Hacienda Del Fuego

3.8K 22 0
                                    

Ang Hacienda Del Fuego ay matatagpuan sa isang Liblib na lugar sa Laguna.Mula sa bayan ng Los Baños ay ang baryo Tabera bago mo pa marating ang Hacienda Del Fuego, na ang nag mamay-ari ay ang pinakamayaman sa lugar na iyon.Si Don Miguel DeL Fuego.

Naging asawa ni Don Miguel ang dalagang si Melva.Naging masaya ang pagsasama nila.Hanggang sa nagdalang tao si Melva, pagkatapos ng siyam na buwan ay isinilang nito ang isang sanggol na babae at pinangalanan nila itong Kristal.Ibinigay nila lahat ng karangyaan kay Kristal, halos ituring nila itong prinsesa.Ni ayaw nila itong masaktan.Pero kahit na pinalaki nila ito sa mararangyang bagay,nanatiling may mababang loob si Kristal.Mabait ito at may mabuting kalooban. Pero kapag inaapi eh marunong din namang lumaban.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon namatay sa isang aksidente ang mga magulang ni Kristal,16 years old pa lang siya noon at ka gagraduate pa lang niya ng high school. Nang mamatay ang parent niya ay duon biglang sumulpot ang isang babae na nag pakilalang kapatid ng kanyang Papa.Na sa totoo lang ay ngayon nya lang nakita.Naikwento naman ng Papa niya na may Kapatid nga itong babae pero swail daw ito at matigas ang ulo, kaya itinakwil ito ng Lolo niya.Kahit labag sa kalooban ni Kristal ay wala siyang nagawa ng sabihin ng tyahin niya na doon na ito titira sa Hacienda DeL Fuego.

At Duon na nag simula ang kalbaryo sa buhay ni Kristal. Dahil sa pagiging buhay Prinsesa niya, ngayon ay ginawa na siyang katulong ng maldita niyang tiyahin at ng anak nitong si Lennita.

-----------------

Author: sana magustuhan ninyo ang bagong story ko.Salamat po!!

Hacienda Del FuegoWhere stories live. Discover now