Umiling ako.

"Hindi- Pupunta yun panigurado dito.

" Ah-

Pumikit sya.

"Magpahinga kana lang." sabi ko habang nakabantay lang sa kanya.

----

Inabot ako ng gabi sa pagbabantay sa kanya. Tulog pa din sya.
Nagdecide ako maglibot libot sa bahay nila.

"Ang laki nga talaga ng bahay nila." sabi ko habang naglalakad lakad.

Hinawakan ko ang bawat doorknob ng mga kwarto nadadaanan ko. Aksidente ko nabuksan ang isang pinto. Bukas pala sya.

"Huh?

Sumilip ako sa loob.

"Anong kwarto ito?

Para syang study room. May mga shelves sa bawat gilid at may table naman sa gitna. May mga paintings sa pader at mga antique na gamit sa bawat sulok.

Organized ang kwarto pero mukhang hindi na nagagamit dahil maalikabok na ang mga gamit.

"Huh? Attorney V Gonzales? Si Vlad kaya ito?

Pumasok ako sa loob at tinignan kong mabuti kung pangalan nya yun.

"Vicente Gonzales? Tatay nya?

Nagtaka ako.

"Tatay nya ay abogado din pero sabi nya namatay ang tatay nya sa sala na hindi naman nito ginawa? So ?

Napaisip ako.

"Totoo ang nakikita mo Aly.

Nagulat ako sa boses ni Vlad. Nasa likod ko pala sya.

"Oh? Gising kana pala? "tanong ko kaagad pagkalingon ko sa kanya.

"Totoo na abogado rin ang Papa ko. At totoong pinatay sya sa salang hindi naman nya ginawa.

"Anong ibig mong sabihin?

"Naframe up si Papa. Pinalabas ng partidong nakalaban nya sa korte na binabayaran sya para maglaglag ng kaso at may kaugnayan sya sa sindikatong nagpapakalat ng human trafficking sa bansa.

"A-ano!

"Nahulihan sya mismo sa opisina nya na to ang mga ebidensya na may kaugnayan sya sa mga ibinibintang sa kanya. Kaya yun sa takot nyang madamay kami nagtago sya. Pero mas nadiin naman sya kaya pinapatay sya.

Nagulat ako sa narinig ko.

"Vlad..

"Sa totoo lang Aly. Dahil sa naiwan ni Papa. Sa akusa sa kanya na wala naman patunay. Ako ang lahat ng sumasalo nun.

"Ha!

"Sa korte kapag naipapapanalo ko ang mga kaso. Kinukwestyon nila ako na paano ko nagagawa yun? May kaugnayan din ba ako sa mga grupo ng sindikato na katulad ng ginawa ni Papa? At maari din katulad ako ni Papa na isang bayaran abogado at ginagamit lang ang katungkulan ko para manlamang ng kapwa.

My Boyfriend is The Professor! Место, где живут истории. Откройте их для себя