Chapter 3: The Riddle

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako at nagkaroon ng pagnanais na sampalin siya sa mukha. "Ano bang sinasabi mo?! Kapatid ko siya!"

"Pero mahal mo siya!"

Parang tinusok ang puso at utak ko sa sinigaw niya. Napailing ako nang paulit ulit.

"At mas pipiliin mo pang mahalin siya bilang kapatid kaysa mahalin ako."

Tumutulo na ang luha ko na parang suka dahil mainit ito sa pakiramdam. "Paris,"

"Siguro nga tama ka. Kailangan ko munang magfocus sa kaharian, kailangan nila ako doon. Pati na rin sa aking pagsusulat. Oras na para ako naman."

Hindi na siya tumingin sa akin. Tahimik na lang siyang lumabas habang ako'y nakatayo roon na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig.

***

Matapos maligo ay tahimik kong sinuot ang aking armor at binitbit ang aking essentials. Habang ginagawa ko ito ay pinilit kong wag munang isipin si Paris. Kailangang magfocus kami sa misyon. Ito ay pumunta sa Crete at puntahan ang workshop ni Daedalus.

Dumaan ang ilang minuto matapos kong maghanda ay may dumating na Maid na nagsabi sa aking hinihintay na ako ng Big Three sa throne room. Bumuntong hininga ako at tahimik na naglakad papunta roon.

Pagdating ko sa throne room ay nakita ko ang Big Three and my heart skipped a beat. Naguusap si Poseidon at Hades, may kinukwento si Poseidon with matching sound effects at gestures pa. Nakita kong ngumingiti si Hades. Si Zeus naman ay seryoso sa tabi, pinapanood ang nagsasayaw na apoy ng hearth.

Parang isang larawan ng kahapon. Magkakasama sila. Maayos ang lahat. Pero ang pagkakaiba ay totoo ito. Ito'y realidad.

Sila'y tumingin sa akin lahat nang maramdaman nila ang presensya ko.

"Guardian!", pagtawag ni Poseidon.

Si Zeus ay umagaw lang ng tingin sa akin at bumalik sa pagtitig sa hearth. Habang lumiwanag naman ang mukha ni Hades dahil sa kanyang mga ngiti. Ngumiti ako pabalik.

"So, handa na ba tayo?", bungad ko.

"Uhh, may sasabihin pa si kuya Zeus. Kuya Zeus, back to you.", sabi ni Poseidon.

Napatingin ako kay Zeus at may ideya na ako kung saan tungkol ito. Marahang humarap sa amin si Zeus habang inilaan namin sa kanya ang aming mga tenga.

"Kailangan niyong malaman ito. May karapatan kayo.", naglakad siya patungo sa amin. "Sa mga nagdaang linggo ay nagpaparamdam sa akin ang Fates. May mga mensahe silang ipinapadala nila sa iba't ibang paraan."

"Ang Fates?", sabi ni Poseidon.

"Tama. Ang Moirai. The old ones. The ones who weave our destinies. At sila'y galit sa atin.", balik ni Zeus.

"Dahil pa rin ba sa pagkamatay ni Hades? Pero nandito na siya, nagbalik na siya.", sabi ko naman.

"Hindi ganoon iyon. Marami na tayong nagawang labag sa ancient laws. Tulad ng pagbalik sa nakaraan. At marami na rin kaming nagawa bago ka pa bumalik, Hestia. Sa mga Fates, di importante kung ano ang estado mo, kahit Olympian ka pa.", paliwanag pa ni Zeus.

"Pero hindi naman tayo ang nagsimula noon. Ang mga Hundred Hands! Sila dapat ang parusahan.", giit ko.

"At tayo ang ginamit ng Fates para tapusin sila pero may involvement tayo. Tayo ang nag time-travel. Ngayon, gusto ng Fates na parusahan tayo ng personal. At kung nagtataka kayo kung bakit tila ako nagmamadali ay dahil gusto ko nang lutasin ito, na kahit papano ay mabawasan ang atraso natin sa mga Fates. Hindi sila magandang kalaban. Tanging kamatayan ang naghihintay sa atin."

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VWhere stories live. Discover now