Chapter 2 - The Couple

43 2 0
                                    

*Ringgggg Riiiingggg Riiiiinggg* 

Pinatay ko ang alarm ng phone ko habang nagkukusot-kusot ng mata ko. Kanina pa pala nag riring ang alarm ko at hindi ko man lang napansin 'yun.

It's already 6:25 in the morning and I should be in school by 7 a.m. Kailangan ko nang maghanda at mag ayos (kahit walanamang pag-asang umayos ang itsura ko) at kumain.

Pero natigilan ako nang biglang nag ring ang phone ko.

I grabbed my phone and checked who's calling. It was Lance. Saglit akong dinalaw ng kaba at pagtibok ng dibdib.

Ba't kaya bigla 'tong napatawag ng ganitong oras? May problema ba siya? Anong nangyari— Bago ko pa ituloy ang mga tanong ko sa utak ko ay sinagot ko na ang tawag.

Walang kwenta naman kasi kung kakausapin ko pa ang sarili ko samantalang pwede ko namang kausapin agad si Lance. 

Inilapit ko sa tenga ko ang telepono ko at sinadya kong hindi muna magsalita. Pero nabigla na lang ako at muntik na nga ako nahimatay nang marinig ko ang nakaka-akit na boses ni Lance habang sinasabi ang mga katagang...



"I love you. I love you. I love you." Pa ulit ulit niya iyong sinabi.

Hindi ako makakibo. Hindi ko alam ang irereact, o kung ano ang sasabihin ko. I'm lost. Pero ito ang matagal ko nang hinihintay diba? Nag uumapaw sa tuwa at kilig ang puso ko kaya walang lumalabas na salita mula sa bibig ko. Ang sarap pakinggan. Ang sarap pakinggan na mahal din niya ako. 

Nang maka get over ako nang kaunti ay nakapag salita na rin ako. 

"A-a-ano kamo?" 

Ang tanga ko. Ba't ako nauutal? Nakakahiya. 

"Haha. Ang sabi ko I love you!" At inulit nanaman niya ang mala sagradong katagang iyon. Nakakakiliti sa tenga. 

"H-ha? Sure ka bang tama ang tinawagan mo Lance? Ako talaga? O-or baka naman prank lang 'to? A-ano? Prank lang 'to diba? Tatawa na ba ako? Ha ha ha" 

Nagkaroon ng isang segundong pause sa kabilang linya. Saka siya nagsalita muli.

"As i've check my phone, Rylie ang pangalan ng tinatawagan ko ngayon. So oo, ikaw nga ang tinatawagan ko. And no, this is not a prank. Best naman, trust me, ikaw ang mahal ko. Sa totoo lang joke lang lahat nang sinabi ko sa'yo tungkol kay Mich. Hindi ko siya mahal at hindi ko siya liligawan. Hahaha. Pakulo ko lang 'yun. Ikaw talaga ang mahal ko Best. Rylie, I love you so damn much. Will you be my girl and tell me that you feel the same way?" 

Halaaaa! Eto na talaga. The moment I have been waiting for! Ito na talaga ang araw na matagal ko nang ipinagdarasal sa halos lahat ng simbahan dito sa siyudad at sa tanang santong kilala ko.

Ito na 'yung lagi kong winiwish sa tuwing pumapatak ang oras na 11:11, ma pa umaga man 'yan o gabi! Sasagutin ko siyaaa! Sasabihin ko sakanyang mahal na mahal ko rin siya..

Ang saya. Mahal din ako ng bestfriend ko.. Matagal ko nang hinihintay na dumating ang pagkakataong ito.. Eto na, sasagutin ko na siya...

"YES!" 

Bigla kong iminulat ang aking mga mata at napabangon sa kama ko habang naka taas pa ang dalawang kamay. T-teka?! 'Wag niyo sabihing panaginip lang 'yun?! Kinuha ko ang cellphone kong nagriring pala. Ang alarm. 6:25 palang. Shemayyy. Panaginip nga lang talaga 'yun! 

PAKINGSHEEEEEEETTT! 

Akala ko pa naman totoo. Akala ko mahal niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya at sasagutin ko na siya tapos magiging kami tapos everybody happy! Akala ko.. Akala ko.. Puro lang pala 'yun 'akala'. Taena this. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

More Than FriendsWhere stories live. Discover now