Pinagpatuloy na kabanata III

852 18 2
                                    

2 years and 5 months.


Grabe, hindi ko ineexpect na tatagal kami ng ganto. Hindi ko ineexpect na magkakaron ako ng "girlfriend" na mahal na mahal ako at mamahalin ko din ng sobra. 


Kahit na minsan napapagod at nagsasawa na kaming pareho, pero hanggang dun lang. Wala pa ring iwanan. Nagkakaayos din pagkatapos kasi hindi naman kaya na wala ang isa't isa, mahirap. 


Pero dumating yung araw na sumobra pagkastress ko sa kanya. 


"Mahal, puntahan ko po si kuya paolo, dalawin ko sa school." -Angel


"Osige lang po mahal ko. Mag-ingat ka ha, ingatan mo rin yang fixie mo. Ayusin mo pagdadrive hm?" -Kiara


"Yes baby, mag-iingat po ako. Salamat :)) Iloveyou :) :*" -Angel


"No problem baby. Iloveyoumooooost <3" -Kiara


After 1 hr. Mejo matagal din hindi nakapagtext. 


"Andito na po ako mahal, nagkekwentuhan na po kami. Andito din si Chef." -Angel


"Sige lang po mahal, mag-enjoy ka lang jan. Wag masyadong magpapagabi ha?" -Kiara


Tapos hindi siya nagreply, siguro masyadong napasarap ang kwentuhan. Matagal tagal din nung huli siyang bumalik sa school. 


After 2 hours, mejo wala na ako sa mood. 8 pm na. 


"Mahal, kumain ka na ba?" -Kiara


Tagal bago nagreply, after 30 mins.


"Mahal kumain na po ako, ikaw kumain ka na ba? Nakakatuwa mga kinekwento ni sir. Maya na tayo text hm, makikinig na muna ako" -Angel


Okay, sige. After 1 hr. Eto ung pinakaayaw ko sa lahat. 


"Baby iinom po ako hm" -Angel


Nanlamig ako na naluluha na naiinis. 

"Ha?! Bakit?! Nakabike ka! Baka madisgrasya ka mamaya pag-uwi mo!" -Kiara


"Mahal konti lang po iinumin ko" -Angel


"Dadalaw ka lang nauwi pa sa inom. Ayos ah. Sige na mamaya na tayo usap o kaya bukas na lang. Paniguradong hindi ka na makakapagtext niyan, matutulog na ako. Advance goodnight." -Kiara


Inis na inis ako. Nakuha kong umiyak nanaman kasi ayoko talaga sa lahat yung umiinom siya. Para kasi akong natraumatize na ewan. Na everytime na iinom siya e magkaaway kami. Para bang tumatak sa utak ko na magkaaway kami kaya siya iinom. Ang hirap hirap ng gantong pakiramdam. Pero after ko umiyak, nagiging okay na din ang pakiramdam ko. 

Until we can (Real-life lesbian story)Where stories live. Discover now