Chapter 37: Pity Claire

Start from the beginning
                                    

Anong ginagawa dito nung dalwang demonyong yun? Wow napaka-gandang birthday gift 'to para sayo Claire.

"I'm not joking. Bahala ka nga dyan."-sabi ni Nicks ni-hindi ko manlang siya pinagbuksan ng pinto

Ugh wtf! Paano napunta dito yung dalawang yun? Kainis.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbaba ko ng hagdan ng bigla na lang----

*booom*

May nagpasabog ng confetti sa taas kaya medyo nagulat ako. Bakit may ganito? Saka bakit parang nag iba yung itsura nung bahay?

At nang tuluyan na akong nakababa. Nasaan sila? Bakit walang tao dito?

Hinanap ko sila sa mga sulok pero wala. Letse! Kausap ko lang kanina si Nicks diba? Eh asan na yun.

Pagkaharap ko---

"HAPPY BIRTHDAY CLAIRE!!!"

Pucha. Ano 'to? Pagkatalikod ko bigla na lang silang lahat sumulpot sa harapan ko at may mga dalang banner, confetti, gift, cake, at iba pang mga pagkain.

Huwaw ha. Ang aga ng surprise nila. Nagulat ako promise.

"Mga walanghiya kayo! Saan kayo mga nagtago?"-natatawang sabi ko, sila naman tumawa lang ng nakakaloko kaya pala nagiba yung ayos nung buong bahay dahil nilagyan nila ng design parang birthday party talaga

"Hahahaha. Ano Claire? Nagustuhan mo ba?"-Sam

"Wag kayo ako ang nag design ng lahat ng nandito ngayon. Hahaha."-Therence

"Anong ikaw? Ako rin kaya."-Kai

"Anong ikaw rin Kai? Mas ako kaya. Wala ka ngang naitulong."-Bricks

"Nagtatalo pa kayo dyan, eh ako kaya nag isip ng mga design."-Irish

"Anong ikaw? Eh late ka na nga nagising tapos na yan nung gumising ka."-Zitty

"Basta walang kokontra ha. Ako lahat ang nagluto ng pagkain dito. Wahahaha."-Dustin

"Aba wala ding kokontra. Ako lahat ang kakain ng pagkaing yan ah. Hahahahaha."-Max

"Takaw mo mabulunan ka sana."-Edison sabay pukpok ng lagayan ng confetti sa ulo ni Max. Pfft.

"Para kayong mga tanga. Para walang away kayo lahat ang gumawa nan at ako lang ang walang naitulong. Hahahaha. Nga pala Nicks, ano yung sinasabi mong nandito si Ejay at Cassey ha? Eh wala naman sila dito."-sabi ko

"Anong wala? Eto sila oh."-sabi ni Nicks at naghawian silang lahat kaya nasa gitna nila yung dalwa

Emerghed.

"Happy Birthday."-bati nung dalwa habang nakangiti

"Thanks p-pero bakit kayo nandito? What I mean is paanong---"-hindi na ako nakatapos pang magsalita ng biglang may umimik

"Because of me Claire. Hahaha. Pwede na ba silang birthday gift para sayo?"-sabi ni Aaron habang bumababa ng hagdan at may dalang bagay na nakabalot sa gift wrapper

"Dahil sayo? Paano?"-kunot noong tanong ko, nakakaloko ba siya? Birthday gift? Silang dalwa? No way

"Basta! Eto oh."-at ng makababa siya inabot niya sakin yung dala dala niya kanina

"Ano 'to?"-tanong ko, nag senyas lang siya na buksan ko daw at ayun binuksan ko naman

Waaaaaaaah yung katana koooooo!

"Ito yung katana ko ah bakit napapunta sayo?"-tanong ko

"Aba malay ko bang katana pala yan inabot lang sakin yan nung mama mo bago tayo nun umalis sa mansyon niyo eh, sabi niya ibigay ko daw sayo."-painosenteng tugon naman niya

YoungJi Wolves meets Lord High Executioner (#WattysAward2017)Where stories live. Discover now