He tucked my hair behind my ear and run his finger along my jaw line.

Shit!

"Dale."

Gosh. What's happening? Natutulala ako sa kaniya. I can't even barely breathe. Sobrang lapit niya sa akin. He was too close that I can't even think straight. Para bang nakatuon ang atensyon ko sa makasalanan niyang labi.

Oh, gosh! Lex. Mahalay ka.

Akala ko ay hahalikan niya ako ulit kaya napapikit ako ng wala sa oras. But...

"Let's eat." he then whispered seductively in my ears.

Tubig! kailangan ko ng tubig! Halos mahigit ko iyong hininga ko! How dare him. I really should avoid him. Hindi healthy para sa puso ko. I almost had a mini heart attack!

For heavens sake. Mapapatagal pa kung mag-iinarte pa ako. So I sat and ate with him. Hindi ako nagsasalita at kumain lang ako ng tahimik.

But hell! nabulunan ako bigla sa sinabi niya.

"I'm interested to you, Lexi." Agad akong uminom ng tubig. Mamamatay ako ng maaga sa taong ito. Mabuti na lumayo-layo na ako ngayon pa lang.

Hindi ko nalang siya pinansin. Mas makakabuti iyon. At mali talaga lahat ng lumalabas sa bibig niya.

I stood up. "Uuwi na ako, thank you." nagmamadali akong lumabas ng unit niya. Pero kapag minamalas ka nga naman... Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras.

"Oh god. Ano bang meron sa araw na 'to?" I mentally ask myself at saka tumingin sa langit.

Ang lakas-lakas ng ulan. Ni iyong kalsada nga hindi ko na makita. Sinabihan pa ako ng security na mas mabuti pa raw na 'wag ko ng balaking sumuong sa ganiyang kalakas na ulan. Nakasimangot na umupo ako sa lobby. Ni signal ng data dito wala! Paano ko mako-contact iyong mga kaibigan ko?!

Sana pala talaga hindi na ako sumama kay Xyleena. Ang babaeng iyon talaga! Urgh.

"Stay at my unit for a couple of hours, wait until the rain stops." he's standing beside me. He even put a jacket on my shoulder.

Ayoko!

Mas ikabubuti ko na hindi ako mag-stay sa unit niya.

"Thank you, but no, dito nalang ako maghihintay hanggang sa tumila iyong ulan." He raised his brows.

"I don't take 'no' as an answer"

Napahiyaw ako ng wala sa oras.

"Dale!" binuhat niya ako. Bridal style. Hindi ako mapakali! Ano bang pinaggagawa niya!?

"Ibaba mo na ako." I said in a calm voice. But he didn't listen and do nothing. I sighed. Napalunok laway ako. Ayan na naman iyong makasalanan niyang labi. Iniiwasan kong tignan. Pero nakakaakit talaga.

"You're staring." kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya.

"Hindi ah! Assuming ka!" Oh sige, Lex. Tanggi pa.

Umiwas na lamang ako ng tingin dahil ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Napansin niya! Baliw na talaga ako! Sinasabi ko nga ba. Mali talaga na lumapit ako sa kaniya. I admit! I had a little crush on him.

Oo, a little.

Nung mapansin ko sasakay na kami ng elevator ay agad na bumitaw ako sa kaniya. Tapos umurong ako dun sa pinakasulok.

Bahagya siyang natawa. Nakakainis!

"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" I glared at him.

"Nah. I find you cute when you're blushing." napayuko ako.

Rough PlayWhere stories live. Discover now