Sana Ako na Lang

448 2 0
                                    

Ako na lang
Pwede bang ako na lang?
Yung karamay mong mag-isip kung saan kakain?
Yung lagi mong kinukulit pag wala kang magawa?
Yung hinahanap hanap mo tuwing malungkot ka?
Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin?
Pwede bang ako na lang ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta?
Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na?

Ako na lang ulit
Pwede bang ako na lang ulit?
Yung kasama mong nakangiti sa libu-libong mga mga litrato?
Yung lagi mong sinasabihan ng joke mong korny?
Pwede bang buhayin na lang nating muli yung mga anak nating pinaplano?
Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana?
Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha?

Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon.

Kasi may kayo na.

At ako na lang.

Ako na lang ulit.

Tanginang pag-ibig yan.

Random WorksWhere stories live. Discover now