Chapter 36: Patrick

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ginoo. Kuhanin mo na rin ang aking saplot kung 'yong nais. Wag ka lamang umalis rito sa aming piling." Pagmamakaawa ng babae habang nakaluhod sa aking harapan.

Marahas ko syang hinarap. Bumalik na ang aking mga alaala. Oo nawala ang aking mga alaala dahil sa tatlong magkakapatid na nasa aking harapan ngayon. Hindi nila ako tinulungan in good way, they help me in a bad way! And that's hilarious! Kelangan ako ng Moon Ten, kailangan ako ng Moon Academy!

"Charm." Pagtitiim bagang ko sa kanya. "Tama na ang pagpipilit sa akin na isa akong witch katulad ninyo, na isa akong lalaking may asawang tatlong magkakapatid na babae. Tama na iyon."

Hindi sya nakasagot, bagkus napahikbi na lamang ito. Agad syang dinaluhan ni Monique, ang kanyang kapatid na Fortune Teller sa academy, na isa ko ring naging asawa sa maikling panahon.

Hindi ako makapaniwala na kaya nila itong gawin for Pete's Sake! Nagkaroon ako ng asawa, tatlo na nga lang, magkakapatid pa! Walanjo!

Nagpumilit na akong makalabas. Bumungad sa akin ang isang maliit at makipot na eskinita na hinaharangan ngayon ni Wanda habang hawak nito ang kanyang magic wand.

Kala ko lalaban sya dahil ayaw nya rin na iwan ko sya ngunit nagkamali ako. Dahil sa likod nya, naroon ang isang itim na pegasus. Malamang ikina-cast nya to kanina noong nawala sya.

Napangiti ako ng malapad at ganun rin sya.

"Ni kailanman hindi kita itinuring na asawa Kuya Patrick, kundi bilang isang nakatatandang kapatid."

Napayakap ako sa kanya sa labis na tuwa. Kung magkakaroon ako ng kapatid, sana maging ganito.

"Umalis ka na. Naaamoy ko na naririto na ang iyong mga kasamahan." Sabi nya bago ako tapikin sa aking likuran.

"Salamat."

"Walang anuman kuya." Huling sabi nya bago hinampas ang pwetan ng pegasus para lumipad.

Napangiti ako sa naisip na makikita ko nang muli ang aking mga kasama.

Nagpapasalamat rin naman ako kina Monique, Charm at Wanda dahil pinatuloy nila ako sa kanilang tahanan kahit na pa'y binura nila ang aking mga alaala. Ngunit mayroon pa rin akong hinanakit ukol rito.

Pinagmasdan ko ang lugar mula rito sa taas, dito sa aking sinasakyang pegasus.

Mula sa taas, nakakita ako ng grupo ng mga Soul Eaters, Wolves, ilang mga Giants at hyenas na mayroon atang pinagpepyestahan.

Normal lamang ito para sa Undrello, ang ganitong mga senaryo. Ngunit hindi ko maiwasang hindi maaawa para sa mga magiging biktima roon kaya napagpasyahan kong bumaba. Limitado lamang ang kayang idistansya ng aking abilidad. Hindi ko pa ito nahahasa.

Gumawa ako ng slow bomb, kung sina man ang tamaan nito, tyak na babagal ang kanyang pagkilos.

Itinama ko ito sa isang higante na malapit sa aking kinalalagyan.

Oh great Patrick! Inagaw mo ang  nila oh! Nasayo na lahat.

Naglalaway lahat ng mapunta ang kanilang atensyon sa akin kaya bahagya akong napalunok.

Tinitigan ko ang direksyon na kanilang pinagkukumpulan at agad na napakamot na lamang sa aking batok.

Isa lamang pala iyong butas.

Pero agad din akong natigilan ng may mapagtanto kung kaninong presensya ang aking nararamdaman.

Michelle, Carlos, Vanessa, Carl, Jayden, Rosby, Frank, Ferresa, Andrei, Cap Rence at isang presensya na hindi pamilyar.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon