"Kunwari ka pa baby Angel, grab the opportunity na. Haha."

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Justin palapit sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Isang malambot na labi ang muling dumampi sa aking mga labi na nagpapikit sa akin.

"Woooo, dumadamoves ka pareng Justin. Haha."

"Wahhh, baby Angel. Kinikilig ako."

"Putek unggoy alisin mo yang kamay mo, sakit ah. Nasisira ang ayos ng buhok ko."

"Gwapo ka pa rin naman babe." sabi ni Rina sa lalaking katabi nito. Psh.

"Mahal kita." narinig kong bulong ni Justin sa akin at hinila ako para yakapin.

"Mahal din kita." sabi ko at hindi pinansin sila Hazel na parang ewan doon, lalo na si Rina.

"Wooo, tara na. Picture taking tapos punta na sa reception. Hihi. Diba may inihanda ka oa doon pareng Justin. Haha." sabi ng kaibigan ni Justin.

"Manahimik ka diyan Brian. Tsk." sagot naman ni Justin.

Masaya ako, totoo. Isang kasihayahang matagal ko nang inaasam. Kasiyahan na kung saan kasama at bahagi si Justin.

Mahirap hanapin ang tunay na kasiyahan hindi ba? It takes time. Matutong maghintay, tama ba? Haha, oo matagal nga. Pero worth it ang paghihintay at ang pagsasakripisyo.

Lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari. Maari itong may maitulong at maidulot na maganda o hindi kaaya-aya sa buhay ng tao. Desisyon. Matutong pag-isipan lahat ng bagay na gagawin. Maraming kalalabasan ang maaring mangyari. Maging handa lang sa lahat ng maaring kalabasan nun.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Justin at nagsilapitan naman ang mga kaibigan ko pati ang kaibigan nito para kuhanan kami ng isang litrato.

Hay, ano pa nga bang hihilingin ko?

Hinihintay ko ang mga susunod na araw kasama ang taong mahal ko. Taong nangako na magiging kasama at karamay ko sa tuwa at lungkot. Kaakibay sa mga problema. Kasama sa pagbuo ng desisyon at kasama sa buhay, sa hirap man o sa ligaya. Kasama siyang bubuo ng pamilya at magiging katuwang sa buhay.

Nagpapasalamat ako na kasama ko siya ngayon at mahal niya ako.

Nagpapasalamat ako dahil yung desisyong ginawa ko, worth it ang kinalabasan.

Nagpapasalamat ako na mahal ako ng taong mahal ko.

"Wife, mukha kang baliw riyan. Oo na, gwapo na ang napakasalan mo. Haha, wag mo kong pagpantasyahan wife." sabi ni Justin sa akin at inakabayan ako. Inilapit niya rin ang mukha niya kaya naman nagulat ako.

Pakunwari kong sinampal ang pisngi niya, hindu naman masakit.

"Tigilan mo nga ako Justin."

Make It RightOnde histórias criam vida. Descubra agora