Panimula

202 3 0
                                    

Sapat ba na mahal niyo ang isa't isa?

Sapat ba na pareho kayong may nararamdaman para sa isa't isa?

Sa akin, hindi.

Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa.
Hindi sapat na may pareho lang kayong nararamdaman para sa isa't isa.

Kailangan handa sa lahat ng maaring mangyari at kilala niyo pareho ang sarili niyo bago bumuo ng relasyon.

"Alam mo ba Justin, minsan hiniling ko na sana may isang tao na magpaparamdam sa akin na ako yung taong ipinagmamalaki. Yung taong ipaparamdam sa akin na karapat-dapat akong ipagmalaki sa tao. Yung taong ipagsisigawan na mahal niya ako bilang ako.
Yung taong gagawin ang lahat para sa akin. Hiniling ko na ikaw yun, pero nagpakaduwag ka. Nakatadhana sigurong maramdaman natin to. Nakatadhanang maisip ko ang mga bagay na yun. Nakasulat na sa palad natin na mukhang hindi tayo para sa isa't isa."

Lahat ng babae ay hinahangad at pinapangarap na may isang taong magpaparamdam na sila ay ipinagmamalaki at ipinaglalaban. Ipinagtatanggol at karapat-dapat na ipagmayabang sa iba. Handang gawin ang lahat at ipakita sa tao na sila yung babaeng mahal nila.

Pero marami ring babae na hindi kunteto sa pakiramdam na mahal nila ang isa't isa. Kailangan ay pareho nilang alam kung sino sila at kilala pareho ang sarili nila.

Isang desisyon ang pinili kong gawin.

Sinuportahan niya ako.

Pareho naming ginawa ang desisyong iyon.

Pero sa nakalipas na panahon pareho pa kaya ang nararamdaman namin sa isa't isa gaya ng ipinangako?

Sa nakalipas na mga taon ay handa ba kaming harapin ang anumang kalalabasan ng pinili naming desisyon?

Mahal ko siya.

Mahal niya rin ako.

Pero hanggang kailan?

Hanggang saan?

Kakayanin ko ba ang makita siyang may kasamang iba?

Kakayanin ko bang marinig mula sa kanya na hindi niya na ako mahal katulad ng dati?





Sana.

Make It RightWhere stories live. Discover now