Chapter 3: First Mistake

3.6K 239 21
                                    

CHAPTER 3:
First Mistake

Kyrille's POV

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa kusina. Ano pa nga ba ang ginagawa dito ? Edi magluto at maghugas.

Well, naghuhugas ako ng pinagkainan nung apat nang biglang tinawag na naman ako ng pasigaw ni Xander.

Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nila dahil baka masabihan na naman ako ng masama.

"Po?" Tanong ko.

"Timplahan mo kami ng gatas tapos dalhin mo sa kwarto namin" Ano? Gatas? Nag gagatas pa sila? Seryoso siya diyan?

"Sige po" sabi ko na lang sabay puntang kusina. Agad akong kumuha ng apat na baso. Teka..ano palang gagawin ko? Di ko alam kung anong gusto nila. Malamig ba o mainit na gatas?

Hay nako. Bahala na nga. Nang matapos ko itong gawin ay una kong pinuntahan si Sir Zich. Nasa garden lang kasi siya kaya nagpunta na muna ako doon.

"Sir Zich!" Tawag ko kaya napatingin naman siya sa direksyon ko.
"Ano ba yan Kakay? Gabi na at nagsisisigaw ka pa. Wala ka ba talagang magawang matino sa buhay?" Tanong niya. Ay grabe siya. Sungit.

"Eh kasi sir.. nagpatimpla lang naman sakin si Sir Xander ng gatas tapos ibigay ko daw sa inyo. Yan oh" Iniabot ko naman sa kaniya ang gatas at kinuha niya naman iyon agad at ininom.

"Hala!" Pagpipigil ko. Bobo ba siya?

"Aray ko. Ang init. Puta!" Daing niya habang nakalabas ang dila. Sinasabayan niya din ito ng pagpaypay ng kamay niya.

Bigla akong nataranta. Tumakbo ako papuntang kusina at kumuha ng malamig na tubig at pinainom yun sa kaniya.

"Pasensya na po sir!" Paghingi ko ng paumanhin. Bat naman kasi hindi niya muna tiningnan kung malamig ba ito o mainit.

"Bakit ang init non?" Tanong niya habang nakahawak sa pisngi.

Eh bobo pala siya eh.

"Eh bat mo kasi ininom agad? Hinawakan mo yung baso tapos di mo naramdaman yung init? Manhid ka ba? Hindi yon alak oy" sabi ko at inagaw sa kaniya ang baso. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Tch, lumayas ka nga sa harapan ko. Baka mapatay kita ng wala sa oras eh" inis na sabi niya. Napabuntong hininga ako.

"Sorry po talaga. Hindi ko nam--"

"Umalis ka sabi sa harapan ko!" Hindi ko lubos akalain na sobra siyang maiinis sakin. Hindi ko naman talaga sinasadya eh.

Paano na yan? Papalitan ko ba ito at magtitimpla ng panibago? O ito na lang din ibibigay ko? Pero kasi..baka mapaso na naman sila. Hay nako..bahala na.

Sunod na pinuntahan ko ay si Sir Drake, asa sala lang naman siya kaya mabilis kong naibigay yung gatas.

"What is this?" Bobo ba siya? Nakita niya ng gatas magtatanong pa siya.

"Baka Gatas" simpleng sagot ko.

"Ghad Kakay. I'm not stupid. I know it's milk. Pero para san to?"

Aba ako pa talaga yung bobo? Bat kasi hindi niya nililinaw ng maayos yung tanong niya?

"Malamang iinumin mo po" biglang namang napataas ang kilay niya. Suplado ang gago.

"What do you think of me? A baby? Hindi na ako umiinom ng gatas" tanggi niya.

"But, give it to me. Ibibigay ko na lang kay Freyie" kinuha niya sa akin yung gatas at lumapit sa pusa.

"Teka sir, mainit yan. Yung pusa niyo baka mapaso" pagpipigil ko.

Love The Way You Lie (COMPLETE) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon