Pumasok ako sa loob ng store para bumili. Pinalagay ko sa isang paper bag ang mga candies. Inilabas ko ang phone ko para icheck ulit ang address na binigay ni Yanie.

"Malapit lang ito dito.." pagkakuha ko ng paperbag. Lumabas na ako ng store. Dumaan muna ako sa comfort room then lumabas na ako ng mall at pumara ng taxi saka nagpatulong sa driver kung saan ko makikita ang address na yun.

Lumipas lang ang ilan minuto at nagulat ako ng huminto ang taxi.

"Andito na po tayo, Mam."hindi ko namalayan pumasok ang taxi sa isang exclusive village. Nasa Divine Street na kami. Lumabas ako ng taxi at nagbayad muna.

Nakita ko ang isang hindi kalakihan bahay. May 2nd floor. Malawak ang bakuran sa harapan at medyo mataas ang gate.

#143

Natawa ako sa number ng bahay. 143?
I LOVE YOU?

Sumilip ako sa may gate. Hindi ko gaano matanaw ang loob hindi katulad sa dati nyang bahay. Walang kotse sa garage kaya mukhang wala sya dun. Paano ako makakapasok?

Nakita ko ang isang lock operator sa gilid ng pinto ng gate. Mukhang hightech ang mga bahay dito. Paano kaya gamitin to?

Tinitigan ko ang maliit na kahon. May mga pindutan at mukhang password ang hinahanap. Subukan ko kaya ulit yun pangalan ko?
Nangiti ako sa naiisip ko. Sinubukan kong itype ang name ko at..

EEEEENNNNGGGGKKK!

Nagulat ako ng biglang tumunog. Mukhang mali ang password ko. Sa laptop lang pala nya yun password na yun.
Paano na yan..
Naupo ako sandali sa harap ng gate.

Naisip ko akyatin yun gate kaya lang mahuhulog ako. At baka may makakita pagkamalan pa ako.

"Paano na yan..

May hinihinging susi sa lock machine. Wala nga akong susi eh. Kainis. Tumayo ako sa pagkakaupo at nabangga ko at isang paso ng sunflower. Nagulat ako.

"Naku.

Inayos ko ang natumbang paso at biglang may makinang bagay ang lumitaw sa ibabaw nito.

"Ano to?"kinuha ko yun at.."Susi?

Tama! Sunflower! Ang talino talaga nya.. Kahit kailan. Maglalagay sya ng susi sa ilalim ng bulaklak na paborito nya. Ang galing din nya paikutin ako. Grabe talaga si Vlad.

Kinuha ko ang susi at agad ko binuksan ang gate. Ayos! Tinanggap ang susi. Pumasok ako sa loob at.

"Oh my!"nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko. Napakadaming bulaklak ng sunflower ang nakapalibot sa harap ng bahay. Halos parang nagliliwanag ang bahay dahil dun. Napakaganda. Sobra..

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Dahan dahan akong humakbang papunta sa pinto. At binuksan yun. Pumasok ako sa loob.

"Wow!" Again namangha ako sa magandang disenyo ng bahay. Hindi sya gaano madekorasyon.. Simple lang ang sala. Maluwag at malawak. Related talaga sa peronality ni Vlad. Lumakad ako papuntang kusina. Kumpleto sa gamit at hiwalay ang hapag sa kusina. May cr din at dirty kitchen sa labas. Nakita ko ang hagdan papaakyat. Sinimulan kong humakbang sa hagdan. Napansin ko ang mga malilit na frame na nakasabit sa dingding.

"Ako to ah. I mean? Kaming dalawa ito nung freshman ako sa may class play.?" sabi ko ng makita ko ang isang stolen shot naming dalawa ni Vlad. Hindi ko alam kung nag uusap ba kami dito o sinesermunan nya ako. Natatawa nalang ako sa nakita ko.

Humakbang pa ako at nakita ko nanaman ang isang frame. Freshman din ako, at magkasama kami sa picture. Stolen pa din sya at halata sa itsura namin na wala kaming kamalay malay na kinukuhanan pala kami ni Mr.Perez.

Bawat paghakbang ko may frame akong nakikita parang timeline namin ni Vlad sa school up to now. May present pictures kami sa beach at nung pasko.

Nahinto ako sa isang kwarto ng makita ko ang huling frame na may litrato namin nung New Year.
Hindi naman sarado ang pinto ng kwarto kaya't binuksan ko ng tuluyan.

"Ohhh..

Nagulat ako sa malaking kama sa gitna. Mga closets sa gilid. Isang bintana sa kabilang side. May TV na nakadikit sa wall. May shower room sa gilid. Simple lang ang kwarto para sa dalawang tao.

Lumapit ako sa isang mahabang table na nakaposisyon sa ibaba ng tv. Napakaraming litrato dun. Mga pictures ni Vlad at ng pamilya nya. Hanggang sa silang dalawa ni Veena. Sa aming tatlo nila Veena na kinuhanan namin nung nasa ospital pa kami. At ang huli ay mga pictures namin ni Vlad kasama ang family ko. Natuwa ako sa nakita ko.

Naupo ako sa kama. At dahan dahan humiga. Saka dinama ko ang malambot na kama. Pumikit ako at naisip ko si Vlad.

'Miss na kita Vlad..

"Love?

Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Vlad. Nakita ko sya sa nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan ako.
Napabangon ako.

"Vlad!

Niyakap ko sya kaagad. Halos mapaatras sya.

"Namiss kita!"sambit ko habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.

"I know.. Me too." narinig kong sinabi nya at hinagkan ako sa noo ko.

"Happy Valentines." nakangiting bati ko.

"Aww. Thanks Love.. Sorry ha.. Wala akong gift ngayon.." Naupo sya sa tabi ko pagkabitaw nya sa yakap ko.

"Pero ako, meron! "nagulat si Vlad sa sinabi ko. Kinuha ko ang paperbag na dala ko.

"Yun mga kamay mo!"

"Ha?

Ibinuhos ko sa mga kamay nya ang isang bag ng candies. Nagulat sya at natawa ako sa reaksyon nya.

"Sorry ha. Yan lang nakayanan ko.." nakatawang sabi ko.

Ngumiti sya ng napakasweet.

"This is more than enough Love.. Thanks..

Niyakap nya ako. Namiss ko ang yakap na yun. Parang ang tagal kong hindi naramdaman ang yakap nya. At ang halik nya. Sana ganito nalang kami palagi at hindi na nagtatago.

"Paano mo natunton ang bahay natin?

"Bahay natin?" tanong ko kay Vlad. Tumango sya.

"Nakapangalan sayo ang bahay na ito..

Nagulat ako sa sinabi nya. Aaaaaannnnnooo! Bahay ko pala ito tapos balak ko pa akyatin yun gate kanina!!!

----

Enjoy reading and dont forget to vote :)

Ill keep posting updates :)
May mga dapat pa kayo abangan sa mga susunod na chapters.. 😗🙂

My Boyfriend is The Professor! Where stories live. Discover now