18 - Pagsilong

23 2 0
                                    

Angel's POV

Biyernes ngayon at bukas na ang birthday ni Hazel. Wala na kaming klase at nagpapractice nalang kami for graduation.

At last!

Hindi ko alam kung magcocollege ako o hindi. Hay, ang hirap kasi ng buhay e. Siguro magtatrabaho na muna ako. Pwede naman yun e, nasa legal age na ako at maari ng magtrabaho. Pag-iipunan ko na muna. Gusto ko kasi sariling pera ko na yung pang-aaral ko. Yung perang mula sa pagod at pawis ko. Perang mula sa pinaghirapan ko.

Kailangan ko ng pag-isipan ang bagay na yun.

"Ma, mamayang gabi pala dun ako matutulog kila Demi at sabado na ng gabi ako uuwi." pagpapaalam ko sa mama ko.

Napag-usapan kasi namin na para paghandaan yung birthday ni Hazel ay dun kami kila Demi matulog. Para rin daw magkatime kami para sa aming tatlo. Bonding na raw namin yun. Atsaka kailangan pa kasing mag-ayos para bukas at wala akong kilalang pwedeng mag-ayos sa akin kaya sila Demi at Rina na raw ang bahala sa akin. Kinakabahan nga ako sa dalawa e, baka kung anong kalabasan ng gagawin nila. Ayoko namang pakaayos bukas baka maagawan ko si Hazel, hehe joke lang. Di lang talaga ako sanay mag-ayos kaya kinakabahan ako sa kalalabasan nun.

Sana payagan ako ni mama, please.

"Anong oras na namin uuwi non aber? Ano yan nakaligtas ka sa mga gawaing bahay?"

Kanina pagkagising ko ay ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin sa bahay, pinunasan ko yung bintana, naglinis at kung anu-ano pa.

"Tapos ko ng gawin yun ma."

Nagpalinga-linga si mama at napansin na malinis na nga ang bahay.

"Osya sige, ayusin mo ah. Baka saan ka na namang lupalop pupunta."

Minsan talaga iniisip ko kung ganyan lang ba talagang magsalita si mama o hirap lang siyan ipakitang nag-aalala siya sa akin.

"Opo, kila Demi lang ako. Di naman kami aalis dun."

"Sige na,mag-iingat ka." sabay talikod.

O diba? Sabi ko na e, nahihiya lang talaga si mama na iparamdam na nag-aalala siya sa akin. Kahit minsan ay nasasabihan niya ako ng masasakit na salita ay alam ko naman na dala lang yung ng init ng ulo at galit. Pagod lang siguro siya at sinasabayan ko pa. Napansin ko na rin kasi ang pagbabago dito sa bahay. Hindi na ganoon kaingay gaya ng dati at kaya naman ipinagpapasalamat ko talaga ang pagbabago na yun.

"Sige ma, alis na ako." paalam ko sa kanila at binitbit ang gamit ko. Yung dress na susuotin ko ay nasa bahay na nila Demi.

Habang naglalakad ay isang maliit na tuta ang napansin ko sa di kalayuan.

Hala, yung asong matagal ko ng inaasam.

Yung asong laging nakasimangot, yung bulldog.

Ang cute.

Lalapitan ko sana kaya lang yung may ari naunahan ako at binuhat niya ito.

Make It RightWhere stories live. Discover now