Chapter 1 - The Bestfriend

1.3K 42 57
                                    

Rylie's POV

Tatlong linggo na magmula noong magsimula ang pasukan. Sampung buwan na naman akong magtitiis sa mga pang-aasar at pang-aapi sa akin ng mga kaklase ko at ng iba pang mga estudyanteng nag-aaral sa unibersidad na ito.

That's why I'm thankful to have my friends. They're my knights in shining armors. Kung hindi dahil sa kanila baka hindi ako maka survive dito at baka simula pa lang ng klase ay nagpa-kick out na ako. Pero buti nalang nandiyan sila, buti nalang nandiyan siya. Si --

"Ry! Rylie Christine Lucero!"

Dugdug. Dugdug. Si Lance Carlo Gabriel, ang bestfriend ko.

"Uy, natulala ka na naman sa kagwapuhan ko? Naku best, 'di ka pa rin ba nasasanay? Tsk tsk." Napa-poker face ako at piningot ang ilong niya. "Aw! Ouch! Grabe ka naman Ry. Di mo man lang ba namiss ang gwapong bestfriend mo?"

Kunwari pang nagtatampo at nag pout pa ang loko! Amp! Wag ka ngang pa cute. Ikikiss kita diyan e -- oops. Joke lang 'yun a.

Hayy. Kung alam mo lang, sobrang miss na miss na miss na kaya kita. Lagi ka ngang nasa isip ko e. Kung pwede lang kitang ibulsa at iuwi ginawa ko na. Gusto ko sanang sabihin. Pero ito ang nasabi ko e ...

"Namiss kita shempre. I miss youuuuuuuu." Hinabaan ko pa ang nguso ko. Hahahaha masuka ka sana sa itsura ko.

"Naks naman! I miss you too beeesssstttt!"

Niyakap niya ako at hinalikan sa magkabilang pisngi. Grabe. Ang PDA ng bestfriend ko. Pero uy, aaminin ko, kinilig ako dun.

Bumitaw ako sa yakap niya ng mapansin ko ang mga nakakatusok na mga tingin ng mga schoolmates namin. Ayy tanga! Sa hallway pa talaga kami nagyakapan. Panigurado, machichismis na naman ako nito. Tsk. Kilalang kilala pa naman si Lance sa campus. Naiinsecure lang siguro sila kasi ako ang bestfriend niya.

Ako na isang hamak na nerd at wallflower lamang. Isang nobody. Walang may pakialam sa akin.

"Uy, ang daming nakatingin sa atin oh." Pabulong kong sabi. "Ano bang kailangan mo best?"

"Hayaan mo na sila Ry. Ah! Oo nga pala. Can we talk?"

May halong pagtataka at kaba ang naramdaman ko. Anong pag uusapan namin? Ah, ewan. Tumango na lang ako. Tapos, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patakbo sa kung saan.

Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to? 'Wag niya sabihing...



Itatanan niya ako?!

--



Hingal na hingal ako. Ang layo layo ng inikutan namin, kung anu-anong building sa university ang nalagpasan namin at kung sinu-sinong tao ang nakabangga namin. Ang pawis-pawis ko na nga e. Amoy araw na ata ako. Eww.

Tapos leche, sa Park lang pala niya ako dadalhin?! May shortcut naman kaya mula sa highschool building papunta dito! Aish. Pinagod niya lang ako. Maloko talaga tong bestfriend ko minsan. O baka naman, nag enjoy lang siyang magka-holding hands kami? WAHAHAHA. Nako, nagiging assumera na naman ako. Kaya minsan umaaasa ako e. Kahit alam kong wala naman talagang pag-asang maging kami.

"Langya 'to! Pinagod mo lang ako! Dapat ilibre mo ako!" Nakakapagod naman kasi talaga, nagutom tuloy ako.

"Takaw mo! Kaya ang baboy baboy mo na oh! HAHAHAHA"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit crush na crush ko 'to, minsan talaga hindi ko maiwasang mainis e. Walangya. Ang payat payat ko na nga e! Gagu ba siya?!

More Than FriendsWhere stories live. Discover now