Chapter 23

32.6K 698 59
                                    



Vlad..

"I'm sorry.

Nagulat ako ng magsorry sya.

"Bakit ka nagsosorry?

"Sorry dahil hindi ko na mapigilan  ang sarili ko. Alam ko mabilis ako pero natatakot lang ako na makuha ka sa akin ng iba dahil mabagal ako.

"Vlad..

Binaba ko ang baso ng juice na hawak ko. At hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Walang kukuha sa akin.

"Ang kaibigan mo. Tama sya.. Hindi ako parehas lumaban.

Napailing ako.

"Si Drake madami syang chances hindi tulad mo. Bawal na nga itong ginagawa natin diba then kulang ang time natin para sa isat isa. Wala ka natatapakan tao.

"I just really love you.

Nagblushed ako ng muli nyang sabihin yun.

"I know." naisagot ko.

"Mahal mo na ba ako?

Patay.. Aamin na ba ako? Pero hindi ko alam kung sure na ba ako sa nararamdaman ko. Ang hirap sumagot ng alanganin.

"Ah- Vlad- Ano kasi!

"Hindi mo pa ba alam?

Dahan dahan akong tumango.

"I'm sorry nalilito pa ako.

Bumitaw sya sa mga kamay ko.

"I'm sorry for pressuring you. Nirerespeto ko yan.

Lumakad na sya palayo sa akin. Hindi sya nagpaalam basta dire diretso syang umalis. Nasaktan ko sya sa sinabi ko. Ang tanga ko. Pero ang unfair naman kung sasagot akong oo pero hindi pa talaga ako sure.

Nakakainis. Bakit ngayon pa..

----

Lumipas ang weekends at walang paramdam sa akin si Vlad. Hindi ko alam kung paano ko sya itetext at kakamustahin. Nasaktan na sya sa sinabi ni Drake, ginatungan ko pa.
Ang tanga tanga ko!

Walang araw na lumipas na hindi ko sya naiisip. Paano sa lunes? Paano ko sya haharapin?

----

Lunes.

"Papasok na po ako Ma." sigaw ko kay Mama at nasa kusina pa sya.

Paalis na ako ng bahay. Nagtext si Drake na sabay kaming papasok. Nagreply ako ng oo.

Pagkaalis ko, nagkita kami sa flowershop na dinadaanan ko bago ako pumasok ng school. Nakita ko sya sa malayo palang.

"ALY!" narinig kong sigaw nya.

Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Pasok na tayo. Baka malate tayo sa terror na si Sir Vlad.

Nagulat ako. Si Vlad? Kamusta na kaya sya?

Lumakad kaming dalawa ni Drake. Nagbus lang kami papuntang school. Buti nalang at walang traffic kaya halos 10 minutes lang nasa school na kami.

Nastart na kami naglakad sa main gate.
Maya maya nakita na din namin si Jelly.

"Nasan si Yanie?" tanong agad ni Drake sa kanya.

"Wala eh. Aabsent daw sya. May lakad sila ni Boyfie nya.

"Naku. Inuna pa yun." sagot ko naman.

Niyaya na ako ni Jelly na pumasok. Sinimulan na ako ng kaba dahil magkikita kami. After ko syang hindi sagutin, I mean ireject or paano ba? Gusto ko naman talaga sya hindi lang ako ready that time!!

"Aly!" tawag sa akin ni Drake. Pinapaupo nya na pala ako wala ang isip ko sa kanila.

Naupo kaming dalawa sa harapan. Nasa gilid ko si Jelly at nasa kanan ko si Drake.

Maya maya pumasok na din ang iba namin kaklase. Kasunod nila ay si Sir Vlad..

"Goodmorning!" bati nya sa amin. Dire diretso syang lumakad sa harapan at nagpalabas agad ng book. Ni hindi nya ako nililingon tulad ng ginagawa nya.

Nagstart sya ng maikling discussion. Pakiramdam ko sya yun dating Vlad na parang walang nararamdaman. Walang emosyon. Hindi ngumingiti at seryoso lang.

Nagtawag sya ng mga kaklase ko para sagutin ang questions nya. Medyo hindi nakikinig ang iba kaya ayun pinatayo nya. 3 hours pa naman klase namin sa kanya.

Pinapakinggan ko lang ang sinasabi nya. Pero sa isip ko gulong gulo. Mahal ko na nga bakit hindi ko pa sinabi. Nakakainis. Ang hirap naman kasi hindi pa ako ready.

After an hour. Natapos ang subject namin sa kanya. Lumabas sya agad ng room. At naiwan nalang kami nila Jelly. Umiiwas sya.

"Mag ccr lang ako. Dito nyo na ako hintayin." said Jelly at iniwan na kami ni Drake.

Inayos ko na din ang mga gamit ko.

"Aly!

Huh?

Hinawakan ni Drake ang mga kamay ko. Nagulat ako.

"Drake?

"Aly. I love you.

Dyos ko po! Eto nanaman!!

"Ah- D-Drake..

"Aly. Will you be my girl?

Sheeeeet! Sya din hinihingi na ang sagot ko!!!

"A-Ano!

"Aly? Mahal mo ba ako?

Naguguluhan na ako!!

"DRAKE! Mahal kita OO!!

"Talaga-

Niyakap nya ako bigla.

----

Meanwhile sa labas ng classroom, narinig lahat ni Vlad ang sinabi ni Aly pero after nun umalis na sya.

----

"Drake.. Sandali!

Bumitaw ako sa yakap nya.

"Drake! Mahal kita bilang kaibigan lang. Ang mahal ko talaga ay si Vlad..

Nagulat si Drake.

"Sorry Drake. Mahal ko si Vlad sya talaga ang gusto ko.

"Aly.. Eventhough pinahiya ka nya dati..

"Oo. Kasi narealize ko if hindi nya ginawa yun baka tamad pa din ako mag aral hanggang ngayon. At hindi ako nagpupursue na mag aral ng mabuti para lang hindi nya na ako ipahiya. Hindi masamang tao si Vlad. Maniwala ka Drake. Super bait nya at mapagmahal. Kung ano lang meron sa kanya ngayun, ako lang at ang kapatid nya. Kaya ayoko din malayo sa kanya. Please. Drake! Mahalaga sya sa akin..

Niyakap ko si Drake.

"Please. Humihingi na ako sa yo ng sobra sobrang favor. Wag mo sabihin ito kahit kanino. Please. Kahit na alam mong sya ang pinili ko. Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin kaya ayoko masira yun.

"Aly-- Gusto ko lang maging masaya ka. At kung sa tingin mo, kay Vlad mo yun mararamdaman. Walang problema sa akin.

"Thanks ha.

Napangiti ako. Magkayakap pa din kami hanggang sa dumating si Jelly.

"Anong meron!" tanong nya ng makita kami.

"Wala!" sigaw agad ni Drake at natawa ako.

Okay na kami ni Drake. Si Vlad. Dapat aminin ko na sa kanya na sya talaga ang gusto ko at gusto ko na sya ang maging boyfriend ko.

----

Enjoy reading and please vote :)

Back to posting updates daily. So abangan nyo nalang po 🙂

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now