Chapter 19

33.4K 761 19
                                    



Gabi na ako nakauwi. Nawala naman ang inis ko dahil nag enjoy ako sa mga kalokohan namin ni Drake.
Namiss ko din yun ganun bonding namin dalawa.
Hinatid nya ako pauwi. Nakita din sya ni Papa may balak pa nga ata yayain uminum pero tumanggi sya at uuwi na din sya.
Pagkapasok ko sa bahay agad ako dumiretso na sa kwarto ko.

"Huh?

Nakita ko ang sunflower sa vase. Nakalimutan ko sya ibilad sa araw kaya ayun nabulok.
Kinuha ko ang vase. Naalala ko si Vlad. Naiinis nanaman ako. Kinuha ko ang bulaklak at itinapon nalang.
Nag ayos ako ng higaan ko at natulog na din. Wala na muna ako gusto isipin kundi pahinga.

----

Kinabukasan. Pumasok kami ng maaga. Wala talaga kami pasok ng Martes kaya lang may need kaming atenan na program.

"Uy be!" bati agad sa akin ni Yanie pagkakita nya sa akin sa gate.

"Oh bakit?

"Si Sir Vlad daw wala ngayon. So si Sir Aries muna hahawak sa atin sa program.

Nagulat ako. Absent sya? May court hearing? O client?

"Bakit daw?" tanong ko naman kahit alam ko na yun sagot.

"May sakit eh.

Nagulat ako. May sakit sya?

"Sabi ni Sir Aries. May sakit daw si Sir. Muntik pa nga magcollapsed kahapon kaya umuwi na ng maaga.

Hindi ako makapagsalita. Hindi kaya masama na talaga pakiramdam nya kahapon kaya ganun ang kinikilos nya? Tapos hindi ko man lang sya nireplyan. Nainis pa ako sa kanya.

Medyo naguilty ako sa mga naiisip ko.

"Ah. Yanie. May pupuntahan lang ako.

Nagulat si Yanie.

"Saan naman?

"Basta. Aalis na ako.

Iniwan ko sya. Tumakbo ako palabas ng gate. Balak ko puntahan si Veena para itanong kung nasaan si Vlad at kung nagkasakit ba talaga sya?

Wala pang 30 minutes nasa ospital na ako. Halos nagtatakbo ako paakyat ng 2nd floor.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

"Veena?" agad kong sinabi pagkapasok ko.

"Ate Aly!

"Veena. Ano kasi si Vlad?

Nagulat si Veena sa itinanong ko.

"Naku Ate. Ang weird ni Kuya kahapon? Mukhang masama pakiramdam nya eh.

Tama nga ang sinabi ni Yanie. Maysakit nga sya. At ako man lang hindi naisip alalahanin sya.

"Nasaan sya? Nasa bahay nyo kaya?

"For sure. Bisitahin mo nga ate. Mukhang heartbroken na natalo sa kaso ang itsura ni Kuya kahapon. Hindi ko nga makausap ng maayos eh.

Nagulat ako. Heartbroken..?

"O sige. Ibigay mo sa akin yun address nyo then pupuntahan ko na ngayon din.

Tumango si Veena.

Mga ilan minuto lang ang lumipas. Umalis na ako para puntahan si Vlad. Hindi ako mapakali, nagaalala ako sa kanya. Naiinis na ako sa sarili ko. Binalewala ko sya kahapon. Na dapat sya nga mas binibigyan ko ng atensyon.

Sumakay ako ng trike matapos ko marating yun street na sinasabi ni Veena. Medyo looban din yun kanila. Sa exclusive village sila nakatira kaya ayun kailangan sumakay ng trike. Maliligaw ako pag nilakad ko.

"Manong! Para po. Dito nalang po!" sabi ko sa driver ng trike ng makarating kami sa Sunflower Street.

Puro bulaklak kasi name ng street eh. Nakita ko ang isang puting gate. Matatanaw sa loob ang sasakyan sa garage at namukaan ko kaagad ang kotse ni Vlad.

Bumaba ako ng trike at binayaran na. Lumapit ako sa gate para sana magdoorbell pero naalala ko yun sinabi ni Veena na hindi daw magbubukas ng gate si Vlad.
Kaya ginamit ko yun susi na binigay nya.

May pinto sa gilid ng gate. Doon ko ginamit ang susi. 2 way lock daw kasi yun gate nila. Pwede mabuksan sa loob o sa labas basta may susi ka.

Nabuksan ko ang pinto. Nakita ko ang kotse ni Vlad. Nakaparada. Malinis ang garahe. Nakita ko sa kaliwang part naman yun terrace. Lumapit ako sa pinto nila. At bukas sya.

TOK!TOK!TOK!

"Vlad! Andyan ka ba? Si Alicia ito!" sigaw ko habang kumakatok.

Walang sumasgot kaya pumasok na din ako.

Malaki ang loob ng bahay nila. Yun sala nila parang pinagsamang sala at kusina na ng bahay namin.
Malinis naman. Hindi makalat pwera sa mga libro na nasa lamesa. Sa tingin ko sa kanya yun. May tv sila na nakaattached sa wall. May chandelier sa taas at matatanaw mo na ang 2nd floor. Naisip ko baka andun sya.
Umakyat ako.

Sa 2nd floor halos puro kwarto ang nakikita ko. Kinakatok ko isa isa pero wala naman sumasagot. Nakita ko ang isang pinto sa dulo na bukas ng bahagya. Naisip ko baka kwarto nya yun.

"Vlad?

Kwarto nga nya. Nakita ko kasi ang mga damit nya sa kama. Nakakalat.
Pumasok ako sa loob.

Malaki ang kwarto nya as in parang 3 times na kwarto ko. Pwede nga ata ako magtatakbo dun .

"VLAD!" sumigaw na ako.

Nagulat ako ng magbukas ang pinto sa gilid. Parang shower room ata!
Pinuntahan ko kaagad yun at.

"VLAD!!

Nakita ko syang natutulog sa bath tub. Nakakababad lang sya dun.!!

"Naku!! Ano bang ginagawa mo dyan!!

Bigla ko syang hinawakan sa magkabilang braso nya para sana iangat sya pero ang bigat nya!

"Huh? Aly?" sabi nya pagkakita nya sa akin. Malumanay ang boses nya at medyo malalim ang mga mata nya.

"Bakit naliligo ka eh nilalagnat ka!

"Its refreshing." sagot nya habang nakatitig sya sa akin.

"Hindi nakakagamot yan! Ano ka ba! Tumayo ka nga dyan! Lalo ka lalagnatin nyan!!" sigaw ko sa kanya at naiinis na ako.

"Okay.

Bigla syang tumayo at napaupo ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"AAAAHHH!

Napasigaw ako sabay takip sa mata ko. Hubot hubad sya!!! Hubad sya as in nakita ko yun ano nya!! Yun ANO nya!!

Tumayo lang sya at umalis sa bath tub saka kinuha ang twalya na nasa tabi ko. Itinapis nya sa katawan nya na para bang hindi nya napansin nakita ko yun ano nya. Halos tumulo ata laway ko!!

"Hey."kinuha nya ang kamay ko para itayo ako.

Pero halos naout balanced sya at napayakap sya sa akin. Naramdaman ko ang katawan nya. Sobrang init nya. Naawa tuloy ako. Ganito ba sya pag nagkakasakit. Walang nag aalaga sa kanya. Ganito sya sa tagal na panahon. Kaya siguro napaka cold nya.

Inalalayan ko sya hanggang sa makarating kami sa kama nya. Naghanap ako ng tshirt na pwede nya suutin.

Nagpunta ako sa closet nya. Pagbukas ko nakita ko ang mga damit nya. Kumuha ako ng isang shirt. At..

"Ano to?

May nakuha akong notebook. Pamilyar sa akin ang notebook.

"Notebook ko ba to?

Lumingon ako kay Vlad.

-----

Keep reading and Enjoy :)
Dont forget to vote!

#TeamVlad 😗

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now