CHAPTER 22: A Series of Awkwardness

Magsimula sa umpisa
                                    

 Napansin niyang siryoso ako at mukhang nabasa niya ang iniisip ko na dinamdam ko ang sinabi niyang marumi ang kakainan namin. Pabiro niya akong sinanggi at tumawa siya nang kaonti, "Joke lang! Ito naman. H'wag ka mag alala, okay dito at malinis naman."

Pinuntahan namin ang iba't ibang mga food cart. Kumain kami ng fish ball, inihaw na isaw at paa ng manok, siomai, at ngayon ay nasa cart naman kami kung saan itinitinda ang itlog pugo na binalutan ng orange na harina, o kung tawagin ay kwek kwek. Nakakatuwang pag masdan si Valerie. Ang simple lang niya at walang arte sa katawan.

"Valeng may itatanong ako sa'yo," sambit ko pagkatapos lulunin ang isang pirasong kwek kwek.

Sumagot naman si Valerie kahit ngumunguya pa, "Ano 'yon?" 

"Alam mo 'yong game na Angry Birds?" Tanong ko ulit.

"Oo naman," ngumunguya pa siya at nang matapos, "Ano meron?"

"Alam mo ba kung bakit walang kulay orange na angry bird?"

Nag isip si Valerie at napainom ng buko juice, "Wala ba? Parang meron e."

"Wala nga. Trust me," kumuha ako ng panibagong stick para muling kumuha ng kwek kwek.

"Hmm... Oh sige. Bakit?" Uminom si Valerie ng buko juice at doon ko pinakawalan ang joke ko.

"Kasi daw baka mag mukha daw silang kwek kwek!"

Nadura ni Valerie ang iniinom na buko Juice at tumawa nang tumawa. Buti na lang at hindi ako tinamaan. Wala talagang pakundangan minsan 'tong babaeng 'to.

"Havey!" Napahawak si Valerie sa balikat ko kakatawa. Halos maiyak pa ang mata niya sa labis na pagtawa. "Saan mo nakuha 'yan?".

"Sa radyo ng papa mo kanina,"  sagot ko at nag tawanan kami.

"Ay takte! Nakalimutan ko'ng mag message kay Jana!" Bigla kong naalala at agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa. "Excuse lang, Valeng ah." 

"Sige lang," sagot ni Valerie na medyo 'di pa rin nakaka-recover sa joke ko. Narinig ko pa siyang kinausap 'yong nagtitinda ng kwek kwek, "Manong tutuhog pa ako orange na angry birds ah."

Tumatawa lang si Valerie pero ako... agad akong nag chat kay Jana kahit wala pa rin siyang chat sa akin.

Me: My love. Tapos na po 'yong mga exams. Ang hirap ng mga tanong pero kinaya ko naman. Kasama ko nga pala si Valeng ngayon. Nandito kami sa isang street na maraming food cart ng mga street foods. Kumakain lang. Wish you were here. I miss you.

Naghintay ako saglit sa reply ni Jana pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Hoy Kier, nga pala," sambit ni Valerie habang kumakain ng kwek kwek.

"Oh bakit? Dahan dahan lang sa pagkain. Ang takaw mo talaga," Bakit parang na sense ko bigla na mukhang may kailangan yata 'tong dragon na 'to.

"May lakad ka ba mamaya?" Tanong niya.

Sabi ko na. Heto na siya. Isasama na naman niya ako sa mga kalokohan niya kaya dapat sabihin ko meron, "M-Meron!"

"Meron daw. Hala, tigilan mo nga ako. Bahay at school lang alam mo puntahan eh. Sama ka sa akin mamaya." Nautal pa kasi ako e. Nahalata niya tuloy. I'm terrible with lying.

"Huh? Saan naman?"

"May nakapag sabi na nasa Mall Of Asia daw si Shane mamaya. May ka-date daw."

Sabi ko na eh! Hindi manlilibre 'to ng walang kailangan at si Shane Moreno de Mestiso na naman pala. Itong dragon na 'to, kailan kaya matututo? Naisip kong humawak sa aking tiyan at biglang mag kunwaring masakit ito para makatakas sa mga balak niya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon