"I'm fine, it's just that... masyado lang siguro akong nalilito ngayon."

"Girl, believe me, everyone would be so confused." Umarte si Sierra na parang nahihilo. I still can't believe she's here. Umuwi siya para lang sa akin. Sobrang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Dahil sa sobrang saya, mahigpit ko ulit siyang niyakap bilang pasalamat. Tumawa lang sya.

"Thank you for coming, Sier." Right now, I badly need the two of them. Lagi silang nandyan kapag may problema akoㅡthrough thick and thin.

"So ano nang plano mo?" tanong ni Sier habang nagliligpit. Dito rin daw muna siya tutuloy para makasama ako. Hinayaan naman siya ni Zeph, hati nalang kami ng kwarto. Tapos nasa master's si Zeph.

"Ano bang dapat kong i-plano?" She shook her head, looking disappointed because of my answer. Mula kasi nang magkapatong-patong ang mga problema ko, parang naging blanko nalang yung isip ko. "Hello? Dont tell me susuko ka na? Game over na?"

"Butㅡ"

"No buts! It's either, haharapin mo ulit yung mga parents mo at mag-aaway na naman kayo o tatapatin mo si Sander," suhestyon niya at siniko ako. Hindi muna ako nakapag-salita, wala nga kasing pumapasok sa ulo ko. "Kung hindi lang kasi ako nagsinungaling eh," I sneered.

"Yup, sana nga hindi nalang tayo nagsinungaling. Pero andyan na yan, sabi nga, everything happens for a reason! Let's be real, hindi naman aabot sa ganito kung nagsinungaling ka lang eh. Ang kaso, involved si San aka 'Mrs. Anuevo's most hated person' kaya ayun World War III ang peg nyo dyan."

"How can my parents hate him so much when I don't think I feel any hatred? Ako nga ata dapat yung pinaka naapektuhan." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Siya mismo naiintindihan ang punto ko. It just doesn't make enough sense.

"I don't want to state the obvious."

Ang labo ng sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Pinagtuunan ko yung pagliligpit. Hanggang sa wala na ang lahat ng mga kalat at naligpit na. Humiga ako sa kama at tumabi siya sa akin.

"Aren't you curious kung nasaan ba siya ngayon? Kung anong ginagawa niya?" tanong niya habang diretso ang titig sa kisame. Hinanap niya ang aking mga daliri at pinaglaruan iyon. "Ofcourse, I'm very curious."

Curious is an understatement. Gusto ko siyang makita, makausap, tapos yakapin. I want to give him the support he probably never felt ever since that accusation came to his life. I want to let him know that I believe in him.

"You want to meet him?" she asked naughtily. Napalingon ako sa kanya, iniisip niya bang puntahan si San? Yes, I want to see him, but not right now. Not when everything is still in chaos. Mariin akong umiling.

Muli niyang akong siniko, "Everee, ang problema hinaharap at hindi tinatakbuhan. Kahit magtago ka, nandoon pa rin iyon, nagbubulag-bulagan ka lang."

"You're crazy, magagalit si Zeph." Masyado na rin siyang nasasaktan sa mga nangyayari. At ayokong nakikita siyang naapektuhan ng sobra dahil lang sa mga kasalanan ko. All he ever did was support me and be there for me. "He won't get mad if he doesn't know, right?"

Mas mariin akong umiling, "Mali na naman yan. Magsisinungaling na naman tayo. Ayoko na, Sier."

"Okay! Fine!" Mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas. She's so weird. Kumuha ako ng unan at ibinaon doon ang ulo ko. I'm still trying to remember what happened yesterday. Hindi naman siguro ako gumawa ng kahit anong stupido, di ba?

Malipas ang ilang minuto, bumalik na si Sier habang hila-hila si Zeph. Madilim ang ekspresyon sa mukha niya habang ngiting-ngiti naman si Sierra. Ano na namang meron?

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now