Chapter 2

3.4K 73 7

Chapter 2 Updated!

Sorry for long wait. Naging busy-busyhan lang kami ni Liliana pero meron naman na kaming drafts, naka-tengga lang. Well anyways, Thank you po sa mga nag-aabalang mag-comment sa malanding story ni DLM! :)

Comment ulit kayo ha. Yun kasi inspiration namin para magpatuloy. :>



WARNING: Typo's and Wrong grammar ahead. I'm not good in english but i'd try my very best to justify' DLM's Point of View.

 Spread the love, Not the legs. ;)

#Likezoned

***

Lexi Adriene's.



Natapos ang breaktime namin na puro away ni Hendrix at Xyleena ang naririnig at nakikita ko. Isama narin ang panaka-nakang panunukso ni Xyleena sa'akin at kay Dale.

Hays.

Hindi ko naman ikakailang may gusto─ I mean may crush ako sakanya pero hindi parin ako nasasanay sa mga paraan ng pagtitig niya. Gaya ngayon. Papasok palang ako ng silid nila pero kung makatingin akala mo'y isa akong putahe na anytime, susunggaban at kakainin bigla.

Wtf?! Kakainin talaga, Lexi?!

"Goodevening class"

"Good evening, Mrs. Villamor..."

Marahas akong napa-angat ng tingin sa mga estudyante ko saka tumingin ng matalim sa ngayo'y nakangising si Dale Lyle Matthew Villamor. That kid! Argh. Hindi ba siya nagsasawang pakabugin ang puso ko nang ganito kalakas? Argh!

Malakas na naghiyawan ang mga estudyante ko with halong panunukso, ngunit magsasalita pa lamang ako ng marinig kong nag-ring ang telepono ng room namin na naka-konekta naman sa Admin Head Offices dito sa Unibersidad. Agad ko itong tinungo saka sinagot.

Matapos kong makipag-usap ay ina-nunsyo ko agad na tapos na ang klase namin dahil sa importanteng dahilan.

Agad ko ng inayos ang mga dala kong gamit ng makita kong papalapit si Dale sa peripheral vision ko. Iiwas na sana ako pero nabaling ang atensyon ko sa sumigaw ng pangalan ko.

"Lexiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!"

Hindi ko na kailangan pang lumingon kung sino ang tumatawag sa'akin dahil obvious naman kung sino. At isa pa, isang tao lang naman ang maaring tumawag sa'akin nang ganoong paraan.

Napabuntong-hininga nalang ako. Alam ko na agad kung anong kailangan nito ngayon.

"Sshh! Xyleena! Wag ka ngang sumigaw!" Pabulong kong saway pero ang babaeng 'to, todo sigaw parin.

"Club hopping tayis! Ano? Go kana! Maaga pa naman e! C'mon!" Aya niya sa'akin with matching pabigat pa sa braso ko. Jusko. Kailangan kong iwasan 'to. Bawal ako sa ganyan. Bawal na bawal.

"Xyleena..." I used my serious and strict voice but being Xyleena, Hindi yan magpapa-pigil.

"Lexi naman eeeh! Puh-lease!" She convinced me with puppy eyes. Ew. Joke.

"Alam mo namang iniiwasan ko na yan, diba? Alam mo yan" I looked at her with pleading eyes pero wala itong epekto sakanya dahil si Xyleena 'to.

Walang makakapigil sakanya.

"I promise, maaga tayo uuwi." She grins while I sighed in defeat.

"Maaga? 12 midnight ang maaga para sa'yo no!" I protest

Nagulat ako ng bigla niyang dinala ang hand bag ko saka ako kinaladkad palabas ng university namin. Wala na akong tutol dahil wala na akong laban. pagdating palang sakanya wala na akong palag. Jusko. basta ba hindi niya ako pipilitin uminom e. at tutal maaga pa naman din.

Rough PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon