Chapter 5:

627 18 5
                                    

Austin's POV

Nakakainis talaga ang babaeng yan. Akala mo kung sino, transferee lang naman.

Ako nga pala si Austin Zackery de Vince. Anak ng mayaman. Basta madaming business si dad at mom. At isa ako sa mga KINGS ng campus na ito. At hindi ako papayag na basta-basta lang ako babastusin ng babaeng yan.

Sa pogi kong toh, dapat palagi niya ako pinagmamasdan kagaya ng ibang girls on both campuses!

Tinitigan ko siya habang katabi niya si Violla. Nagtetake notes siya sa mga dinidiscuss ng bakla naming teacher.

"Boss, baka matunaw na yan sa kakatitig mo dyan." Bulong naman sakin ng isa kong kasamahan.

"Gusto mo ikaw tunawin ko at ibuhos ko sayo ang mga chemical na toh." Pangegesture ko sa mga chemicals sa lamesa.

"Di na boss. Toh naman, binibiro lang eh." Hindi ko na siya pinansin.

Tinitigan ko lang yung bastos na babae. Ano bang pwedeng tawag sakanya? Isip kayo.

Bahala na, tska na nga! Nanay muna, utos kasi nang utos, kala mo kung sino.

Classes ended, and it's time for lunch. Nakita ko yung dalawa, tinulungan nung nanay si Violla magbitbit nang books niya. Pano, masyadong madaming dalang libro yung nerd.

Kinuha ko na yung bag ko at pumunta nang lockers.

Nakita ko nanaman siya. Papalapit sakin, at mukhang di pa niya ako napapansin. Siguro magpapass by lang.

Huminto siya sa tabi ko. Shit!

Napalingon siya sakin.

"IKAW NANAMAN?!" Sigaw nain ulit nang sabay.

"BAT KA NANDITO?"

"DITO LOCKER KO EH!"

Halos lahat na nang sinabi naming sabay pa kami.

"Of all people na makakatabi ko pa ang locker, yung SAYO PA!" Sigaw niya sakinhabang ina-unlock niya yung locker niya.

"Do you think you're the only one who's affected by it? I wouldn't want na makatabi ang locker ng isang malditang katulad mo!" Sabi ko sakanya.

"Coming from the person who just tried to blind someone's sight with the chemicals they've played in the Science Lab!" Sermon niya.

Tamo, nanay nga.

"We weren't trying to blind someone's sight—"

"The chemicals you have used will no doubt but blind whom you're trying to prank." Humarap siya sakin. "Eh nang wala nga kayong ginamit na Hydrogen Peroxide eh!" Sigaw niya. Tas nagligpit siya ng gamit niya.

"And so?" Ano yung Hyper agen parasite?

"Hindi niyo alam yun noh?"

"Ang alin?"

"Hydrogen Peroxide."

"Ah yun ba?" Ano ng aba yun? "Oo kaya! Alam ko yun!" Hindi.

"Sige ano?" Hamon niya.

"Ano... umm...."

"Oh? Kita mo? Hindi mo alam!" She caught me.

"Eh ano naman ngayon?!"

Napabugtong hininga siya.

"Hindi ko alam kung pano pa kayo nakapasok sa school na toh." Sabi niya habang naglalabas na siya ng books for the next subjects. Hindi niya ako tiningnan.

"Mga pogi kasi kami!"

"Hindi, mga feelingero lang." Sabi niya habang sinara niya yung locker at umalis kasama yung nerd.

My HATER My LOVERWhere stories live. Discover now