“So what does he look right now little sister? Is he still hot like before?” , she asked

Tss. May asawa na nga, nagagawa pang magtanong ng ganyan. And the worst, younger brother pa yun ng asawa niya.

“He’s still human.” Walang gana ko namang sagot habang di pa rin lumilingon sa kanya

“Wow, don’t tell me tumaas na agad ang kompiyansa mo sa sarili mo dahil lang ikaw ang gusto niyang kausapin?”, mapangkutya namang tanong niya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at nagsimula ng maglakad ulit palabras ng room. There’s no use talking to her anyway.

“Baka nakakalimutan mo, he just used you before para mapalapit sa akin. And I’m pretty sure iyon ulit ang ginagawa niya. He wants you back again para mapalapit sa akin. Because little sister, the guy you love is unfortunately in love with ME.”, ate Valerie said with a confident voice

Napakuyom naman ang palad ko sa sinabi niyang iyon pero di na ako nagsalita pa. Anong sasabihin ko e yun naman kasi ang totoo? Pero iisang bagay ng sisiguraduhin ko ngayon… Na hindi na ulit nila ako magagamit.

“I’ll go ahead. Marami pa akong trabaho.” At dire-diretso na akong naglakad palabas

Pagdating ko naman sa opisina ko ay nanggigigil akong umupo sa swivel chair ko.

Damn her! Kailangan ba niya talagang ipaalala ulit sa akin ang naging katangahan ko noon?!

Na distract naman ako nang bigla na lang mag ring ang phone ko. Si mommy.

“Hello mom?”

 

[“Iha, kumusta ka na?”]

 

“I’m fine ma, ba’t pala kayo napatawag? May problema ba? May nangyari bang masama?”, sunod-sunod namang tanong ko sa kanya at hindi ko napigilang hindi makaramdam ng kaba.

The Billionaire's QueenWhere stories live. Discover now