Chapter 1

63.3K 1.3K 64
                                    



"How's your work, anak?" kaswal na tanong ng ina niya habang kumakain sila ng hapunan.

Saglit siyang natigilan at nag-angat ng tingin dito.

"Ahm... hrmp... I resigned, Ma." aniyang muling nagbaba ng tingin at umiwas sa mga mata nito.

"What?! Again?! Ano ba talaga ang gusto mo, Leighana? Kaha-hire mo lang two weeks ago, then now, nag-resign ka na naman? Ano, balak mo bang pasukan lahat ng ospital dito sa Metro Manila?"

Lihim na pina-ikot niya ang mga mata niya sa sinabi ng ina, at walang buhay na bumuntong-hininga.

Alam naman na nito kung ano ang gusto niya. Subalit mistula itong bingi na pilit na ipinipilit kung ano ang gusto nito.

Sabagay, hindi naman niya ito masisisi. Mag-isa sila nitong itinaguyod na magkapatid. Pinagtapos siya nito sa kursong medisina, at ngayon, malalaman at mararamdaman niya na hindi naman iyon ang gusto niyang gawin.

"Ma, you know what I really want,"

"And I think, that's stupid! You're a doctor, Leighana! You are bound to save lives."

"Pero hindi iyon ang gusto ko, Ma! I want to build homes, buildings... gusto kong iukit ang pangalan ko sa bawat building na itatayo ko! Gusto kong mag-iwan ng tatak sa bawat tulay na bubuuin ko. Sa larangang iyon ko gustong makilala." punong-puno ng frustration na sabi niya sa ina.

Ilang beses na ba nilang pinag-talunan ito? Hindi na niya mabilang. Ang alam niya lang, lagi siyang talo.

As well as she is a good surgeon, she is also a licensed Engineer!

Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang magtayo ng mga buildings.

Akala niya ay maaabot na niya iyon nang kumuha siya ng kursong engineering, ngunit naglaho iyon nang pilit siyang pakuhanin ng ina ng kursong medisina pagkatapos niyon.

"You are a doctor, Lei! Accept it. Deal with it!" pormal pa ring sabi nito bago nagpunas ng bibig at tumayo na. "Find another hospital, and this time, I am expecting you to take it seriously. Marami diyan ang walang trabaho, pahalagahan mo ang sa iyo." iyon lang at tumalikod na ito.

"Psh. Defeated. Again." aniya sa isip niya at napabuntong-hininga.

Nang mapatingin siya sa kapatid niyang nakaupo sa kaibayo niya ay nakita niya ang awa sa mga mata nito.

Lalo niyang naramdaman ang pagka-miserable niya.

KANINA pa siya nakatitig sa basong nasa harapan niya at tila doon hinahanap ang kasagutan sa bigat na dinadala niya.

Nang hindi siya makatulog ay pinili niyang lumabas muna ng bahay upang sabi niya, ay magpalamig ng kaunti. Namalayan na lamang niyang pumapasok na siya sa isang bar at umu-order ng maiinom.

Alam niyang hindi ganoon kadaling mapapahinuhod niya ang ina sa kagustuhan niya. Ilang taon na ba nilang pinagtatalunan ang bagay na iyon? At dahil sa laki ng pagmamahal at respeto niya sa ina, lagi siyang talo.

Urgh..! How she really wished that she's not the eldest. Nang sa ganoon ay hindi ganoong kalaki ang expectation sa kanya ng ina.

"Hi," anang baritonong tinig na pumutol sa iniisip niya.

Nang lingunin niya ito ay pilit niyang inaaninag ang mukha nito.

"Shit! Ilang margarita na ba ang nainom ko at blurry na ang paningin ko?"

Kahit hindi niya ito makita ng husto, alam niyang gwapo ito.

"At, well.. ang maskels.. nagmumura!" aniya sa isip niya nang dumako ang mga mata niya sa dibdib nito na bakat sa suot nitong hapit na tshirt.

Serendipity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon