Chapter 1

143 4 1
                                    

Sampung taon palang si Cecilia Legaspi ay may lihim na siyang pagtatangi sa kapitbahay nilang si Carlos Miguel Sanvictores pero tanging nakababatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Sa tuwing pumupunta siya kasama ang ate Susie niya ay magiliw silang hinaharap nito pero pag hindi na niya kasama ang ate niya ay hindi na siya nilalabas nito dahil busy na daw ito, ewan ba niya kung bakit sa mura niyang edad ay natuto na siyang ibigin si Carlos Miguel na limang taon ang tanda sa kanya. Magkaklase at magkababata ang ate Susie niya at si Carlos Miguel kaya malapit ang dalawa sa isa't-isa kaya nga minsan pinagseselosan niya ang ate niya ng lihim dahil sa closeness ng mga ito pero sa kanya hindi ganun ang turing, mabait lang ito at maalaga hanggang dun lang at wala ng iba. Nasa terrace siya ng kanyang kuwarto at tanaw na tanaw niya ang pagtatawanan ng dalawa, may assignments kasi ang mga ito kaya pumupunta ang ate niya sa bahay nina Carlos Miguel, nakasimangot siya habang nakatingin sa mga ito dahil sa inis niya ay pa irap na nilisan na niya ang terrace at nagtuloy na lang sa music room para magsoundtrip, iyun kasi ang kanyang libangan kapag nababadtrip siya.
Samantala, nagulat si Susie ng habang tinuturuan niya ito ay bigla na lang siya nitong nakawan ng halik sa pisngi kaya napatingin siya sa kababata na parang wala namang anumang nangyari sa pagitan nila pero siya ay di pinalampas iyun.

Why you kiss me? Takang tanong ni Susie, hinawakan pa nito ang kanyang kamay na agad niya ding binawi at mabilis na kinuha ang kanyang mga gamit para iwan na ito.

Susie, wait! I love you. Sabi ng binatilyo at natigilan ang dalagita sa tangkang pag-alis sana at hinarap ang kababata.

Im sorry Carlos Miguel. Ani susie at iniwan na ito, napapikit na lang ito at biglang napasigaw at ibinato ang mga notebook na nasa mesa dahil lihim na niyang minamahal si susie pero bakit hindi siya makuhang mahalin nito. Nasa sariling silid na nito ang dalagita at padapang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama at doon lihim siyang nanangis at sinisi ang kanyang sarili, tanging friendship lang ang kaya niyang ibigay sa kababata dahil may iba siyang gusto si Luis Daniel ang nakatatandang kapatid ni Carlos Miguel na pinangakuan siyang babalikan kapag nakatapos na ito ng pag-aaral sa america.

Please vote and comments po.

Sinakop mo ng lahat ang puso koWhere stories live. Discover now