Narinig ko naman na nagbubulungan yung dalawang babae sa gilid ko na nakaupo rin sa gilid ng fountain. "Grabe naman si Somi, kakilala niya rin pala si Beanie-senpai. Iba talaga kapag maganda," bulong nung mukhang third year.

"Shh, huwag ka nga, kanino ka ba talaga? Kay Mingyu-senpai o kay Beanie? Isa lang dapat, rule yan sa fandom, isusumbong kita tingnan mo," teka may fandom kami? Woah.

Nabaling yung atensyon ko dun sa dalawa na naman, kasi biglang sumigaw yung hipon na babae, tch. "Sabi kasi ni tita, bantayan kita. I'm just following her, iingatan ko future husband ko noh," ani Somi, diniinan pa yung huling part. Hinampas naman siya ni Wonu ko na parang kinikilig yung ngiti. Teka, narinig ba niya sinabi nung Somi??!?!! BAKIT NATUTUWA PA SIYA??!?

Hindi na ako nakapagpigil.

"Wonu! Hoy!" Napatingin yung dalawa sa akin.

Nagsimulang magbulungan yung dalawang kaibigan ata nung Somi. "Nagsasama-sama gwapo't magaganda OMG kailangan ko ng pic-" tinitigan ko yung mukhang third year na nagsabi nun. Titig na masama. Pero hindi ko alam kung bakit namula pa siya. Pero at least tumigil siya.

"Gyu? Nandjan ka pala?" Aba bish rin itong emo na to, dI NIYA BA AKO NAKITA, "Somi, si Gyu nga pala, siya yung note-taker ko na kinikwento ko sayo palagi," pinakilala ako ni Wonu at nagpakilala na rin ako, makikipagshake hands dapat ako kaso inirapan niya lang ako at tinanggihan yung maganda kong kamay. Hoe dear u bish.

"Anyways, aalis na ako. Ingat ka palagi, hun." HINALIKAN NIYA SI WONU SA PISNGI, SI EMO BOI NAMAN NAKANGITI PA RIN ABA. ANO BAAAAA. TAPOS TINAWAG PANG HUN ABA ANO BA.

"Oh, bakit ka nakanganga diyan?" Tanong niya, balik pokerface na naman mukha niya pagkatapos tumalikod nung hipon na tinubuan ng katawan ng tao.

"A-Ano kasi...wala. Kanina pa kita hinihintay dito sa fountain, kala ko galit ka sa akin kasi ang tagal mo na rin akong hindi kinakausap." Tagal raw, kahit isang araw niya lang ako hindi kinausap huehuehue "Kala ko iniwan mo na ako..."

...shit, ano yung sinabi ko.

"I-I mean, kasi baka umuwi ka na! Baka iniwan mo na ako at nauna ka pauwi....baka iniwan mo rin ako kasi sawa ka na sa ugali ko, at sa paghingi ko sayo ng pagkain,"  tinapik niya yung likod ko.

"Hindi kita iiwan, para ka namang baliw. Atsaka bakit kita iiwan, sa katakawan mong yan? Baka magutom ka pag wala ako," aBA KAYA KO NAMAN PONG MAGLUTO WALA LANG PO AKONG ORAS. "Gusto nga kita kasi nakakatawa ka eh, pinagkakatiwalaan rin kita kaya ko sinabi sayo na ano ako. Ay ewan. Tara na nga sa room," nakangiti niyang sabi.

Gusto ko talaga yung ngiti niya, ang sexy. Lalo na yung mga mata niya na nanlilisik at malalim. Parang nakatingin ako sa dagat tuwing nakikita ko mata niya, kahit hindi blue- Shehet eto na naman ako kung ano-anong sinasabi ko. Kahit pinuri ko siya, MAS GWAPO PA RIN AKO PARA SAKIN.

Habang naglalakad kami sa hallway, nagtanong na ako kasi sayang naman oportunidad. "Sino yung Somi? Future husband ka daw niya...."

Nanlaki naman mata niya. Narinig niya kaya ako ng tama? "Hah? Hindi ah. Friends lang kami nun. Close kasi sila ni mama. Kaya madalas akong biruin nun. Gusto niya raw kasi ako, as in yung gusto na maging boyfriend, pero hindi pwede. Kapatid tingin ko sa kanya eh at higit sa lahat-"

Napalunok ako.

"...ahh. Ganun ba." Putspa mGA BES ANG HIRAP MAGPIGIL NG NGITI. ANG SAYA KO NGAYON. IDK WHY PERO GHAAAASH.

"Huwag ka nang magpigil ng ngiti, bakit ka ba nakangiti in the first place? Late na tayo, nakangiti ka pa diyan," tanong niya sakin.

"Pupunta ako sa inyo bukas. Kape tayo tapos patutor." Excited kong sabi sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin. Lagi nalang niya akong ginaganito.

"...Gyu, nagawa mo na ba yung essay? Diba ipapasa yun sa Guidance Office? Atsaka kailangan daw yun before makagraduate ng college dito sa school na 'to. At isa pa. Malapit na ang Intrams. Maid ka dun."

"Hindi ko pa alam isusulat ko kasi hindi ko naman talaga alam kung ano mangyayari sa akin after ten years. At oo, hindi ko makakalimutan na maid ako,"

About kasi sa ano daw, nakikita namin after ten years sa buhay namin. Nababagabag ako. Wala pa akong plano.

At yung intrams, sa isang araw na siya.

Aish bahala na.

"Ano, bukas hah. Kape tayo."

He smiled and nodded before entering the room (credits to jisoo) :").

---

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now