Iginiya niya ako sa kama upang umupo. Saglit kaming binalot ng nakabibinging katahimikan at upang mapawi ang kabang bumabalot sa akin ay inabala kong umikot ang aking paningin sa VIP room sa isang hotel sa Italy. No choice ako kundi ang makasama sa iisang kwarto si Hunter upang hindi magtaka ang mga tauhan niya.

Namuo ang isang pangungusap sa utak ko. Ang katanungang paulit-ulit kong isinasambit sa kanya. "Hunter Louis Sylverio, sino ka ba talaga?"

Matagal. Hindi umiimik ang aking asawa. Hindi rin ako kumibo. At ganap na lumukob sa aming muli ang katahimikan--- katahimikan nang lumao'y binabasag ng huni ng kanyang mobile phone. Ngunit hindi niya iyon pinansin at hinayaan na lang matapos ang tunog.

I sigh, I just wanted to get things over with.

Hunter remained silent, he was sitting in the bed beside me, keeping a fixed gaze on his hands. His eyes half closed.

I just gave my sympathetic look and a half smile. "It's okay if you doesn't want to tell me. Hindi naman kita pinipilit. Curious lang kasi ako sayo. Alam mo bang puzzle ka sa akin na ang hirap kong sagutin? Para kang bugtong. Isang misteryo."

Nagmulat siya ng mga mata. His hand approached my face and he gently brushed a strand of my hair aside. My heart beats abnormally again. How could someone makes me feel this way with just one touch and one look? This was all new to me.

"H-Hunter.."

"Ito lang ang masasabi ko, Hailey..", muli niyang kinuha ang aking palad at dinala niya sa kanyang labi leaving a delicate kiss bago ito muling nagsalita. "Just promise me you won't freak out when I tell you everything, okay? Promise me that you will stay the same after hearing it, okay?"

"Okay. I promise. Pinky swear!", sabi ko habang hinahanda ang aking sarili sa kung ano mang sasabihin nito.

"Ang mga bagay na nasaksihan mo sa hideout ni Trent Cross, is the kind of thing that happens everyday.", panimula niya.

Nakagat ko ang labi ko. Sinasabi niya bang normal lang sa kanya ang pumatay? Ang kaguluhan? Ang mga dugo? Ang pulbura?

"I'm a part of an organization called The Beehive clan, that has been passed to me through generations."

I looked at him clueless. Nalilito. At sa mga sinasabi niya, sa bawat salita, nagfi-freak out nga ako. Para bang gusto ko siyang tumigil dahil unti-unti kong nalalaman ang tunay niyang pagkatao.

"And Trent? He's also a part of a rival clan. He is the boss of the Red Dragons. At sila ni Vito ang mortal na kaaway ng clan. We have a rule to follow: To gain and protect. In our family, we protect each other. Kapag napahamak ang isa, lulusob kaming lahat para maipaghiganti siya. Our clan is a family. We are brothers. And we gain money to expand our power."

Napalunok ako. Isa ba siyang...?

"Nabubuhay ako sa malaimpiyernong mundo, wifey. It's a ruthless and cruel world. We are all monsters. A devil. We are like a cat and a mouse searching for a prey. I couldn't get out even I wanted too. Pag ginawa ko iyon, mapapahamak ang clan."

"P-Pumapatay ka?"

"Sometimes the only way to protect someone is killing. We have no choice, Hailey. Pag hindi kami lalaban kami ang mamamatay."

Napapikit ako. Gusto kong bumalik yung time na wala akong alam tungkol sa kanya. Yung mga panahong itunuring ko siyang puzzle at misteryo sa akin.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now