ZOMBIE: 11

770 35 4
                                    

"Dad!" Nakatingin lang kami kay Corrine na yumakap sa papa nya. Buti pa sya, nagkita na sila ng papa nya. Kami kaya, kelan?

"Bakit pa kayo nagpunta dito?! Buti sana kung ikaw lang!" Sabi nito at napatingin samin.

"Bakit po, ano meron?" Tanong nya kaya hinila sya ng papa nya at dinala sa dulo kaya mas naguluhan kami. Pagtapos nilang mag-usap, lumapit samin si Corrine at yumuko.

"Anong meron?" Tanong ni Renz.

"Im sorry guys, delikado kayo dito" sabi niya kaya kinabahan ako.

"Explain mo samin." Sabi ko.

"Yung ibang survivors, pinageexperimentuhan ng iba't ibang gamot tapos ipapatry ipapakagat sa zombie. Nagtatry sila ng cure kung ano ang pwedeng maging cure"

"Ha?! Do you mean.. teka, yung mga magulang namin. Nandito?! Pinageexperimentuhan? Pano kung hindi tumalab?! Pano kung... argh!" Sabi ni Ex. Yun din yung iniisip ko kaya napaluha ako.

"Ngayon palang umalis na kayo." Sabi ng papa ni Corrine.

"No. Kailangan naming makita ang mga magulang namin. Set up pala yun. Kaya pala pare pareho ng letter ang naiwan sa mga bahay namin. Nasa iisang lugar na pala sila at nakakulong!" Sabi ni Krezza.

"Im sorry, pero makakalaya lang ang natirang survivors kung tatalab ang nagawa nilang cure."

"Eh bakit ho kayo?!" Sabi ko.

"Ako ang tumitingin sa mga virus na nasa loob ng dugo ng zombie. Pero hindi ko matukoy ang ilang nahalo doon kaya nandito ako para alamin"

"Dad may cure po kami. Ipatry nyo po to" sabi ni Corrine at binigay yung isang syringe. Yung siyam kasi ay pinatago nila sa bag ko.

"Sigurado ba kayo dito?"

"Yes po. And alam din po namin lahat ng nakahalo sa dugo ng zombie kaya alam namin ang pangtapat dun" sabi naman ni Lanie.

"Sige. Dadalhin ko to sa lab. Magtago lang kayo dito ha? Pag napatunayan na tatalab nga to, mapapalaya na ang pamilya nyo"

"Pano po kayo nakakasiguro? Pano kung gamitin lang nila yun sa sarili nila tapos ipakain na yung iba sa zombie kasi selfish sila" sabi ni Katrina na naiiyak na din.

"Gagawa tayo ng paraan. Tutulungan ko kayo"

Nagpasalamat kami sa sinabi niya at naghintay gaya din ng sinabi niya samin.

"Kinakabahan talaga ako ha." Sabi ni John.

"Ako nga din eh. Feeling ko may mangyayaring masama" sabi naman ni Matt.

"Kailangan nating maging handa. Nararamdaman kong darating yung mga guards at kukunin yung mga gamit natin at bag." Sabi ni Corrine. Nagmadali kami at binuksan ko yung bag ko saka tinago lahat ng cure at yung ibang armas.

"Saan natin itatago yung mga cure? For sure kakapkapan nila tayo" sabi ko.

Kinuha ni Shaina yung dalawa at siniksik sa bra nya.


Oo. Tama kayo. At yung iba naman ay siniksik kung saan saan sa mga damit at ako, dinala yung baril at nakalagay sa likod ko. Alamin nyo kung pano nangyari yun. Tapos siniksik ko pa din yung lagi kong dala na syringe na may lamang liquid na makakapatay ng mga organs. Dapat ready.

Maya maya ay may kumakalabog na paakyat. Hindi nga kami nagkakamali dahil biglang bumukas yung pinto at tinutukan kami ng baril.

"Amin na mga bag nyo." Sabi samin at hinilang sapilitan mga bag namin.

"San nyo dadalhin yan?! Nanjan mga gamit namin!" Sabi ni Katrina kahit ang laman nalang ng bag nya ay yung iba nyang pagkain at first aid kit.

"Pinaguutos yun ng nasa taas. Kaya sumunod kayo samin" sabi sa amin at tinulak kami palabas. Buti naman at hindi kami kinapkapan. Akala kasi nila hindi talaga kami ready.

Dinala nila kami sa basement nila i think? Kasi nagelevator pa pababa. Tapos mabaho na at madilim. Napakatahimik. Pero maraming malalaking kulungan. Tahimik pero madaming tao. Nananahimik lang sila sa isang lugar.

Pagkakita na pagkakita ko sa pamilyar na mukha, agad akong tumakbo sa kanila papalapit. Nakakaawa sila. Nanghihina na at di na rin makakilos.

"Ma, Pa" sabi ko at nung nakita nila ako ay lumapit din sila sakin. Ngumiti sila kaya niyakap ko. Kaso hinila din ako ng lalaki at pinasabay sa mga kaklase ko.

"Wag mong sasaktan si Julia!" Sigaw ni papa kaya lalo akong naiyak. Kahit na sila ang nasa panganib ay ako pa din ang iniisip nila. Napakawala kong kwenta dahil hindi ko sila pinuntahan nung panahong kumalat na ang virus.

Binuksan nila yung isang kulungan at pinapasok kaming lahat dun. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Ex dahil sa nakatabi naming nasa kulungan. Bale kulungan nila mama, tapos yung tabi nila at sa tabi nun ay kami. Isa lang ang pagitan namin ng mga magulang ko.

"Exequiel.. Anak" mejo natuwa na din ako dahil nagkita na rin sila ng mga magulang nya.

"Ma, pa, anong ginawa nila sa inyo?" Tanong ni Ex. Ngumiti lang ang mga magulang nya at sumandal gaya ng ginawa ng mga magulang ko.

"Ang mahalaga ligtas ka"

Napatingin kami sa pinakadulo kung saan kinuha yung isang miyembro nila ng pamilya. Tatlo kasi sila dun at kinuha yung lalaki.

"Ano pong ginagawa sa kanila?' Tanong ko sa mga magulang ni Ex.

"Lahat kami ay nabakunahan na. Kailangan lang naming magpahinga ng 12 hours at pagtapos nun, itatry na kaming ipakagat sa mga hayop na yun."

"Ha? Eh anong oras po kayo nabakunahan?"

"Kani-kanina lang. Silang pamilya na yan, iba iba anh tinusok na bakuna sa kanila. Mas nauna sila at kahapon pa sila nabakunahan"

"Nasaan nga pala si Corrine?" Tanong ni Rica.

"Iniwan dun." Malamig na sabi ni Jethro.

"Ang daya" sabi naman ni Lanie.

"Hindi yan. Hahanap ng paraan si Corrine at yung papa nya na matakas tayo dito" sabi naman ni Claire kaya tumango ako.

Zombie Apocalypse: Fieldtrip(#wattys2017)Where stories live. Discover now