CHAPTER THIRTY EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Salamat Tim. Ang sarap-sarap ng kain ko ngayon."

He gave her a quick kiss. Itinayo siya nito at pinaupo sa kandungan. Yinakap ni Timothy ang matipuno nitong braso sa kanya. Saka pinatong ang ulo nito sa kanyang balikat.

"Sana ganito na lang palagi. Tahimik, payapa ang buhay natin. Sana palagi tayong masaya at walang problema. Alam mo bang minamadali na ni mommy ang kasal natin. Para makauwi na tayo sa Greece. Tahimik sa tahanan namin roon, agapí mou. Walang gulo, walang mananakit sa inyo. Hindi natin kailangang mangamba." wika ni Timothy.

Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at pinisil.

"Nahihirapan ka ba sa mga problemang dala ko Tim? Alam ko naman na kahit hindi mo sabihin ay gumagawa ka ng paraan para maparusahan si Kuguro Hayashi."

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Timothy. Pinalis niya ang pagkakapatong ng ulo nito sa kanyang balikat. Saka niya ito hinarap.

"Gusto mo bang umuwi na sa Greece? Ready na ako. Pwede na tayong pumunta roon." tanong niya.

Napag-isip-isip niyang siguro ngang mas magandang doon na sila manirahan. Para sa ikaliligtas nila at ng mga anak nila.

"We're not going anywhere. Until we solved the problem here. Gusto ko kapag lumipat na tayo doon ay okay na ang lahat. Naparusahan na ang mga dapat na maparusahan." ramdam niya ang gigil at galit sa boses nito.

Pero may sinabi itong ipinagtaka niya.

"Mga? Si Kuguro lang naman ang kalaban natin hindi ba?"

Hindi siya pwedeng magkamali. Mga ang word na ginamit nito. At labis itong nakakapagpakaba sa kanya ngayon.

Ipinagdikit ni Timothy ang mga noo nila saka ito nagsalita.

"Agapí mou, madami sila. Sobrang dami nilang gustong kuhanin ka mula sa akin. Sobrang dami nila na gusto kang saktan."

"Kung ganuon, sino sila?"

Wala naman siyang naaalala na taong na-agrabyado niya o naka-away. Bakit dumadami ata ang nagagalit sa kanya?

"Si Riosaki at Prince Gabriel. Kailangan mong mag-ingat sa kanila."

"What? Si Riosaki?"

Saglit siyang natigilan. Si Riosaki? Ano namang magiging atraso niya sa kapatid niyang iyon? Sa totoo nga lang ay si Rio pa ang may atraso sa kanya. Nasira sila ni Timothy kaya lumaking walang ama ang mga anak niya. Idagdag mo pa ang mga nangyari sa kanya sa Japan dahil sa paghahanap nila rito.

"Bakit? A-anong naga-"

"Agapí mou, calm down." hinawakan ni Timothy ang magkabilang braso siya at pinakalma siya. "You need to know it all. I want you to know all about it. Pero hindi ko rin naman kaya na mapahamak kayong ng mga baby natin. Kung makakasama sa'yo ang mga malalaman mo ay mas gugustuhin kong itago na lang ang lahat."

Umiling siya saka tumayo. Kaya naman tumayo rin si Timothy.

"Hindi ako mapapalagay Tim kung hindi ko malalaman kung bakit sila galit sa akin. Kung bakit gusto nila akong masaktan." naluluha niyang wika.

She needs to fight her fear now. Naaawa na siya kay Timothy. Palaging ito na lang ang nagdadala sa mga problemang siya naman ang puno't dulo.

"Anong dahilan para magalit sila sa akin? Sa pagkakaalam ko ay kay Kuguro lang ako may kasalanan. Nabaril niya ang anak niya ng dahil sa akin."

Pumasok na naman sa alaala niya ang pangyayari noon na kumuha sa buhay ng lalakeng naging taga-pagtanggol niya noon. Ang pagsasakripisyo ni Ryuu para sa kanila ng kambal.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon