Chapter 56: Preparation

Start from the beginning
                                    

Muntik nang matumba ang Principal nang marinig ang sinabi ni Charlie kung hindi lamang ito inalalayan ni Airyn at Winzé. Napahawak ito sa ulo. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin.

Nagpatuloy si Charlie. "Chaos Arsenault is the real King of Luminous Nieves Kingdom. He is the real Daryll Arsenault. When they were babies, they were accidentally swapped. The Royal Servant did not notice this because the two babies had little resemblance and wore the same clothes. And that is where the curse of prophecy began. Ang huwad na Daryll Arsenault na ang totoong pangalan ay Chaos ang siyang nakoronahan bilang hari ng Luminous Nieves Kingdom."

Napatingin sila sa pinto nang may biglang pumasok. Nagulat sila dahil hindi nila inaasahan ang dalawang dalaga.

"Avrelle and Jhane? Bakit magkasama kayo-"

Hindi na pinatapos ni Charlie si Zyrelle. "Listen to me first."

Natahimik sila at hinayaan na magsalita si Charlie.

"The King of Flamma took away my old memories, but it also came back. My real Father, known as Chaos, was punished for a sin he did not commit. Kaya napatalsik siya sa Kingdom at dahil ang alam ng mga magulang niya na ampon ito. Tumira kami sa gitna ng gubat. And there, he trained me and Chaslie, my second sister, to use our magic even when we were young. Ngunit dahil sa trahedyang nangyari ay nabalutan ng kasamaan ang puso niya, at gusto niyang maghiganti sa Hari ng Luminous Nieves Kingdom. Siya ang dahilan ng gulo na nangyari noon."

Hindi nakapagsalita ang lahat sa nalaman. Parang hindi maproseso ng utak nila ang lahat ng sinabi ni Charlie.

"Why would we believe-"

Hindi na pinatapos ni Charlie si Neithan. "Sinabi sa akin ni Selendria ang ilan sa mga binanggit ko. Selendria is the long lost daughter of King Daryll and Queen Lucia Arsenault. She's the long lost Luminous Princess."

"Oh my gosh!" gulat na sambit ni Dara. Hindi rin makapaniwala ang iba.

Hindi na nagulat ang Principal, si Airyn, Jater, Kairo, at maging si Avrelle, at Jhane. Dahil sila lang ang nakakaalam nito.

"What did you just say?" Parang ayaw pa rin maniwala ni Neithan sa sinabi ni Charlie.

"Makinig muna kayo sa akin."

Napatingingin ang lahat kay Avrelle. Seryoso ang mukha nito. Nagtataka nga sila kung bakit nandito at kasama niya pa si Jhane. Tumingin si Avrelle kay Jhane at sinenyasan ito.

Napapikit naman si Jhane bago magsalita. "Ako ang dahilan kung bakit nalaman ni King Chaos na si Selendria ang Luminous Princess-"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang isang malutong na sampal ang natanggap niya kay Airyn. "I trusted you, Jhane!"

Walang nagawa si Jhane kung hindi ang mapahawak sa pisngi niya at pigilan ang paghikbi niya dahil alam niyang kasalanan niya naman ang lahat.

"Noong nagtanong ka sa akin kung si Selendria ang Luminous Princess ay hindi ako nagdalawang-isip na sumagot ng oo, dahil pinagkakatiwalaan kita! Pero sinira mo ang tiwala ko!"

"I'm sorry... Patawarin mo ako!" Wala itong nagawa kung hindi ang lumuhod, umiyak, at humingi ng tawad kay Airyn. Napapikit si Airyn dahil sobrang lala na nang nangyayari at alam nilang nasa panganib ang Luminous Princess ngayon. "Hawak nila ang kapatid ko at papatayin siya ni Chaos maging ako kapag hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang Luminous Princess."

Napasinghap sila.

"Hindi si Selendria ang pumatay kay Freah Carlette."

Napatingin ang lahat kay Avrelle.

"Si Ivory ang kumontrol sa katawan niya para mangyari 'yon. At siya rin ang dahilan kung bakit namatay ito. Thony doesn't know anything about Ivory's plan. Ang alam niya lang ay kakalabanin niya si Selendria ayon si utos ni Ivory. Plano 'yon ni Ivory para makulong si Selendria at matakas siya ni Charlie."

"Putang*nang babaeng 'yon." Malutong na mura ang pinakawalan ni Winzé. Dahil alam niyang si Ivory talaga ang may pakana ng lahat.

"Bakit mo sinasabi ito sa amin? Hindi ba ay pinsan mo si Ivory?" dudang tanong ni Kairo.

"Baka isa ka sa spy na pinadala niya-"

Hindi na pinatapos ni Avrelle si Drage. "I am the long lost daughter of Sorceress Anerva."

Muli ay may nasiwalat na naman at hindi makapaniwala ang lahat. Dahil si Principal Grey lang ang nakakaalam nito.

"Akala ni King Chaos ay natanggal na niya ang alaala ko noong bata ako. Ngunit dahil alam ko kung ano ang ginagawa niya kaya nagawa kong labanan ang spell na ginamit niya sa akin. Namuhay ako kasama nila. I pretended that I'd lost my memories. Nasaksihan ko kung paano nila pahirapan ang mga tao na kinukulong nila pati na ang sarili niyang asawa."

Hindi makapagsalita ang lahat. Parang nawala na sila sa katinuan dahil sa dami nang nabubunyag na sikreto.

"Kailangan natin iligtas si Selendria..." sambit ni Val.

"Kailangan natin magmadali. Hindi nila masasaktan si Selendria dahil sa suot nitong Luminous Locket. Ngunit may gagamitin silang black spell para makuha ni King Chaos ang magic nito. Siguradong magtatawag ito ng mga ninuno na dating namumuno sa Tenebrae Nox Castle. Pahihirapan ni Queen Voraine ang Ina ni Charlie at sigurado akong papahirapan din ni Ivory si Selendria dahil matindi ang galit nito sa kaniya."

"Kailangan malaman ito ng hari at reyna bago sila makaalis!" sambit ng Principal at nagmadaling umalis. Lahat sila ay sumunod.

Nang makarating sila sa main hall ay nakita nila na paalis na mga hari at reyna. Nandoon din ang Headmaster at Headmistress. Nagmadali sila patungo sa kanila.

"Headmaster!" sigaw ni Principal Grey kaya napahinto ang mga ito.

Nagtataka naman ang Headmistress at pati na ang mga hari at reyna kung tumatakbo ang mga ito papunta sa kanila.

"King Daryll and Queen Lucia need to know everything now!"

Kumunot ang noo ng Headmaster.

"Hawak ni King Chaos si Selendria!"

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang Headmaster sa narinig. "A-Ano?! Paano nangyari 'yon-"

"Ano ang dapat naming malaman?" sabat ni Queen Lucia.

Napalunok naman ang Principal. "Si Selendria ang nawawala niyo pong anak. Selendria is the Luminous Princess."

Mabilis na bumaba si Queen Lucia dahil sa narinig. "Totoo ba 'yang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni reyna.

Tumango ang Principal. "Alam ng Headmaster at Headmistress na siya ang Luminous Princess. At hindi siya ang pumatay kay Freah Carlette na estudyante ng Peculiar Academy."

Gulat na gulat ang mga hari at reyna na kasama nila. Hindi nakapagsalita si King Daryll at pinoproseso sa isip ang nalaman. Kinumpirma ni Airyn sa mga magulang niya pati na sa ibang mga hari at reyna na si Selendria nga ang Luminous Princess.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Queen Lucia at napatingin kay Headmistress Locreina. "Nasaan ang anak ko?"

"Hawak siya ni King Chaos. Kailangan natin siyang iligtas bago pa may mangyaring masama sa kaniya," kabadong sambit ni Principal Grey.

"Maghanda tayo. Lulusubin natin ang kaharian ni Chaos. Ililigtas natin ang anak ko!" King Daryll said with authority.



***

If you want to ask me anything, just dm me on my Twitter! @sensitivlysweet

or add me na lang sa FB: Aeyoung Xu para masali kayo sa gc at fb group.

NOTE: 4 chapters left! Bloody War is coming!

StaySafe and Pray Always!

GOD BLESSED!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now