---

Di ko pa nakikita si Wunoy.

Nagpaalam sa akin sina Soonyoung na lilibot muna daw sila sa school. Kaya kahit hindi ko pa napapakilala sa kanila si Wonu, hinayaan ko muna sila. Nasan na ba kasi yung emo na yun??!! Kanina ko pa siya hinahanap. Sabi nila inutusan daw ni Key na maglibot sa school para magadvertise ng cafe namin. Takte, pano makakaakit yun ng mga customer eh hindi nga yun marunong ngumiti ng maayos at hindi yun mahilig sa mga tao, rITE??!?RITE??!! IM RITE, RITE??!!

Magtatanghali na.

"Gyu, hanapin mo si Wonu. Pahinga muna kayo tapos balik kayo mamayang two." Utos ni bhoxzs KeY mApAGm4hUghL. HEHEHE.

Pero WATDAFOK.

Bago pa ako makalabas ng classroom, nakita ko na kaagad siya.

Ang tingin ko is from baba papunta sa taas. Yeaaaahh ^_^.

Nakaflats siya na black na pang babae. Yung legs niya pang babae watdafok, shaved. Ang kinis at may taglay na kaputian. Naks 'taglay' big word :').

Suot niya yung katulad ng suot ko. Black and white na maid outfit, pero wala siya nung head dress namin, naiiba siya. Usual poker face si Wunoy. Nakamake-up, nakapink lipstick pa aBA. At higit sa lahat, nakawig siya. AT FLOWER CROWN. Kayo na bahala magimagine pero juSME ANG KYUT NG BEBE EMO BOI KO SHET. ANG KYOT NG KAIBIGAN KOOOO. MUKHA SIYANG BABAE.

Ay meron pa pala. May nakasabit sa likod niya na karton. Nakalagay doon ang advertisement kuno namin. Pero sheyt? Ang galing naman niya, kasi ang daming babae at lalaking customer na bagong dating. Humaba yung pila at ang daming nasa waiting.

"WONU! TARA BREAK DAW," sigaw ko sa kanya at sabay inakbayan siya. Pero tinanggal niya pagkakaakbay ko sa kanya :"( sadlyf.

"Wait, pawis ako." Bulong niya sabay tanggal nung wig at bukas nung isang butones ng dress niya. Sheyt...beYBE NO. WAG KANG MAGHUBAD OMG. Tinanggal niya rin yung karton na nakakwintas sa kanya.

Nandito kami sa loob ng dressing room. Siya, busy sa pagtanggal ng mga accessory na nakalagay sa kanya. Ako naman, eto. Nakanganga at tulala sa kanya.

Wonu, bakit ganito epekto mo sa akin, hah?

Halos mawala na ako sa wisyo. Feeling ko wala ako sa planetang Earth, parang nasa galaxy ako. Parang walang tao. Siya lang nakikita ko, tangina kailangan ko na atang magpacheck-up sa doktor sa utak. Nababaliw na ata ako.

Nabalik ako sa katotohanan nung biglang may sumampal sa akin. Syempre sino pa bang brutal sa akin kundi si Wonu lang naman -_-. Nakabihis babae pa rin pero tinanggal niya lang ang airporn at binalik ang head dress niya.

"Aray! Para san naman yun? Sakit hah." Reklamo ko sa kanya habang hinihimas ang gwapo kong mukha.

"Tatanga-tanga ka na naman kasi." Sabi niya ng walang ekspresyon. Aba di manlang nagsorry??!? Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan niya rin ako. Napabuntong-hininga nalang ako at facepalm. Mas lalo pa akong nadown.

Pero napawi lahat nung hinila niya yung kamay ko. Parang nagslomo lahat. Shipgjhg, may mga bituin pa akong nakikita. Magpapacheck na talaga ako, jusmeyo.

"A-Ano, yung kamay ko Wonu. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Ang tahimik niya kasi eh. Naglalakad kami ngayon sa mataong stairway.

"Tatanga-tanga ka kasi kaya hahawakan muna kita. Baka mawala ka eh, mahirap na. "

Natahimik kaming dalawa. Alam ko na namumula ako. Base sa dinadaanan namin, papunta kami dun sa tinatambayan lagi ni Wonu, kung saan kami unang nagkakilala.

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now