi ko.

"Tungkol sa babae. Bagong studyante sa school naten" Ohhh. Kakacurious naman.

"Oh ano meron?" Tanong ko.

"Ang ganda niya bes. Napakasimple at napaka-astig. Sobrang lakas ng appeal niya. Lalo kapag naka-shades" Ohh. Wag mong sabihing....

"Oh. Don't tell me you're a lesbian?" hahahaha. Luuh.

"Baliw. Nagagandahan lang ako nuuh. Babaeng babae ako bes. Baliw ka talaga" Talaga lang ha. hahaha.

"Stalk bes. Tingnan naten siya mamaya hahahaha" Sabi ko.

"I'd love to, bes. hahaha."

So after 10 minutes. Nakarating na kami sa school.

May dumaang babae sa gilid ng room namen. Ako lang nakapansin. Kasi nagsusulat sila.

Wow.

Walang make-up.

Walang arte sa katawan.

Super astig.

Maganda.

Cool siya. Sobra.

Lakas ng appeal.

Nakakatigil ng mundo.

.... ?! Ano ba nangyayare saken.

"Bes! Siya ba yun?!" Panggugulo ko kay Jessica.

"Oo bes!!!! Sya na nga!!!" Sabi na nga ba eeeeee.

Kakaiba siya. Nakakamangha yung pagdadala niya sa sarili niya, hindi siya mukang mayabang, maarte at malandi.

Basta. Ang ganda ganda niya, so STUNNING.

Teka.

Ano ba nangyayare saken.

Di ba dapat naiinsecure ako?

Dapat naiinis ako. Pero wala akong maramdamang inis e. Uhm. I like her? I mean, I idolize her.

Yun na lang iisipin ko.

--

Author's note.

Short story po.

Konti lng yan don't worry. Basahin niyo po. Salamat ♥

Until we can (Real-life lesbian story)Där berättelser lever. Upptäck nu