Chapter 39

767 31 3
                                    

Chapter Thirty- Nine
Kahon at Litrato

Sobrang bigat. Sobrang sakit ng pakiramdam ko, parang pinipiga ang puso ko at mistulang libu- libong karayom ang tumutusok dito. Hindi maalis sa isip ko yung mga salitang binitawan ni Charles kanina habang nag- uusap kami.

Kalimutan ko na siya. Kalimutan ko na daw siya. How can I do that if my heart keeps on yearning for him?

Hindi naman pwedeng turuan ang puso at sabihan ito na tumigil sa pagmamahal sa kanya. Mahirap, sobrang hirap ng pinapagawa niya sa akin. I kept on crying at patuloy lang rin ako sa paglalakad.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta dahil kung makikita ko ang mukha ng mga magulang ko ay baka lalo ko lamang maalala ang ginawa at itinago nila sa akin. Kung si Luther naman, busy siya at maaalala ko yung paparating na kasalan namin pagkatapos ng dadating na limang buwan.

Sana hindi na lang ako nagmahal. Sana kasi kapag nagmahal ka - yung mamahalin mong tao ay yun na talaga para walang sakit, walang paghihirap at walang pag- iyak. Sana pwede na lang patigilin yung puso sa pagtibok kung alam nating sa una pa lang ay hindi na siya ang tamang tao para sa'yo.

Pero lolokohin ko ang sarili ko kapag naniwala ako doon. We cannot teach our hearts, kung ang isip natin ay nagagawa nating lokohin - ang puso natin ay hindi.

That's why love is dangerous, that's why love is more complicated than our thoughts.

Patuloy lamang ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pagtulo ng likido sa aking balat. Ilang beses itong dumampi sa aking balat kaya naman napatingin ako sa madilim na langit.

Napangiti ako ng mapait, "So you're gonna cry with me?" bulong ko saka isinahod ang kamay ko sa palakas na palakas na ulan. Tumayo lamang ako sa gilid ng daan habang unti- unti na akong nababasa dahil sa malakas na pagpatak ng ulan.

Hindi man lang ako natinag, pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko at nabubuhay na lang ako dito sa mundo to follow my parents' whims, to meet the expectations of people - to make them proud.

Pakiramdam ko ay ganoon na lamang ang purpose ko kaya buhay ako at naandito pa sa mundo. Nakasahod pa din ang kamay ko nang makita ko ang isang pamilyar na pigura. Nasa harap ko siya pero malayo sa akin, nasa kabilang gilid ng daan.

Magkatapat kami pero malayo sa isa't isa. Nakikita namin ang isa't isa pero hindi ko maabot ang kamay niya. Hindi ko magawa dahil hindi niya rin ako papayagan.

Charles...

Napatitig ako sa mga mata niya na halos walang ekspresyon. It was cold - ganoon na lamang ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. I put my hand down and bit my lower lip habang ang mga luha ko ay nakikisabay sa patak ng ulan.

He blinked a few times and then wiped his right cheek. Hindi ko alam kung ako lang yon o talagang nagkamali lamang ako pero parang nakita kong umiyak si Charles. Naaninag ko na may butil ng luha na tumulo mula sa kanyang kanang mata.

Hindi ko alam kung tama ba iyong nakita ko o isa lang rin iyong patak ng ulan.

Nakita ko na lang siyang umiling bago naglakad sa kabilang direksyon. Iniwan niya akong nakatayo doon kahit naman sa una palang ay hindi na kami magkasama.

Napatungo ako at kinagat ang aking labi bago muling nagtaas ng tingin at sinulyapan ang nakatalikod ng pigura ni Charles na naglalakad palayo sa akin.

"Goodbye, Charles..."

Tumalikod na rin ako at naglakad palayo. If we weren't for each other this time then siguro sa ibang panahon? If we were to be reborn, sisiguraduhin kong wala ng hahadlang sa aming dalawa.

Nang makakita ako ng isang park kung saan halos wala namang tao ay napagdesisyunan kong doon na lang muna ako hanggang matapos ang party sa hotel. Should I go home? Hindi ko alam, parang ayoko.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon