“Pwede ba tayong mag-usap sandali?”

Bago pa man makawala si Leslie ay hinila na siya ni Anita sa isang madilim na sulok.

“Bitiwan niyo ko!” Kumawala si Leslie sa mahigpit na kapit ni Anita sa kanya.

“Tsaka wala po akong panahong makipag-usap sa inyo. May trabaho pa akong kailangan gawin.”

“Hindi pa tayo tapos, Leslie. Binastos mo ko by just leaving me without saying anything.”

Leslie ran her palm on her face. Kung hindi lang siya ina ni Lujille at mas matanda sa kanya ng maraming taon, malamang sinampal na niya ito. She’s losing her patience again.

“Tita, I’ve made my point clear. Ayoko na. Hindi naman mahirap intindihin iyon ‘di ba?”

Anita folded her arms over her chest. She was enjoying the challenge of chasing Leslie and putting her on the backseat.

“At talagang sinusubukan mo ko, ha?”

Hindi na mapigilan ni Leslie ang pag-agos ng emosyon. Kailangan niyang manindigan.

“Sagad na sagad na ang pasensya ko sa iyo. Kung balak mo kong gipitin, wala akong pakialam. At gaya ng sinabi ko dati, kaya kong aminin sa harap ng anak mo ang mga kalokohan mo ‘pag nagkabistuhan na. Ako ang hindi mo dapat subukan.”

She just rendered Anita speechless, at pakiramdam niya panalo na siya. Wala na rin siyang pakialam kung hindi niya nirespeto ang kausap niya dahil sa kawalan ng ‘po’. It didn’t matter. For her this woman was beyond despicable.

“Sige, magpakaangas ka pa. Tingnan lang natin kung sino ang kamumuhian sa ating dalawa.”

“Pinaghahandaan ko na yan.” sabi ni Leslie at umalis sa sulok na kinalalagyan nila. Kuyom ang kamay ni Anita habang tinitingnan ang paglayo ni Leslie.

Pero lingid sa kaalaman nila, nakita ni Lujille ang pagtatalo nila kanina.

Sabwatan at pinagkakait na kalayaan. Iyan ang mga bagay na naintindihan ni Lujille sa nakita niya kanina. Hindi pa rin niya maintindihan ang ugat ng pagtatalo nila pero nararamdaman niyang malaki ang kinalaman ng ina niya dito.

At si Leslie. Hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawa nito kay Arleigh noong birthday niya. May kailangan pa siyang malaman tungkol ditto to affirm what she had seen.

“Tara na.” sabi ni Arleigh at hinawakan ang kamay niya. Napangiti si Lujille pero pilit. It continued bothering her. Pero binalewala na lang niya iyon at naglakasd kasama ang asawa niya.

And she accidentally locked eyes with her mother.

Marami-rami na ring tao ang unti-unting dumarating sa venue. Karamihan mga kakilala nila Arleigh at Lujille sa corporate world. Nagawang i-distract ni Lujille ang sarili palayo sa mga nakita niya. Hindi niya muna iisipin ang mga bagay na narinig niya mula kay Leslie… at sa ina niya.

Hindi nagtagal ay nagsimula din ang event. Pinarangalan ang mga kompanya at mga taong gumawa ng marka in the field of business.

“Arleigh, dito ka muna. I need the restroom.” sabi niya sa asawa.

Tumango lang si Arleigh then she left. Tyempo ring siya lang mag-isa sa loob ng restroom. Pumasok siya sa isa sa mga cubicles at doon sinagot ang tawag ng kalikasan.

Maya-maya ay may narinig siyang isang boses. Pamilyar at kilalang-kilala niya ang may-ari n’on. Hindi siya gumalaw at nagdesisyong manatili sa loob ng cubicle.

“Tumitiwalag si Leslie sa ‘kin! For so long tinutulungan ko syang makuha si Arleigh. Sumusunod naman siya pero ngayon hindi na. Yeah, I know. Hahanap ako ng paraan para mahawakan ulit sya sa leeg.”

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now