Chapter 3: Bar 1

Magsimula sa umpisa
                                    

I can’t help but scoff from what I heard. Sana nagpakita din siya ng CARE nung time na kami naman talagang kapamilya niya ang nangailangan ng tulong. Nung time kasi na lugmok ang company ng pamilya namin sa utang ay lumapit kami sa kanya pero wala lang siyang pakialam. Up until now, I can still remember what she said nung lapitan ko siya para hingan ng ulong ng tulong…

“Help you? Why would I? You’re not my family anymore. I’m an ANDERSON now and it’s not my obligation to help YOUR family.”

 

Talagang pinamukha niya sa akin na hindi na niya kami kapamilya. Oh well, I should have expected that anyway because she’s not ate Valerie whom I used to know. Nag-iba na ito.

“But as I’ve said HONEY, you can’t.”, nakangisi namang sagot ni kuya Kevin sa kanya

“Why the hell not?”, ate Valerie asked in an irritated tone

“Because he specifically asked for Violet. Hindi niya kakausapin ang kung sino kung hindi ito si Violet.”, kuya Kevin

Masamang tingin naman ang binigay sa akin ni ate Valerie pero hindi ko na lang yun pinansin. Sanay na ako sa ugali niya e.

“But Kevin, you need to do something about the problem of the company or else baka tuluyan ng bumagsak ang kompanya.”

 

Kitang-kita naman ang pagtiim baga ni kuya Kevin sa sinabing iyon ng isang pang miyembro ng BOD.

“I know. This is our family’s company and I care a lot about it more than you do. And I assure you all, gagawan ko toh ng paraan.” And with that, galit na itong lumabas ng conference room.

Ilang minuto lang ay sumunod na din yung mga naririto sa conference room. Lalabas na din sana ako nangg bigla na lang may nagsalita.

“So nagpakita ka na pala sa kanya ha?” tanong naman sa akin ni ate Valerie na hindi pa pala lumalabas

“Yes.”, I answred

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon