Chapter 77

28.2K 562 50
                                    



"Love.. Pumunta ka sa graduation ko..

Nasa terrace kami at pinaghanda nya ako ng meryenda.. Namiss ko to'ng luto nya. Pakiramdam ko nga tumataba pa ako.
Naupo sya matapos nya lagyan ng baso ko ng tinimpla nyang juice.

"Yes Love. Pupunta ako. Don't worry.."

Napangiti ako. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Maaari kang pumunta dito kahit kailan mo gusto kahit ang family mo.. Bahay mo rin ito.

Napalingon ako sa paligid. Nakita ko'ng muli ang mga bulaklak sa may harap bahay.

"Ikaw nagtanim nyan?" tanong ko.

Tumango sya at bigla nya ako ninakawan ng halik sa pisngi. Nagulat ako.

"Ikaw talaga! Hindi pa ako ready!"bigla ko sya hinampas.

Natawa sya.

"Sorry Love. Namiss lang din kita."sabi nya na naglalambing.

"Gusto mo ba ihatid kita pauwi?" biglang tanong nya.

Tumango agad ako. At ngumiti.

"Sige. Sige. Gusto ko yan. Namimiss ka na din nila Mama.

Hinagkan nya ako sa noo at sandaling nagpaalam para magbihis at kukunin din nya ang susi ng kotse. Hindi maalis ang tingin ko sa paligid. Kung siguro andito si Veena, masayang masaya yun.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Mukhang may nagtext.

Sms from: Sir Jerald

I just finished study the video at magagamit natin sya para malinis ang pangalan ni Vlad. Come to me tomorrow. Sabay tayong pumunta ng HAU. I'll send now the video to your Dean's email. Para bukas results nalang hihintayin natin. Don't tell it to Vlad hangga't hindi pa natin alam ang magiging resulta.

Nagulat ako sa nabasa ko.

"Wanna go now?" tanong nya ng makita ko sya'ng nakatayo sa pintuan. Bigla kong tinago ang phone ko at baka mabasa nya ang text ni Sir Jerald.

"Oo. Lets go!" sagot ko nalang. Tumayo ako at ininum ang juice na nasa baso.
Hinawakan nya ang kamay ko at inaya na ako sumakay ng kotse.

Hindi ko na muna nireplayan si Sir Jerald. Pag uwi ko nalang.
Sumakay ako ng kotse at binuksan nya ang gate. Saka sinarado at bumalik sa kotse nya at umalis na kami.

----

Kinabukasan, pumasok ako ng maaga sa trabaho at nagpaalam na pupunta muna ako ng school. Nagtext na din si Sir Jerald na hinihintay nya na ako sa Main Gate. Kaya nagmadali na ako. Naeexcite na ako sa mga mangyayari.

"Mam, mga after lunch po ako babalik." paalam ko kay Mam Sheila. Pumayag sya at mabilis ko kinuha ang gamit ko at umalis na.
Sumakay lang ako ng taxi at nagpahatid ako sa HAU. Wala pang 1 hour at nakarating na ako. Natanaw ko sa Main Gate ang kotse ni Sir Jerald. Bumaba  ako ng taxi at agad syang pinuntahan dun.

"Sir!" tawag ko at nilingon nya ako.

"Lets go! Kanina pa daw dumating ang pasya ng board. "said Sir Jerald. Nagulat ako at biglang kinabahan. Sana umayon ang lahat sa gusto namin.

My Boyfriend is The Professor! On viuen les histories. Descobreix ara