Nang lapitan niya ito, ang balak lamang niya talaga ay makipag-kilala rito at kung papayag ito ay yayain itong sumama sa kanya pabalik ng table nilang magka-kaibigan.

Ngunit nang malanghap niya ang mabangong amoy nito, at madikit sa makinis at malambot nitong balat, nawala nang lahat ang mga nasa isip niya. Tila kahit pangalan lamang nito ay nais niyang ipagdamot sa mga kaibigan niya.

Hindi niya inaasahan na may mangyayari sa kanila. Sa tingin niya ay hindi naman ito basta-basta'ng babae. Naroon ang finesse at class sa paraan ng pagkilos at pagsasalita nito.

Laking gulat niya nang pumayag ito, at dobleng gulat nang malamang birhen ito at siya ang naka-una rito. He can't seem to get enough with her. Kaya't iniuwi niya pa ito sa condo niya upang doon ay tapusin nila ang magdamag ng magka-ulayaw.

She wanted her.. all night. Or, if possible, more than that.

Kaya't laking pagka-dismaya niya nang magising siya at hindi na niya ito magisnan.

Ang tanging nagpapatunay na lamang na totoo ang nangyari ng nagdaang gabi ay ang panty nito na naiwan sa kanya. Sadya niya iyong itinago sa ilalim ng unan niya, upang sabi niya ay hindi ito maka-alis ng walang paalam. Na gigisingin siya nito upang hanapin ang nawawalang panloob.

But, damn! Nagkamali siya.

Sana pala ay ang skinny jeans nito ang itinago niya. Hindi naman siguro ito makaka-alis ng naka-panloob lang.

"Hey, okay ka lang?" untag ng kaibigan sabay abot sa kanya ng alak na palagi niyang iniinom kapag nagagawi siya sa bar nito.

"Yeah, sorry man. Nagka-emergency lang kaya hindi na ako nakapag-paalam." aniya ritong naupo na sa bar stool ngunit lilinga-linga.

Agad na umarko ang kilay nito at binigyan siya ng nanunuksong ngiti.

"Iyon ba'ng emergency na iyon ay naka-blouse at skinny jeans?" anitong pilyong nginisihan siya.

Sinamaan niya naman ito ng tingin. "Gago!" asik niya bago dinala sa bibig ang hawak na baso.

Isang halakhak ang kumawala dito na tila aliw na aliw sa kanya.

"Nakita ko'ng umalis kayo na pangko mo pa si Miss Butty Beautiful kagabi, ah."

Kunot-noo siyang tumingin sa kaibigan.

Nagkibit-balikat naman ito na nakangisi pa rin. "Harris' words.." naiiling na itinaas pa nito ang dalawang kamay na tila sinasabing wala itong kinalaman doon. "He called her, Miss Butty Beautiful because of her perfect butt-- according to Harris, of course." dugtong nito nang muli ay tingnan niya ito ng masama. "So, did you show her what heaven's looks like, last night?"

"Fuck you!" aniyang mahina pa itong sinuntok sa braso. "Hinatid ko siya, deretso sa bahay niya. Walang nangyari." he lied.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi niya. Ngunit tila mayroong nagtulak sa kanya upang magsinungaling sa kaibigan. Tila may kung ano sa kanya na pakiramdam niya ay kailangan niya itong protektahan. Na ayaw niyang pumangit ang imahe nito sa paningin ng kaibigan niya.

"Whoa..! Walanghiya.. e, di sana hinayaan mo na lang si Harris na pumorma d'on sa chick kagabi. Lakas ng tama ni mokong, hindi lang makahirit at minsan ka nga lang kumursunada. E, siya, kotang-kota." ani'ng kaibigan niya at sinundan ng malakas na tawa.

"Fuck you, man, leave her alone." hindi napigilang mahinang sabi niya.

Maging si Clide ay nagulat sa sinabi niya.

Maya-maya ay gumuhit ang totoong ngiti sa labi nito.

"So, you like her? No probs man, she's all yours." anitong tinapik pa siya sa balikat.

Serendipity (Completed)Where stories live. Discover now