Chapter Twenty-Three

39.3K 641 9
                                    

Nagising ako 7 na ng umaga, wala narin ang unggoy sa tabi ko.


Ay! Nga pala may photoshoot pala sya ngayon! Ano kayang nakain non ba't sinali pa ako.


Makababa na nga, para makainom ako ng kape.


Pagbaba ko nakita ko si manang Jen na nagluluto.


"goodmorning po manang Jen.." bati ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin.


"magandang umaga din hija.." sabi nya tsaka nag patuloy na sa pag luluto.


"gusto mo ng kape hija?.." alok nya.


"Opo, pero ako nalang po, mayginagawa pa naman kayo.." tsaka ako kumuha ng baso at nagtimpla na.


"sige..."



Nang matimpla ko na, humigop naman ako ng kaunti ang init kasi,



"Sige manang sa salas muna ako" tumango lang sya tsaka tumalikod na ako.



Pagtalikod ko nakita ko si Zack na nakatingin sa akin at naka topless lang,basi sa hitsura nya eh parang galing nag work out!



Hmmm Kompleto na! May kape na May PANDESAL pa!!


Ngumiti ako sa kanya at lumakad na papuntang sala hindi ko sya tinigna nasa kape lang ang mata ko, ayaw kong tumingin sa kanya!! Traydor pa naman tong mata ko!!

Pagdaan ko sa kanya binati nya ako, "goodmorning.."



"goodmorning din.." sabi ko habang hindi parin tumitingin sa kanya, at nagpatuloy na akong naglakad patungo sa sala.


Ang aga naman ng pandesal!!



"Anong pandesal?"



O____O


Hala!! Nasabi ko yun! Ba't narinig nya! Agad naman akong tumingin sa kanya.


"ah-ah--Ano kasi ahm, masarap kumain ng pandesal Oo yun nga! Natakam ako sa pandesal eh haha.." pilit kong tawa, Ikaw kasi!!



"And why your blushing..." ngiti nyang tanong!!
Hala!agad ko namang hinawakan ang kaliwang pisngi ko,



"Hindi ah!! Mainit lang talaga ang kape.." Grabing palusot to!




"Okey!I will just take a bath..." kailangan talagang magpaalam!.tumango lang ako at tumalikod na sya pero agad naman na huminto at lumingon sa akin!


"Wanna join me..." Abnormal talaga!! Binato ko sya ng unan! Tumawa lang ang baliw!! Pagkapos non umalis na sya!


~~~~~~



Mga around 9 na kami umalis ng bahay, San kaya kami pupunta.




After 20 minutes huminto kami sa isang lumang building! Ano naman ang gagawin namin dito??


Napansin ko rin na may mga sasakyan na pi-nark din.


"Dito ang photoshoot mo?" tanong ko ng makalabas na kami sa sasakyan nya.


"Yup! At hindi lang sakin kundi Sa atin.." pa ngongorek nya sakin.


"Sabi ko nga..." ngumisi lang sya at inakbayan ako at lumakad na kami papasok.


Pagtingin ko ang daming tao. Nakakahiya naman, aalisin ko sana ang kamay nya na nasa balikat ko pero pinigilan nya.


"Don't you dare...." shit! Nakakakaba naman ang mga tingin nila. May agad lumapit isang bakla,


CBD Company √Where stories live. Discover now