Prologue

14 3 1
                                    

Take away your things and go
You cant take back what you've said I know
I've heard it all be~

Kasalukuyan akong sa itinuturo ng prof namin nang tumunog ang cellphone ko

"Excuse me maam. Can I answer this call?"

Tumango lang ang prof namin bilang sagot at nagpatuloy sa pagtuturo. Lumabas na rin ako at sinagot ang tawag

"Hello Butler James? Napatawag kayo?"

"Señorita, isinugod namin ang Señora sa ospital" sabi ni Butler James

"What? Anong nangyari kay Grandma?"

"Binaril po sya kanina habang nasa mall"

Naglandas agad ang mga luha sa aking mukha ng marinig ko ang sinabi ni Butler James.

"O-okay lang ba sya? Nahuli nyo ba y-yung bumaril?"

"Nasa loob na po si Señora sa ICU. Nabaril kasi sya sa dibdib. At hinahanap na din po namin ang nagbaril sa kanya"

"Pupunta a-ako jan. Saang hospital kayo?"

Pagkatapos nyang sabihin ang address, dali daling akong pumasok sa classroom at kinuha ang bag ko

"Anong nangyari Ms. Zalde?" Nagtatakang tanong ng Prof namin. Nagtatakang tiningnan rin ako ng mga kaklase ko

"Im sorry Mam pero pwede po ba akong umalis? Kailangan ko po kasing pumunta ng hospital" naiiyak na sabi ko. I tried to hold back my tears pero hindi ko ito mapigilang wag tumulo.

"Ok. You can go now Ms. Zalde"

"Thank you mam"

Dali dali akong lumabas ng Campus at pumara ng taxi. Buti nalang at malapit lang samin ang hospital na pinadal.an ni Grandma kaya nakarating agad ako.

Dali dali akong pumunta ng ICU at nakita ko doon ang mga tauhan ni Grandma at si Butler James. Nandito na rin pala sila Tito Jackson na naiiyak habang yakap yakap si Tita Lyn na umiiyak. Pati sina Kuya Drex at Trevor. Alam kong nagpipigil lang sila kuya. I treated them like own family. At tinuring na din nila akong bilang parte ng pamilya nila.

Agad nagyukuan ang mga tauhan namin pagkakita nila sakin.

"Señorita Rosette, hintayin nalang po nating lumabas ang doctor sa loob" sabi ni Butler James sakin

Nanghihinang napaupo ako. Dinaluhan naman agad ako ng mga pinsan ko. Please Grandma, wag ka munang sumama kay Lord. Please stay longer.

Tumayo agad ako ng lumabas ang doctor.

"Who's the family of the patient?"

Lumapit kami sa kanya

"Kami dok. Kami yung pamilya nya" sabi ni Tito Jack

"Im sorry pero hindi na namin nakayanan pang buhayin ang pasyente. Bumigay na 'yong katawan nya at maraming dugo ang nawala sa kanya. Malapit sa puso ang bala kaya hindi na namin nakayanan pa" sabi ng doctor sakin

Demoiselle's RetaliateWhere stories live. Discover now