Chapter 48

32.2K 664 25
                                    



Naririnig ko tumutugtog ang kantang Way Back into Love ..
Nagising ako. Nagpapatugtog pala si Allen.

May klase kami ngayon araw. May exams pa kami ngayon. Kaya kailangan gumayak na ako at magrereview pa ako.

Tumayo ako agad sa higaan. Inayos ko muna yun at nagpunta ako ng cr. Medyo okay na pakiramdam ko. Hindi na ako nahihilo.
Naligo ako at nagbihis na. Wash day so naka jeans ako at shirt lang. Naka sneakers then bagpack. Bago ako lumabas ng kwarto humarap ako sa salamin.

"Huh?" nakapusod ang buhok ko. Ilugay ko kaya? Tinanggal ko ang pagkapusod ko sa buhok ko. Hindi ako totally concious sa itsura ko. I mean yun magpapaganda at mag aayos. Pero sa ngayon naisip ko kailangan ko pala nun.

Bumalik ako sa kama ko at inayos ang sarili ko. 23 kana Aly. Mag ayos kana. Yun boyfriend mo nga ang super hot tapos ako ni mag ayos ng mukha o maglagay ng lipstick hindi ko magawa.

Kinuha ko ang lipstick sa drawer ko, bigay pa ni Mama yun ngayon ko lang magagamit.
Humarap ako sa salamin at naglipstick. Pink lang sya. Yun lang naman ang bagay sa akin.

Pagkatapos ko lumabas na ako. Nagpaalam ako kay Mama at Papa na nakaupo sa sala.

Nakasakay na ko sa bus ng mabuksan  ko ang phone ko. May nagtext.

Sms from: Vlad my Love<3

Goodmorning Love. Ingat ka ha. I'm here at school. Goodluck sa exams. I know you can do it. I missed you.

Napangiti ako sa nabasa ko. Talagang okay na nga kami. Sa wakas naman--

Ilan minuto pa pumara na ako. Nasa gate na ako at naglalakad.

"Bru!" boses ni Yanie. Hinabol nya ako.

"Oh- Kadadarating mo lang?" tanong ko ng akbayan nya ako.

"Oo eh. Okay kana ba?

Tumango akong nakangiti. Sabay kaming nagpunta sa building ng Commerce.

"Nakabalik na daw si Sir Vlad?" bulong sa akin ni Yanie.

Tumango ako.

"Okay na sya.

Ngumiti si Yanie. "Pano ba yan Aly? Hindi na kayo nakapagcelebrate ng first monthsary nyo?

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Oo nga pala nu!"napalingon ako kay Yanie. Tinatawanan nya ako.

"Nakalimutan ko yan. Naku naman!

"So anong balak mo?" tanong sa akin ni Yanie.

"Hindi ko nga alam eh. Ano kaya? Ah kumain kami sa labas ganun? O mamasyal?

"Pwede din. After exams. Mamasyal kayo pag weekends. Punta kaya kayo sa beach?

Nagulat ako. Tama sa beach! Gusto ko makapunta ng beach kahit ngayon weekends lang. Para makapagrelax naman kaming dalawa. Sa dami nang mga nangyari kailangan makapagpahinga kami at beach pinaka magandang puntahan. Naexcited ako sa mga naiisip ko. Last day of exams namin kaya sa darating na weekends pwede kami magbeach. Naku! Gusto ko na sabihin sa kanya agad!

"Sasabihin ko sa kanya! "ngiting sagot ko kay Yanie.

Pumasok na kami sa loob ng classroom. May ilan minuto pa para magreview kami. Nilabas ko ang notes ko. Pumasok na din si Mam Catherine.

"Mamaya magsstart na tayo ha." naring ko sinabi ni Mam.

Nasa upuan lang ako at nagbabasa. Katabi ko si Yanie. Pinagsave naman namin ng upuan sina Jelly at Drake.

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now