Chapter 35: Soul Eaters

Magsimula sa umpisa
                                    

Inis kong binalingan ang mga bweset na gwardya na nakatunganga pa rin sa ngayon.

"Souuuul Eaaaateeeersss!!!" Sigaw ko sa gawi nila.

Sa una di pa rin sila kumilos pero agad nagbago iyon ng makita nila ang mga halimaw sa aming likuran.

Lahat nagsipaghanda. So kailangan may patunay pa?

Nang makarating kami sa gawi nila, gumawa agad ng barrier ang isa sa kanyang mga alagad upang ang mga halimaw ay hindi makapasok.

Buti laging handa tong mga to.

"Iuuwi muna kita. Masyado nang delikado." Pangingiusap sa akin ni Dennis habang nakatitig sa aking mga mata.

Agad akong umiling bilang sagot at tinitigan sya ng madiin. "Nais kong tumulong."

"H-Hindi maaari. Malalakas sila, hindi sila basta bastang tinatablan ng ano mang klaseng mahika."

"Kaya ko." Pag-aasik ko pa rin.

Pake nya ba? Nais kong tumulong! Sumugal akong pumunta rito sa weirdong buhay na to, susugal rin ako para protektahan to!

Bilang pagsuko, tinitigan lamang nya akong muli.

"Hard headed lady."

Hard headed?! Oy oy! Hindi ah! Aba't tong lalaking to ha! Humanda ka sa akin mamaya!

Bago pa ako makapagprotesta, mabilis na syang kumilos at pumunta sa isa nyang kasamahan na pinaiikutan na ng mga soul eaters.

Lagi bang ganito rito? Mga halimaw na nagkalat lamang sa paligid, mga alertong mga magic users na animo'y laging may panganib sa paligid na may panganib naman talaga. Bakit ba nilagyan ng sumpa ang lugar na ito? Sa anong dahilan?

Hindi pa man ako nakakakilos, o nakakahinga man lang ng may umatake na sa akin.

Iniwasan ko ang kanyang mga mahahabang kuko na muntik ng humiwa sa aking mga braso.

Wag na wag mapapadikit ang balat sa soul eaters, magiging abo ka at malalagutan ng hininga Cashmere.

Hindi sila basta basta tinatablan ng mahika.

Gumawa na lamang ako ng isang espada gamit ang yelo.

Hindi ko pa to napag-aaralan, pero malay natin, nakataya buhay ko dito!

"Rawr!" Asik ng halimaw sa akin ng sinangga kong muli ang kanyang atake gamit ang aking espadang gawa sa yelo.

"Di ka rapat naririto!" Asik nya.

Puno ng pagtataka, tinitigan ko ang soul eater na nasa aking harapan.

"Nakakapagsalita kang halimaw ka?"

Hindi nya ako sinagot bagkus binalak na naman nya akong atakihin kaya umiwas agad ako.

Nakakapagod ah! Hinihingal na po ako!

"Sumama ka na lamang sa amin." Sabi ulit nito.

Hindi ko maiwasang mapalunok ng tumigil ito sa pag-atake at unti-unting lumapit sa gawi ko.

Ano to?!

Napaatras ako ng wala sa oras. Ano bang ibig nyang sabihin?

Bawat hakbang na ginagawa ng soul eater sa aking harapan, unti unting naaagnas ang kanyang katawan. Nagpapalit sya ng anyo? Paano?

Naglakad sya papalapit sa akin, patuloy habang nagkawangis na rin ang kanyang mukha.

Mayroon syang maamong mga mata, mapupulang labi, moreno ang kanyang balat, may matipunong pangangatawan unlike kanina, nakatopless, mayroong itim na itim na mata, this time may puti na sa kanyang mga mata. Pero ano? Paano sya nakapagwangis bilang tao?! Paano nangyari to?

"Wag kang matakot." Nakangiti nyang sabi na animo'y hindi sya halimaw kanina lamang, bago ilahad ang kanyang kaliwang kamay sa aking harapan.

Tintigan ko lamang iyon at patuloy pa ring umaatras.

"Tyak matutuwa ang iyong ama pagnakita kang muli." Nakangiti nya pa ring sabi.

Ama?

"Anong sabi mo?"

"Ang iyong ama." Sabi nyang muli bago inilahad ng tuluyan ang kanyang kaliwang kamay sa aking harapan.

Ang aking ama.. Kilala nya kung sino ang aking ama!

May nag-uudyok sa aking isip na wag sumama ngunit mas nag-uumapaw ang pananabik sa aking puso.

Hahawakan ko na sana ang kanyang kamay ng matumba ang lalaki sa aking harapan.

Napalingon ako sa lalaking sumaksak sa lalaking soul eater.

Tagaktak ang pawis nito at mayroong dugo sa kanyang damit.

Bago pa ako makapagsalita, niyakap na nya ako kaagad ng mahigpit.

"Sabi ko naman sayong iiuwi muna kita eh." Nag-aalang sabi ni Dennis habang hinigpitan pa ang kanyang pagkakayakap sa akin.

"D-Dennis."

Binalingan ko ng tingin ang soul eater, unti-unti na itong naglalaho.

"Ang iyong ama Cashmere. Ang iyong---!"

Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sasabihin ng tapakan na ni Dennis ang ulo nito.

"Tahimik!" Sigaw ni Dennis rito.

"Dennis anong---."

"Sila'y gumagawa ng kwento o nag-iimbento lamang Cashmere, hinahalungkat nila ang iyong alaala at ginagamit ito laban sa iyo. Wag kang magpapaniwala sa kanila. Iwasan mo ang kanilang mga mata." Pagpapaliwanag sa akin ni Dennis bago ako yakapin muli. "Tara na, umuwi na tayo." Pagyaya nito sa pagod na boses na ikinatango ko na lamang.

May parte sa puso ko na ayaw maniwala kay Dennis. Ngunit bakit? Tama naman ang kanyang pagpapaliwanag diba?

Humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Dennis.

"Anak ng pinuno, tatatlo na lamang ho kaming natira. Nahigop po ang iba nating kasamahan." Sabi ng gumawa ng barrier kanina.

"Patawad kung hindi ko kayo nailigtas lahat." Paghihingi paumanhin ni Dennis sa pagod pa ring boses. "Tayo'y umuwi na."

Nagsitanguan naman sila at sumakay na ng pegasus. Ganun rin ang ginawa namin.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng soul eater na word na "Ama." Bakit ba ako nababahala?

Hindi ko na lamang pinansin ang nasa ibaba, may iniisip ako ngayon mas importante kesa kabahan sa pegasus.

Ugh! Ano ba!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon