Chapter 4

39.2K 1.2K 125
                                    


Ziv's POV

Pagpasok pa lamang niya sa loob ng bar ay ramdam na niya ang maiinit na tingin ng mga kababaihan, na alam niyang naghihintay na matapunan niya man lamang kahit na isang sulyap.

Hindi naman sa pagyayabang, ngunit sanay na siya sa mga ganoong atensyong nakukuha sa mga kalahi ni Eba.

Naiiling na nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad patungo sa mismong bar counter, kung saan natatanaw na niya ang kaibigan.

"Hey, Atticus pare, kumusta?" nakangising bati sa kanya ng kaibigang si Clide paglapit niya pa lamang sa bar counter. "Hindi ka na bumalik sa mesa natin kagabi, ah."

Si Clide ang may-ari ng bar na iyon, kung saan siya nanggaling nang nakaraang gabi. At kung saan niya nakilala ang babaeng iyon.

That girl who didn't bother to wake him up this morning, before leaving.

May gumapang na namang inis sa dibdib niya nang maalala ang dalaga.

Birthday ng isang kaibigan nila kaya't nagkayayaan ang mga ito'ng uminom nang nagdaang gabi.

Wala sana siyang planong magpunta sapagkat pagod siya at wala pang tulog. He's been in an 12-hour open heart surgery, yesterday. Mas gugustuhin niya pa sana'ng maka-uwi ng maaga at matulog na lamang. Kung hindi lamang talagang sinadya pa siya ng mga ito sa ospital. At sa tingin niya ay talagang walang mga balak magsi-alis nang hindi siya kasama. Kaya't wala siyang nagawa kundi pagbigyan na lamang ang mga ito.

Ang balak niya ay hindi siya magtatagal doon at tatakasan na lamang niya ang mga ito kapag medyo mga lasing na.

Kasalukuyan silang nagkaka-tuwaang magka-kaibigan nang pumasok si Lexie at dumeretso sa bar upang umorder ng maiinom.

Pagpasok pa lamang nito ay nakuha na nito agad ang atensyon niya. Simpleng blouse and skinny jeans lamang ang suot nito ngunit iba ang lakas ng dating nito kumpara sa ibang mga kababaihan sa bar na iyon, kung saan ay tila kinapos ng tela ang mga damit.

Napakunot ang noo niya nang mapansing dito rin nakatuon ang atensyon ng mga kaibigan niya. At sa hula niya, gaya ng lagi nilang ginagawa, ay ni-ra-rate na ng mga nito ang babae base sa hitsura at katawan nito. At kung medyo mamalasin pa ito, ay pinagpupustahan na ng mga loko ang cup size ng dalaga. Gayundin, ay kung sino ang lalapit upang makipag-kilala.

Nang makita niyang tila may napag-kasunduan na ang mga ito at akmang tatayo na si Harris upang lapitan ang dalaga ay agad siyang tumayo sa pagkagulat ng mga kaibigan niya.

"Mine." pormal niyang sabi sa mga kaibigan na nang makabawi sa pagkabigla ay nag-kanya-kanyang hiwayawan at tuksuhan.

"Whoa..!"

"By all means, Pare."

"Galingan mo, brad!"

Madalang lamang kasing mangyari iyon. Kung minsan ay pinipilit pa siya ng mga kaibigan.

Ewan niya, pero hindi niya talaga ugali'ng pumick-up ng babae sa bar. Hindi nga siya madalas mag-punta sa mga club, e. Kapag napapasubo lang sa mga kaibigan niya.

Kung kailangan niya ng babae ay marami siya noon. Hindi niya kailangang maghanap ng mga babae sa kung saang lugar at makipag-kilala, na tila nasa palengke sila at nagtatawaran.

Sorry, but that's his interpretation with that.

Pero iba ang babaeng ito. Hindi niya alam pero may kakaiba talagang dating ito para sa kanya na hindi niya kayang i-resist.

Serendipity (Completed)Where stories live. Discover now