Pinagpatuloy na kabanata

1.5K 32 10
                                    

"Baby? Goodmorning! Iloveyou. Gising ka na, miss na miss na kita e." -Angel

It's our sembreak. Monday morning. Just woke up. Naaaaaapakaganda ng gising ko sa bawat texts niya tuwing umaga. Feels like heaven kumbaga. Hindi mo alam kung paanong ngiti ang gagawin mo sa pagmumukha mo. Sa sobrang kilig mo parang matatanggal yung hypothalamus mo sa ulo.

"Goodmorning sa napakaganda kong baby. Mmmmmmmmwaaa! :* Namiss din kita. Iloveyou more than so much! Kumain ka naaa?"
Wag kayo, mas sweet ako kesa sa kanya no. Walang tatalo sa kasweetan ko.

"Sa wakas gising na ang mahal ko. Hmmmmmmmmmmmmpp!! (Yakap) Iloveyou more and more each day, babe. Hindi pa ako kumakain, i'm waiting for you to wake up." I guess talo na ako. Mas sweet siya. Hahahaha.

"Sweet naman ng baby girl ko. Tara na kain na tayo. <3"

Hindi ako nagsasawa sa ganyang pag-uusap namen sa araw araw. Napakasaya ko. Like, walang araw na hindi ako kinilig at ngumiti.




But..

Dumating ang isang araw na ayaw na ayaw kong mangyare. Ang mag-away kami.

"Saka na tayo mag-usap. Please. Off muna." -Angel

"Mahal, please. Pag-usapan naten ngayon. Ayokong matulog na magkaaway tayo or may samaan ng loob. Please babe. :'(((((((" -Kiara

"Tamana kiara. Pls?" -Angel

Ang sakit. Sobrang sakit tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko kapag magkaaway kami. Nasasaktan ako kapag hindi baby, babe, or mahal ang tawag niya. Para bang tapos na.

"Bakit ba ganyan ka.. Inaayos ko naman, ikaw tong may ayaw. Bakit mo ko ginaganto. Hindi ko naman gusto si Gio, alam mo yan by. :( sayo na ako e. Masama bang makipagjamming sa kanya? Masama bang makipag-usap or text sa kanya? Bawal na ba akong makipag-usap sa ibang tao? Baby kababata ko siya. Napakababaw ng away na to. Bakit di mo ko kayang intindihin.. Iniintindi naman kita. :(" -Kiara

"Hindi mo kasi alam nararamdaman ko. Mababaw? Hindi iniintindi? Wow kiara. Wow. Wag na muna tayo mag-usap. Please lang. Please. Isang text mo pa, magpapalit na ako ng number." -Angel

And that was the end of our conversation.

That was one of the worst night.

Matutulog ka nang umiiyak, na parang hiniwa yung puso mo sa sobrang sakit, na hindi mo napapansin nakakain mo na yung sipon mo kakaiyak mo.

Pero nagpakatatag ako. I prayed to God. Humingi ako ng tulong na sana maayos na tong gulo na to. Kung hindi man mismo sa araw na yun, o bukas, but eventually.

After an hour. Nagtext tito niya saken, halos kaedad lang ni Angel.

"Kiara, kasama ko si Angel ngayon. Anong nangyare sa inyo? Nag-aaya ng inom e." -Tito Paolo

"Titopao, nag-away kami.. Dahil kay Gio. Dahil lang nagpunta samen para makipagjamming. Titopao bakit ganun. Pinapaliwanag ko naman pero ayaw niyang intindihin mga sinasabi ko. Tinatawagan ko sya, binababa nya lang. Di ko alam kung saan ako lulugar." -Kiara

"Pagpalamigin mo muna pamangkin. Hayaan mo muna. Magkakaayos din kayo, basta pilitin mong mapaliwanag ng maayos hanggang sa makinig na siya sayo. Kami bahala, wag ka mag-alala. Hayaan mo munang uminom." -Titopao

"Sige tito. Salamat. :(" -Kiara

"wag kana umiyak ha." -Titopao

Hinayaan ko muna siya na magpalamig, siguro nabigla lang ako. Kaya dapat hindi ko muna siya kulitin. I gave her space. Baka paggising ko bukas, um-okay na.

Until we can (Real-life lesbian story)Where stories live. Discover now